CHAPTER 23-AWAKE

0 0 0
                                    

KEVINCENT POV;

~~ISANG TAON ANG NAKALIPAS~~

ISANG taon na ang nakakalipas ngunit hindi padin si Ixie nagigising nanatiling tulog ito sa haba ng panahon,Minsan nawawalan na din ako ng pag-asa na magising pa ito ngunit pinang hawakan ko ang pagmamahal ko kay Ixie para hindi ako mawalan ng pag-asa.

Madami na din ang nangyari,Si Lez ay nakalaya na maging ang isa nitong tauhan, dahil wala din daw matibay na ebidensya ang nakuha namin para makulong ito.Humingi din ito ng tawad saakin at ilang beses din na pumunta sa hospital para dalawin si Ixie ngunit parang hindi parin kaya ng puso ko na magpatawad.

~~FLASHBACK~~

"Anong ginagawa mo dito?!"Agad kong saad ng maabutan ko si Lez na umiiyak at humihingi ng tawad sa walang malay na si Ixie.

"G-gusto ko lang humingi ng tawad sakanya."Nahihiyang saad nito at tumayo mula sa tabi ni Ixie.

"U-malis kana! Hindi namin kailangan ang sorry mo!"Siguro kahit lumuhod pa sya hindi ko sya mapapatawad.

"S-orry talaga Vince,please forgive me!"Lumuhod na ito sa harapan ko ngunit nanatili akong walang kibo.

"Kung sana yang hinihingi mo ng tawad ay magising si Ixie,siguro mapapatawad pa kita!piro hindi ehh!"

"N-atuto na ako sa mgapagkakamaling nagawa ko kayat,sana'y mapatawad ninyo ako."

Hindi na ako kumibo dahil wala din namang saysay ang mga sasabihin nito.

"Umalis kana Lez!"Pagtataboy ko rito.Kayat nakita ko itong dahandahang tumayo habang tumutulo pa ang kanyang mga luha sa pisngi ngunit hindi ako natinag dahil mas malala pa ang ginawa ng mga ito kaysa sa luha na pinakita nya.

"V-inc gagawin ko ang lahat para mapatawad nyo ako."Huli nitong sinabi bago tuluyang lumabas sa kwarto.

Agad akong tumabi sa walang malay na si Ixie at dinampot ang kanyang dalawang kamay.

"Love..Pagpasensyahan mo na kung hindi ko parin mapatawad si Lez,Subra lang akong nasasaktan."Saad ko rito kahit wala itong malay.

"Masyadong tumatak kasi ang mga nangyari noon kayat andito parin ang sakit sa puso ko."Turo ko sa aking dibdib.

Para ba akong baliw kung paano ako umiyak at makiusap araw araw sa walang malay na si Ixie.

Biglang tumunog ang pinto sign iyon na may pumasok.Agad akong humarap sa pinto ng makita si mommy.

"Anak dito ba yun galing si Lez?"Tanong nya habang may inis sa mga mata nito.

"Oo ma."tugon ko sakanyang tanong.Nakita ko syang Naiinis.

"Ano na naman daw kailangan?"

"Humihingi ng tawad ma."Saad ko.

"kung ang sorry nya ay ikagigising ni Ixie ehh talagang mapapatawad ko pa sya!"Pa sigaw nyang saad ngunit binaling ko nalamang ang mga paningin ko Kay Ixie.

Alam kung nahihirapan na sya mahigit ilang buwan na din syang nakahiga sa malambot na kama ni hindi man lang makatayo,makakain at makalabas sa kwarto ito.

"Syaka nga pala nak,Sabi ng doctor may possible na daw na magising si Ixie."Agad akong tumingin ng sabihin iyon ni mommy.

"Totoo ma?"Paguulit ko pa dahil hindi ko pa siguradong ang nadinig ko baka ay guni guni ko lang ang mga iyon.

"O-oo sabi pa nga ng doctor nak,na hindi naman daw naepektuhan yung memorya ni Ixie...kayat wag daw tayong mag-alala na baka isipin daw natin na hindi na nya tayo alaala."Sumaya ang pakiramdam ko sa mga pinaliwanag ni mommy.

KEVINCENT OBSESSION Where stories live. Discover now