Another Letter

10 2 0
                                    

Ellie! Ellie! Ellie! Ano ba? Nakakapagod ha! reklamo ni Gela sa kaibigan. "Sino ba kaseng nagsabi sayo na humabol ka?" mataray at direktang sagot niya sa kaibigan. "Wala namang masama sa ginawa ko Ellie!" depensa ni Gela. Huminto si Ellie sa paglalakad. Hindi nila namalayan nakarating na pala sila sa school garden. Isa ito sa pinakapaboritong lugar nila ni Gela sa campus. "Napahiya ako Gela!" inis na sagot ni Ellie sa kaibigan. "Sino bang matinong kaibigan ang gagawa noon?" asik niya sa kaibigan. "Sorry Ellie," nangingilid ang luhang sabi ni Gela sa kaibigan.

Hindi naman matiis ni Ellie ang kaibigan. Agad siyang lumapit dito at umakbay sa balikat nito. Sinabayan pa niya ito nang tapik na ikinagulat ni Gela. "Taya!" sabi ni Ellie. "Paunahan tayong makarating sa locker, ang mahuli siya ang manlilibre!" mariing sabi ni Ellie sa kanya. "Bilisan mo Gela maabutan na kita!" sabi nito sa kanya.

Pagdating sa locker room, humihingal na sumandal ang magkaibigan sa sarili nilang locker habang hinahabol ang paghinga. Binuksan ni Ellie ang kanyang locker. Tulad ng inaasahan may nakaipit na namang bagong sulat sa isa sa mga aklat na naroon. Paismid na kinuha ni Ellie ang sulat. Tahimik lang na nakatingin si Gela sa kanya.

Dear Soulmate Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon