CHAPTER 3-GIRL?

0 0 0
                                    

Andito kami ngayon sa isang mamahaling restaurant kung saan nya ako idadate.

Hindi ko kayang hindi mapatingin sa mga tao rito napakayayaman siguro ang nandito bukod saakin nakita ko rin na may isang banda ang tumutogtog ng mga awitin.

“Mahal dito...Saan mo kinuha ang pera para sa date natin?"Gusto ko kasing tanungin sya ng maayos at malaman ang katotoohanan kung saan galing ang perang ipapanggastos nya date.

”Ehh...nag advance pay ako ng 2 month sa trabaho“Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako kasi effortless sya o kung magagalit ako sakanya dahil nag advance sya para lang dito.

“Hindi naman kailangan eh...syaka pwede naman sa tabi tabi dyan sa isawan o kaya sa may plaza...Hindi naman ako maarte“Tanging saad ko dahil ayaw ang isang tao ay nahihirapan dahil lang sa gusto nilang pasayahin ako.

”Yang ganda mo‘ng yan hindi naman sa pangtabi tabi lang ehh...syaka hayaan mo na unang date natin to dapat lang na pag-effortan ko“Wala naakong magagawa dahil alam kung hindi na man sya makikinig.

Kahit kaunti may naramdaman akong saya dahil kahit pala papaano may taong magpaparamdam saakin na ganto ako kaimportante kahit ganto ang ugali ko.

“Maupo na tayo“Pagaalok nya saakin ng marating namin ang dulo rito sa restaurant at doon na naupo.

Hindi ko maalis ang aking pagtataka kung anong klase syang tao.

“Waiter...“Ani nya kayat nakita ko ang paglapit ng isang waiter na babae at may dala dalang isang papel.Siguro doon nya isusulat ang ioorder namin.

“Yes sir?can I take your order?"Talagang pangmayaman nga ito kahit waitress ay parang mayaman din ang dating.

Kinakabahan ako dahil ngayon lang ako nakapunta sa isang mamahaling restaurant at lalaki ang kasama.

Nakita ko kung paano mag order si Vince para bang sanay na sya sa mga ganito kamahal na restaurant.Para bang may kung anong pumasok sa isip ko na baka sya ang tinutukoy ng dalawang katrabaho namin sa hotel noon.

Napaitnag ako ng mag salita ang waitress.
“Anything else sir, Ma'am?“tugon naman ng waitress

“Nothing else“saad ni Vince at tuluyan ng umalis ang waitress

Tumingin ako sa papalayong waitress dahil naiilang ako sa mga taong tumitingin saamin ngayon.

“Okay kalang ba Ixie?“Bumalik ang tingin ko kay Vince ng magsalita ito.

“Ah..wala medyo kinakabahan lang“Mahinang saad ko.

“Saan ka kinakabahan?“Tanong nya pa kayat umayos ako ng upo at diretsong tumungin sakanya.

“Ka—kanina pa kasi nakatingin saatin ang mga tao medyo hindi ako sanay“Saad ko kayat mas lalo akong kinakabahan ng naramdaman ko na pati sya nakatitig ng masinsin saakin.

“Gusto mo bang sabihin ko sakanila na wag kang tignan?“Bigla akong nagulat ng sabihin nya iyon ‘Gagawin nya talaga yon para saakin?‘

"No hindi na okay na ako“Pagpapakalma sakanya ngunit nakita ko syang tumayo at naglakad pa punta sa may unahan kung saan nagpeperform ang banda.

Mas lalo akong kinabahan ng makitang ko syang hiniram ang mic sa vocalist ng banda.

“Hrp...Excuse me everyone...may gusto lang akong ipakiusap sainyong lahat that my girlfriend is not properly comfortable kapag tinitignan nyo sya..kayat pakiusap ko na wag nyo nalamang syang tignan that‘s all thankyou..“Siraulo talaga tong Vince na to!kahit kailan.Ngayon para na akong bato na para bang hindi na makagalaw dahil sa hiya na ginawa nito.

KEVINCENT OBSESSION Where stories live. Discover now