Jheriz or Jz

7 2 0
                                    

Kanina pa niya sinusundan ang kaibigan ng babaeng crush niya. Hindi umubra ang pasulat - sulat ng binata sa dalaga kaya naman sinisimulan na nya ang kanyang plan B. Nakita niya na abala ito sa paghahalungkat ng kanyang gamit sa bag. Kaya naman may naisip siya na magandang gawin para isagawa ang kanyang plano.

Maya - maya pa ay nagkabunguan sila ng dalaga. Agad siyang humingi ng paumanhin dito kahit sinasadya niya ang pagbungo dito. Ngiting tagumpay ang binata dahil umaayon ang pagkakataon sa kanya. "Sa wakas nakahanap din ng tiyempo," bulong niya sa sarili. "Mukhang magagamit niya ang kaibigan nito para makalapit sa dalaga," patuloy na sabi nya sa sarili.

Matapos ang pag - uusap nila ni Gela. Nalaman nya mula rito na sa lugar na iyon nakatira ang dalaga. Sakto nga at malapit iyon sa kanyang tinutuluyan.
Kriiiiing! Kriiiiing! Malakas na tunog ng telepono niya. "Papa napatawag ka?" mabilis niyang sabi sa ama.

"Nahanap mo na ba siya?" tanong ng boses sa kabilang linya. "Oo Papa pero mahirap kunin ang loob niya. Iba siya sa mga babaeng nakilala ko, Papa" sagot ng binata.

"Pagbutihin mo Iho, kailangan natin siya sa kumpanya," sagot ng kanyang ama. Nagpatuloy si Jheriz sa paglalakad matapos makausap ang kanyang ama. Naisipan niyang i-text ang numerong ibinigay ng isa sa kanyang mga kaibigan. Sabi ng kaibigan nya ito raw ang numero ng dalagang crush nya. Tinanong nya ito kung paano nakuha ang numero ngunit hindi nito sinabi sa kanya.

"Ah! Bahala na!" sabi nya sa sarili. Naghintay si Jheriz ng reply mula sa dalaga. Pagkalipas ng kalahating oras bago ito sumagot. "Ang sungit talaga ng babaeng yon', sunod pa nyang sabi. Muling nagtype si Jheriz sa kanyang cellphone ngunit nakailang text messages na siya ay hindi pa rin sumasagot ang dalaga.

Habang pauwi naisipan niyang simulan na ang susunod na plano para sa dalaga.

Dear Soulmate Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon