Mystery Letter Sender

13 2 0
                                    

"Ellie patingin naman!" sabay hablot ng sulat mula sa kaibigan. Walang nagawa si Ellie nang kunin ni Gela ang sulat mula sa kanya. Malakas na binasa ni Gela ang nilalaman ng sulat. Kasalukuyang labasan ng mga Engineering students ng mga oras na iyon.

"Kanino kaya galing ang sulat?" Nagtatakang tanong ni Gela. "Wala ka namang boyfriend di ba?" "Sino si Jz?" sabi ng kaibigan na tila nag - iisip kung sino sa kanilang mga kaklaseng lalaki ang may initial na Jz. "Hindi natin kaklase yan!" malakas at halos pasigaw na hablot ni Ellie sa sulat.

Kasalukuyang palapit ang mga grupo ng kakalakihan galing sa Engineering building. "O, Jheriz paano ba iyan ikaw ang taya ngayon," nakangising sabi ni Abet sa kanya. "Oo, akong bahala sainyo," nakangiting sagot ni Jheriz sa mga kasamang kaibigan. Habang palapit sa dalawang babae hindi mapigilan ni Jheriz ang humanga sa isa sa mga ito. Lihim niyang tiningnan sa gilid ng kanyang mga mata kung nakatingin din ito sa kanya.

Nagulat siya lumipad na sulat malapit sa kanyang harapan. Kilala niya ang sulat kamay niyon. Muling tumingin si Jheriz sa babae ngunit naglakad na ito palayo sa kanya habang humahabol sa likod nito ang kanyang kaibigan.

Dear Soulmate Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon