CHAPTER 7-YAKAP

0 0 0
                                    

MULA no'ng umalis si Vince saaking apartment ay nag resign naman ako sa hotel kung saan ako nag tatrabaho ayaw ko nalamang na maging iba pa ang trato nito saakin kung ito ang boss ng hotel.

GUSTO ko nalang din kasing kalimutan sya kayat iyon ang ginawa ko para naman hindi nakami nito magkita pa.

Tinawagan ko si Megan na isa sa mga katrabaho ko dati dahil nagkita kami noong nakaraan at may inaalok itong trabaho saakin.

Ayaw ko pa sana’ng patusin ngayon ngunit wala na ’kong magagawa pa.

“Hello Meg?”saad ko sa kanilang linya.

(Hi Ixie!Anong meron ba‘t na patawag ka?)

”mm....Gusto ko sanang kausapin ka tungkol doon sa inaalok mo saaking trabaho?”

(Ahh oo nga pala...ah sige sige Ixie magkita nalang tayo sa bar... pasensya na ah.nag mamadali ako eh...sige na bye!)binaba ko na ang telepono ko ng nadinig kong nagmamadali na ito.

Bakit ang hirap padin sa ‘akin yung pagiwan ni Vince kahit wala kami nitong relasyon?

ANDITO ako sa bar kung saan kami magkikita ni Megan.

Pagpasok ko palamang ay bumungad na saakin ang amoy alak at ang mga taong nagsasayawan, Hindi ako sanay sa ganitong lugar hindi pa ako nakakapasok dito noon kayat naiiba ako kung kumilos kapag maynakakita saakin dito.

Naupo ako sa bakanteng table palingalinga kung pinagmasdan ang mga tao ng mayroong mahagip ang mga mata ko.

‘Shit‘

Nakita ng dalawang mga mata ko ang dalawang kaibigan ni Vince.Para bang mga wala itong suot dahil sa nakalabas nilang katawan,tanda ko pa na si Jared ay may kulay asul na buhok at ang nakasumrero noon na si Han ay nagpakulay na din ng pulang buhok.

Tila napanganga pa ako ng makitang nakatingin ito sa gawi ko kayat binaling ko agad ang mga mata ko sa ibang gawi.

“Hey Ixie!“Sigaw iyon ni Megan mula sa malayo.Kayat napalingon agad ako ng makita sya.

Lumapit ito sa gawi ko kayat napatayo ako.

“Hey“wika ko ng niyakap ako nito.

“Kanina kapa?“tanong nya.

“Hindi naman bakit?“Tugon ko rito

“Wala na man maupo na tayo”Naupo na kami at ito namang si megan nag order ng alak kahit alam nyang hindi ako umiinom.

”Meg alam mo namang hindi ako umiinom diba?“Pagpapaliwanag na siwalat ko sakanya
ngunit hindi ito nakinig at inabot parin saakin ang isang baso na may laman na alak.

“Alam ko naman yun piro kahit kunti lang?“Pagpipilit nya pa kaya kinuha ko nalamang ang alak at mabilis na nilagok iyon.

Nawala sa paligid ang dalawang kaibigan ni Vince kayat nakahinga ako ng mabuti.

Ramdam ko kung paano nagkaroon ng epekto ang alak na ininom ko sa ‘king katawan.

“Okay kalang?“Napakapit ako sa upuan ng mag salita si Megan.

‘shit!’kaya ayaw na ayaw kong umiinom dahil isang baso palang daig ko pa ang naka sampong bote ng alak sa kalasingan.

”Okay lang ako“tugon ko rito.

“Tungkol pala sa trabahong inaalok ko sabi ng boss ko pwede ka na daw magsimula bukas“Ngiti nyang saad at nilagok ang alak.

Ako naman itong nag tataka nanapatanong.

”Bakit daw?I —mean hindi pa naman ako nakakapagbigay ng credentials ko?“Tumawa lang si megan.

”Ano kaba hindi na daw kailangan“Paliwanag nito kayat nagtataka ako kung sino ba ang magiging boss ko?

KEVINCENT OBSESSION Where stories live. Discover now