Chapter 32

219 4 1
                                    

Chapter 32
Rival

Zion left and let me live here. Tatawagan naman niya ako gamit ang keypad na phone ni Tita Brenda.

Nag-enjoy naman ako. His both love ones are not letting me feel bored. Sabi pa nga ng pinsan niya ay maglalakad kami bukas sa umaga para naman makakuha ako ng vitamins sa araw.

Kausap ko ngayon si Tita Brenda at Pixie. Sinabi ko sa kanya ang lahat at umusbong ang galit nila sa asawa at pamilya ko.

"Ang heartless naman po ng Mommy niyo!" Pixie gave me a mad reaction. "Hindi niyo po deserve ng ganyang asawa! Mas mabuti pang si Kuya Zion ang piliin mo para naman po maayos ang baby mo..."

"Me and your Kuya Zion are just friends..."

"Naku! Alas singko na! Kailangan ko ng magluto..." Tita Brenda looks panicked. "Mag-usap muna kayong dalawa diyan at ako'y magluluto pa ng ulam..."

"Sige po..." Sabay naming sabi ni Pixie.

"So..." Pangunguna ni Pixie. "Half American ka po?"

"Yes." Tango ko. "Pure American ang Daddy ko."

"Ang yaman niyo po pala! Hindi ko alam..." Mangha ang nakita ko sa kanyang mga mata. "Tapos ang ganda po ng balat niyo... Ang ganda niyo po talaga kahit buntis kayo at hindi na dalaga... Pwede po kayong maging model..."

I felt overwhelmed right now because of her words.

I chuckled a bit. "Well... I don't like modelling that much..."

"Nakapagtapos ka po ng pag-aaral?"

"Yes. My course is Business Management. I worked at my father's company." I answered and let her hold my hand and massage it.

"Pinagpala po talaga kayo." Hirit nito.

"Bolera ka rin, eh no?" Nakangiting nginiwian ko siya.

"Hindi ah! Totoo Ate Celosia! Nagsasabi ako ng totoo..."

I gave her 'I don't believe you' look.

"So, anong grade ka na? I assumed you're still high school students..."

"Ah, grade 11 palang po ako! Yong strand na kinuha ko naman ay HUMSS. Ang hirap pala..." Napahawak ito sa kanyang ulo. "Gusto ko nang mag-quit sa pag-aaral. Sana nag-TVL nalang po talaga ako... Ikaw po, anong strand kinuha niyo noon?"

"I remembered pinili ko ang STEM." I answered then the memories are all over my head right now.

"Luh! Puro math... Hindi po ba mahirap?"

"Mahirap but I did passed." I shrugged my shoulders. "You know, you can do it. Ang layo mo pa. Mas mahirap ang college sa inaasahan mo..."

Kinindatan ko siya na ikinalunok niya sa kanyang sariling laway.

Inutusan siya ni Tita na bumili ng barbeque kasi ayaw niya sa ulam na gulay. Isinama niya ako sa labas at hindi naman ako umangal.

Iyon lang ay pinagdidiskitahan ako ng mga tao. Panay tanong sila kung sino ako at tinawanan lang sila ni Pixie. Siya na mismo ang humihila sa akin palayo sa mga taong lumalapit.

The HIDDEN RAGE OF LIES (Arcajedo Series #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon