Alas singko ang closing ng kanyang clinic. Alas singko y’ medya ay naroon na siya sa bahay. Agad siyang pinagbuksan ng gate ng katiwalang si Esme.“Oh Esme, nagawa mo na ba’ng lahat ng bilin ko sa ‘yo,” agad nitong tanong pagkababa ng kotse.
“Ay opo Ma’m. Nalinis ko na ang buong bahay. Napalitan ko na ang mga kurtina kanina. Nadiligan ko na ang mga halaman. At nakapagluto na rin ako ng hapunan. Saka….,” isip pa nito ng mga fulfilled chores.
“Nakapagtsismisan?”
“M-Ma’m?”
“Sabi ko kung nagawa mo na ring makipag-tsismisan doon sa katulong ng kapitbahay natin tungkol sa mga buhay ng mga tao rito sa subdivision.”
“A-Ah, eh, Ma’m,” tila ito napahiya sa bisyo at gustong matawa.
Pero bumuwelo lang pala. “Alam niyo ba Ma’m ang latest tsismis. ‘Yung babae raw diyan lang sa kabilang kanto. ‘Yung Helena ang pangalan. ‘Yung ikakasal sana. Kaya pala hindi natuloy ang kasal ‘yung lalaki may ibang jowa. At ang jowa, man din, kapwa Adan. At ang tsismax pa, very much crayola to death daw itong si Helena kasi preggy,” iminuwestra pa nito ang paglaki ng tiyan.
Very enthusiastic ang katiwala sa pagkukuwento.
But she didn’t care a whit. Poker face lang siya. “Baka naman ako Esme ay sinasali niyo riyan sa kalokohan niyong ‘yan. I’m telling you, kapag nalaman kong pinagtsitsismisan niyo ‘ko, pipilipitin ko ang leeg mo.”“Aray!, Ma’m sakit naman no’n.”
Pero ang totoo ay noong fresh from heartbreak ang amo at krayola to death din dahil niloko at pinagpalit ng jowa sa iba, ay naikuwento niya ito sa isang closest tsismax pal niya. She sealed it under confidential label. Trusted pal naman niya ang pinagsabihan kayat hindi nag-leak.
“Siya nga pala, sina Bridgitte and company napakain mo na ba?”
“Ah, pakakainin pa lang sana Ma’m nang dumating kayo. Kaninang tanghali napakain ko na.”
“Sige, I'll do it.”
Si Bridgitte ay ang kanyang alagang Persian cat. She had her as presence from Alex—her most recent heartbreak. Samantalang ang iba pa niyang mga alagang hayop ay regalo rin galing sa kanyang mga exes na puro mga manloloko at two-timers. Meron siyang pares ng parblue opaline lovebirds, pares ng kuneho, a Russian tortoise, at partner na gold fish.
Masyado na rin kasi siyang na-attach at napamahal sa mga ito kayat kahit sinaktan pa siyang labis ng mga exes na nagbigay sa kanya ng mga ito, ay hindi niya kayang i-dispose na lamang basta ang mga ito sa kanyang buhay. As a matter of fact, they had served as her significant companions amidst miseries brought about by her disfunctional exes. Mga nagsilbing karamay nang nalulunod pa siya sa lungkot ng pagtataksil ng mga ito. Sa mga ito lamang niya natagpuan ang true sense of commitment and fidelity. Samantalang puro hapdi at sama ng loob sa mga lalaki.
Kayat ngayon ay pagod na siyang mangarap na may destiny at forever pa para sa kanya. Tanggap na niyang wala ng matinong lalaki pa ang nabubuhay sa mundo. Give up na siya na maniwalang someone was out there meant for her. She had embraced the thought of being an old maid. Mag-iipon na lamang siya ng perang gagamitin para sa kanyang pagtandang mag-isa.
Mula sa mahimbing na pagtulog ay naalimpungatan si Sarri. May naaninag siyang liwanag na nagmumula sa may bintana. Nagtaka siya. Saka niya naalalang may umookupa na nga pala sa kabilang bahay. Halos ay anim na buwan din kasing puro dilim ang kabilang bahay kayat naninibago pa siya. Dati kasi’y kapag patay na ang ilaw sa kanyang kuwarto ay puro kadiliman na lamang ang makikita.
