Text Sender

6 2 0
                                    

Papunta si Ellie sa kanyang kwarto upang kunin ang kanyang sketchpads nang muling nagvibrate ang kanyang cellphone.

09**4221460

Bakit ba ang sungit mo Miss? Kamag - anak mo ba si Miss Minchin?

Muling binasa ni Ellie ang text message. Kumunot ang noo ng dalaga ng makita ang message sa kanyang cellphone. Pinili na lang ni Ellie na huwag nang pansinin at pag - aksayahan ng panahon ang mga taong walang mga magawa sa buhay. Maya - maya pa ay nagvibrate muli ang cellphone na hawak niya.

09**4221460

Pangit ka siguro noh kaya ka masungit.

09**4221460

Miss Minchin wag kang masyado seryoso sa buhay. Chill!

Sunod - sunod na text message ang nabasa ni Ellie. "Bahala ka dyan, hindi kita rereplyan hanggang sa tumigil ka!" Nayayamot na sabi ni Ellie. Madami pang mga sumunod na text message ang nabasa ni Ellie ngunit wala ni isang reply si Ellie dito.
Napairap si Ellie ng muling nagvibrate ang kanyang cellphone. Halos gusto na niya itong ihagis sa sobrang inis. Kinuha niya ang cellphone at binasa ang text message.

Gela
09**1432567

Ellie magkita tayo mamayang 6pm sa coffee shop malapit sa inyo. May importante akong sasabihin sayo. Ikaw ang taya ah, haha

Ellie

09**5672342

Ano yon bakit hindi mo na lng i-text dito? Saka ikaw ang nagyayaya sa coffee shop tapos ako ang manlilibre? Kaloka ka ha

Gela

09**1432567

Sige na Ellie basta importante talaga. Paano kita tayo mamaya? Libre mo ha
Hahaha

Ellie
09**5672342

Oo na magpapaalam muna ako kay Lola. Ako rin may sasabihin sayo. Kita - kits mamaya

Matapos ang palitan ng text messages nila ng kanyang kaibigan naisipan ni Ellie na tapusin na ang sketch design ng gusto niyang gown para sa nalalapit nilang event sa school. Siya mismo ang magdidesenyo ng gown na susuotin niya sa nasabing school event.

Dear Soulmate Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon