KABANATA-1

10 0 0
                                    


It was indeed another bright sunny day. Kagabi lamang ay napakalakas ng ulan kahit wala namang bagyo. Ngayon naman ay napakainit na ng sikat ng araw kahit alas nuwebe pa lamang ng umaga. Was this part menace of the so-called global warming? Climate becoming more and more unpredictable and extreme.
  
Handa na si Sarri sa pag-alis. Alas nuwebe y’ medya ang bukas ng kanyang dental clinic. 
  
Nang patungo na siya sa kanyang kotse na nasa garahe ay napansin niya ang mangilan-ngilang movers na nagpapasok ng mga gamit sa kabilang bahay. May ookupa na pala sa kabilang bahay na kalahating taon na ring halos ay walang laman.

Nag-migrate na kasi sa U.S. ang mag-iinang nakatira roon.
  
“Esme, may nakabili na pala sa kabilang bahay ano?,” tanong niya sa kanyang all-around katiwala na si Emeralda Masasalpoc.

Esme ang tawag niya rito kahit malayo ang agwat ng tanda nito sa kanya dahil ayaw nitong patawag na Aling Esme o Manang Esme. She hated any address reminding her of her old age and that she's further getting older. Feeling na puwede itong maging forever young even just in name and spirit.
  
And mind you, sa edad na forty-seven ay very much single and absolutely ready to mingle pa itong si Esme. Pero tila wala namang gustong pumatol kayat marahil ay forever na ito sa kanyang single status.
  
At madalas itong kiligin kapag tinatawag ng first name basis ng isang lalaki. Lalo na ng isang young adult guy in a legal relationship age. Keber niya sa agwat ng eded. Basta mas type niya ang mga lalaking in their twenties. At tila ba nananaginip nang gising na kapag nginitian ng isa ay iisipin na nitong ito na ang kanyang pinakahihintay na destiny. Na kung saan ay puwede na nitong maging anak ang lalaking center of attraction nito dahil sa kanilang age gap. May pagkakerengkeng ding masasabi. Wala kasi itong sini-sinong lalaki kung kiligin. Kahit minsan ay lalaking hindi kaguwapuhan ay todo itong kiligin na animo’y nasa level ng matinee idol ang face value.
  
“Ah, yes Ma’m. Ang sabi nila ay malayong kamag-anak nina Mrs. Alerco ang nakabili ng bahay.”
  
Tumango-tango ito. “Ganoon ba? Kamag-anak pala ang nakabili.” 

“Yes Ma’m,” tila ay bumuwelo ito. “Saka Ma’…m!,” matinis at may kilig ang tono nito, “Guwapo, macho at higit sa lahat ay binata raw ang lilipat sa kabila. And ang tsismax, presently looking for Miss Right daw itong si Papey. Samantalang kayo naman Ma’m, in search for Mr. Right. This is it Ma’m, ang power ni Ginoong Tadhana at Mr. Cupido ay nagsanib puwersa para raw hindi na kayo mapagod pa sa paghahanap kay Prince Charming niyo,” animo’y teenager ito na kinikilig. Her manner of speech and act was so unlikely of her age. Pero sanay na naman siya rito.
  
Si Sarri ay hindi ikinatutuwa ang hilaw na pagma-match make nito sa kanya at sa no-face yet na bagong kapitbahay.

“A-Ah, sorry Ma’m,” pagkambiyo nito at tila nakaramdam. “Nakalimutan ko nga pala. Naka-padlock na nga pala ang pintuan ng puso niyo. Tapos ‘yung bintana naman pina-concrete niyo na rin para kahit aroma ng lalaki ay hindi makapasok.”
  
Nakangiti siya sa katiwala. Iyong pilit na ngiting tila nagbabadya ng delubyo.

“A-Ah, sige Ma’m. Aalis na nga pala kayo. Bye na. Baka mahuli pa kasi kayo sa clinic,” saka ay nakangiti nitong isinarado ang pinto ng kotse.

“Mali siguro ako Ma’m. Baka ang joined forces nina Mr. Tadhana at Mr. Cupido ay para sa akin. Ako siguro ang Miss Right na hinahanap ni Mr. New Kapitbahay. Ano sa tingin niyo Ma’m?,” muli ay biro nito sa amo.

“Sa tingin ko ay mawawalan ka ng trabaho kapag ang inasikaso mo ay ang bagong kapitbahay at hindi ang bahay ko,” pambabara nito rito.

“A-Ah yes Ma’m, aasikasuhin ko na ang bahay.”

Saka ay nagba-bye pa si Esme pagkalabas niya ng gate.

Nginitian naman niya ito. “Huwag mong kalilimutang pakainin sina Bridgitte and company,” pahabol na bilin pa nito bago tuluyang pinaharurot ang kotse.

Kahit madalas ay binibiro siya ng katiwala at pinagdidiskitahan parati ang kanyang single status ay never pa naman siyang napikon nang todo rito. Anyway ay pinapasaya naman siyang madalas ng kakikayan nito.

  
Pagdating sa clinic ay dinatnan na niya roon ang kanyang secretary cum clinic keeper na ring si Steph—Stephanie Macasino—ang babaeng puno ng buhay at puno rin ng kung anu-anong beauty products na inilalagay sa mukha which seemed at all not taking effect. Anak siya ng kasambahay nila sa kanilang ancestral house na si Manang Pilina na halos ay dalawampung taon na ring naninilbihan sa kaniyang mga magulang.
Highschool grad lang si Steph at ipinakiusap ng ina nito na bigyan ito ng trabaho kahit tagalinis lang ng bahay niya sa Greenyard Subdivision. Noon ay dalawang buwan pa lamang siyang nakakalipat doon ngunit kasama na niya si Esme bilang all-around maid. Kayat kinuha na lamang niya ito bilang tagalinis ng clinic saka sekretarya na rin. Marunong naman itong sumulat at madaling umintindi ng instructions kayat madali nitong nakagamay ang trabaho.

Dumating ang kanyang unang pasyente around ten in the morning. Isa iyong bata na mga anim o pitong taong gulang ang eded. At kasama marahil ang mommy nito. Itsurang bata pa ang nakatatandang babae—maganda, sophisticated looking at animo’y modelo ito sa paglakad sa suot nitong hapit sa katawan na navy blue crisscross plunging neck top. At nagmumura ang cleavage ni ate. Kung wala itong akay na bata ay aakalain mong dalaga pa ito. O baka naman nakababatang kapatid lang nito ang bitbit, o kaya’y pamangkin. She would know anyway. Talagang malakas ang dating ng babae. Pero hindi naman mukhang suplada dahil nakangiti. Maganda rin ang batang akay nito.
Unang kita pa lamang niya sa bata, she knew it was a typical case—batang takot sa isang dentistang tulad niya.

Lalo pa yata itong natakot nang magtama ang tingin nila nito. Higit pang lalo nang pasadahan ng mga mata nito ang kanyang all-white dentist uniform. Like she was some kind of an evil stepmother.

A Naked Body (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon