“Saan ba tayo pupunta Vince?”Tanong ko sakanya ng maupo kami sa bus.
“Pupunta muna tayo sa probinsya“Kalmadong saad nya at inaayos ang mga bagahe namin.
“Ayaw mo ba talagang ipakasal kay lez?“Muli syang lumingon saakin.
“Wala akong balak at na pag desisyunan ko na noon pa na hindi ko kayang pakasalan ang taong hindi ko minahal“Hindi ko alam kung masaya ba ako sa sinaad nito.
“at syaka ang babaeng gusto kung pakasalan ay ang babaeng nasa tabi ko“Tumingin ito ng diretso at may pang-aakit.
“Bolero ka!“Kinurot ko ito dahil alam kung nagbibiro lang ito.
“Aray!Ang sakit ah—Totoo na man ehh ikaw ang gusto kung pakasalan”Kinikilig pa ako ngunit bumaling nalang ako sa bintana,hindi na ako nag tanong dahil may tiwala ako rito kung ano man ang sunod na hakbang.
Ang sabi ko pa noong una hindi pagtakas ang tanging paraan para masolusyonan ang problema nya.
Sapat na daw ang isang buwan para lumayo sa pamilya nito upang hindi na pilitin pang ipakasal kay Lez.
Nakarating kami sa isang isla sa probinsya sa Albay.Ang layo ng narating namin.
“Lolo!“Sigaw ni Vince habang tumatakbo papalapit sa isang matandang lalaki na nakaupo sa bangko.Sumunod naman ako kay Vince.
“Apo!”Saad naman ng matanda.
Patuloy ko silang pinagmamasdan hanggang nasa tapat na ito ng matanda si Vince.
Nag mano si Vince at bigla namang nag salita ang matanda“Ano ta nag igdi ka Vince ugwa bang nangyari na naman?Maray sana apo naisipan mong dalawon ako igdi“Hindi ko alam kung anong lengguwahe ang sinasaad nito kayat nag tataka akong nakikinig.
“Aba naman Lo dae ta ka malilingawan kaya nag uli ako igdi“Marunong pala si Vince ng lengguwahe nito.
”ohh si isay man ning babaeng magayon na ini?“Bigla akong bumaling sa matanda.
“Ay lo si I ixie palan agom ko“Tumawa ang matanda maging si Vince kayat tumingin ako kay Vince at tinaasan ng kilay baka kung ano ang sinasabi na nito sa matanda o kaya baka binibinta nya na ako hindi ko pa alam. piro ito ako naiiwanan na kung ano bang pinaguusapan nilang dalawa.
“Nakakaintindi ka ba eja ng Bicol?“Bigla akong napatingin sa matanda at syaka lang sumagot.
“Hindi po ehh“ahh bicol pala ang lenguwahe nila dito ngayon lang kasi ako nakapunta sa ganitong lugar kayat hindi ko alam kung anong lengguwahe iyon.
“Ahh kaya man palan...pag pasensyahan mona tong apo ko kung isinama ka pa dito“Pagpapaumanhin nito.
Medyo na iintindihan ko naman ang iba nitong sinasabi.“Ohh sige na pumasok na kayo sa magiging kwarto nyo syaka nga pala Vince...Apo ipagluto mo tong asawa mo“Napatingin ako kay Vince na tumango lang.
Kaya pala medyo may hint na isip ko ang sinabi nito kanina.
“Sige lo“Pagpapaalam nya at hinatak nya ako.
Pagpasok palang ng kwarto agad ko itong binato ng unan.
“Aray naman Ixie“Sigaw na saad nya.
“ehh ikaw ehh sinabi mo sa lolo mo na mag asawa tayo kahit hindi naman!“Nag aalburoto ako sa galit.
”Ohh ano naman ehh doon naman yun pupunta“Matapang nitong saad.Tinarayan ko lang ito at nagayos na ng mga gamit.
Hindi na ako nakipag talo pa at nag tanong nalang.
“Bakit isa lang ang kama dito?“Nakapamiwang kong saad at nag tataka.
“Ehh dito sa probinsya Ixie isa lang ang kama syaka mag asawa naman tayo diba?Hahaha kaya wala ka naman ibang choice kundi makatabi ako sa higaan piro may isa pang paraan kung gusto mo talagang hindi ako makatabi..“Binitin nya pa ako kayat naupo ako sa kama at nag eexhales at inhale dahil kunti nalang mapapatay ko na ang taong ito.
“Ano?!“Sigaw ko
“Wag ka namang manigaw kasi baka isipin ni lolo na kakarating palang natin binibinyagan na natin ang kama—Aray!“Usal nya ng batuhin ko sya ng isa pang unan.Hindi talaga ito sumeseryuso lagi nalang nakikipagbiroan.
“Ano nga?“Mahinang saad ko.
“Mag banig ka sa sahig“Bigla akong lumingon sa sahig at iniisip ang lamig nito sa likod.
Wala akong nagawa kundi ang hindi kumibo at nagpatuloy sa pagtupi ng mga damit ko.
Lumabas ako sa bahay para pagmasdan ang buong paligid.
Nang una kaming bumaba sa bus bigla nalang akong nabighani sa ganda ng lugar.Napaka simple at masarap ang simoy ng hangin dito.Simple lang ang bahay ni Lolo Tunying ngunit napakaganda at napaka linis ng kapaligiran nito.Napakasaya ko dahil ngayon lang ako nakapunta dito ngunit ang saya sa pakiramdam.
Ngunit tumigil ako ng maalala ko ang iniwan namin sa Manila....
Tuluyan na ba naming matatakasan ang lahat ng problema?Sapat na ba ito para makalimutan at masimula?
................
YOU ARE READING
KEVINCENT OBSESSION
Storie d'amoreSa isang mala biroan lamang hindi nila akalain hahantong sa matibay na pag-iibigan. Nagsimula sa biro ngunit humantong sa pagmamalan.Yan ang storya ni Kevincent Chan Gill Carter at ang kaisa isang babaeng kanyang minahal na si Ixie Freyel.