CHAPTER 2-DATE

0 0 0
                                    


NASA sala ako ng kwarto weekend kaya wala kaming pasok inaaninag ko ang mga kalat sa loob ng apartment ko.

Napakamot ako sa ulo ng maaalala ang pinagsasabi ko sakanya kahapon.Ito ba ang gamit nya?

Alam kung kay Vince ang mga gamit na ito.
siraulo talaga  ang lalaking to ang sabi ko lang ay dalhin nya ang ilan sa mga gamit nya hindi yung buong bahay nya.

"Hoy sabi ko dalhin mo lang yung mga importante gamit mo dito! hindi yung bahay mo!"Galit na anas ko rito ngunit nakangiti naman ang loko.

"Oo nga baby...Kaya nga dinala ko ang mga iyan kasi lahat ito importante saakin"Nagliligpit na saad nya.

"Putang*** naman Vince para mo nang dinala ang bahay mo dito sa dami nyan!"Galit ko pang turan sa mga gamit nito.

'Para na talaga syang lumipat ng bahay sa dami ng gamit nyang dala.

"Calm down baby...Baka makunan ka"tawang saad nya .Putcha talaga ang lalaking to kuhang kuha ang inis ko.

"Oy hindi ako buntis para makunan!at hindi mo bahay to for your information bahay ko toh!"Para nanaman akong pinakukuluan na tubig sa lagay kung to.

"Hey wag kang sumigaw baka sabihin ng kapitbahay  natin ka'y aga aga gumagawa tayo ng milagro—Aray"bago nya pa tinapos ang sasabihin nya sa inis ko binato ko na ito ng unan.

"Aray baby ah ang sakit"Anas nya pa habang dinaramdam ang braso kung saan ko sya natamaan.'Masyadong maarte to!'

"Shit!"Naiiritang padyak ko papuntang kwarto,wala naman na akong magagawa dahil ako naman ang nagpadala sakanya ng mga gamit nya.

'Kala ko kasi dadalhin nya lang eh yung mga importante tulad ng damit nya syaka mga personal things nya pero nagkamali ako para na itong dinala ang buong bahay nya.

Nadidinig ko pa ang tawa nya mula rito sa kwarto.
Naiinis parin ako sa kanya kaya ayaw ko pang lumabas.

Muli kung pinikit ang aking mga mata ngunit bago pa man iyon mangyari ng madinig kona ang katok na nagmumula sa pintuan ko.

"Baby—Saan ko ba ilalagay to?"Tanong nya saakin.

Napakamot pa ako ng ulo sa galit .'Iniinis talaga ako ng lukong toh!'

Labag man saakin ngunit tumayo ako at pagalit na binuksan ang pinto.

"Kita mong natutulog ang tao eh!"Irap kong saad at nakangiti naman ito.

"Natutulog kapala?"Para talaga itong siraulo.

"ay hindi!"sabat ko naman sakanya.'Ano sya bingi gusto nya pa talagang ulit ulitin.

"May regla ka ba?bakit palagi nalang mainit ang ulo mo?"Nagaalangan na saad nito.
Napatingin naman ako at namumula ang tenga sa galit.

"Wala akong regla!okay! ilagay mo yang mga gamit mo kung saan mo guto!"pagkasaad ko nito ay bigla ko nalamang pinagsarahan ito ng pinto.

Tawa sya ng tawa sa labas bago umalis.Hindi na ako mag tataka kung highblood ako kasi naman ang lalaking to ang nagpapa highblood saakin.

Magpapasalamat ba ako na nandito to dahil ginagawa nya ang mga gawaing bahay.

Naabotan ko syang nagwawalis,Siguro tapos na ito sa gamit nya saan nanaman kaya nito nilagay ang gamit nya eh ang alam ko wala ng space ang apartment ko sa dami ng gamit nya.

"Buti lumabas kana...Dumating dito yung may ari ng apartment...dika pa daw nagbabad simula noong nakaraang dalawang buwan"Napakamot ako ng ulo ng maalala ko na hindi pa pala ako nakakapagbayad.

Kulang lang din ang sweldo ko kaya hindi ko ito napapaglaanan.

"anong sinabi mo?"Tanong ko ng makitang tinigil nito ang pagwawalis.

KEVINCENT OBSESSION Where stories live. Discover now