Naengganyo siyang bumangon at sumilip. Sa kabilang kuwarto nga sa kabilang bahay nagmumula ang liwanag. Napansin niya ang nakabukas na bintana. Walang kurtinang nakasabit. Marahil ay hindi pa nakakapag-ayos ng bahay ang bagong lipat.
Nang bigla at hindi niya inaasahan ang pagsulpot ng isang bulto mula sa kung saan sa loob ng kuwarto. Napasinghap siya nang maaninag na half-naked at nakatuwalya lang pang-ibaba ang biglang dumating. Malaki ang bulto ng katawan nito at trimmed with muscles all over. Malamang ay galing ito sa paliligo.
Little that she knew the night had stored more shocking surprise for her. Bago pa siya muling makabalik sa paghiga at pagtulog, bigla na lamang at nagtanggal ng balot na tuwalya ang lalaki. He tossed it wherever and fell.
She was shocked. Hindi halos makagalaw. Wide-eyed marveling. Heartbeat racing. Kitang-kita niya at lantad na lantad sa kanyang mga mata ang porma, hugis at sukat ng kabuuan ng katawan nito. And his manhood, animo’y may flag ceremony na nangyayari.Titanic size was distributed all over. She swallowed hard. The man with the most perfect body proportion she ever laid eyes on. Everything about him was big.
Hindi siya handa sa eksenang kanyang nasasaksihan. Hindi siya makapaniwala. But she must admit this was definitely an eye-catching scenery. An image to marvel much about. A masterfully crafted man’s physique. A symmetry of everything huge.
Matapos ay tila napagtanto niyang mali ang kanyang ginagawa. Na namboboso na siya. She shook her head to get back to sanity.
When she gained back mobility, agad siyang nahiga. Pumikit at pilit inalis sa isip ang tungkol sa nakita. Pinilit na muling makatulog.
Ngunit sa kanyang pagpikit ay rumehistro lamang muli sa kanyang isip ang hubad na katawan nito—so vividly.Seemed her mind couldn’t take control of the curiousity. The itch was mounting and beyond. Kayat muli’y napabangon siya. Muli ay sumulyap sa kabilang kuwarto. Muli ay nakita niya ang lalaki. But this time, finally ay may suot na itong pang-ibaba.
Napabuntung-hininga siya. Was it a sigh of relief o panghihinayang?
Hindi niya intensiyong manilip. Ang lalaki ang kusang nagbuyangyang ng sarili sa kalagitnaan ng gabi. Siguro ay inakala nitong walang tao sa katapat nitong silid. Gayunpama’y marapat pa rin na isinarado muna nito ang mga bintana bago naghubad at nagbuyangyang ng katawan. Blame must not go her way.
Nang may biglang sumagi sa kanyang isip. The man was a total stranger. Paano kung sinadya nito ang pangyayari? Paano kung gawain talaga nito ang magbuyangyang ng katawan? A pervert. An exhibitionist. Into corrupt practices. Makamundo. Mahalay.
Tuloy ay tila siya kinabahan. Nag-alala. Madalas pa naman siyang bisitahin ng kanyang mga pamangkin. At nakikitulog ang mga ito mismo sa kanyang kuwarto.
No! Hindi nila dapat maranasan ang kanyang nakita. They’re too young to get exposed to some real deal human flesh anatomy. As in, hubad na katawan ng isang fully developed man. Pihadong hindi nila iyon maiintindihan.
Paano na lang kung hook sa kahalayan ang bagong kapitbahay? A sex maniac? A pedophile? Into sexual assault?
Kung anu-ano na lang ang pumapasok sa isip niya sa pag-aalala. Well, better be safe than sorry. Mula ngayon ay kailangan niyang maging on the guard parati. Lalo na sa tuwing bibisita ang kanyang mga pamangkin.
At kailangang may gawin siya para hindi na maulit ang pangyayaring ito. Sinadya man ito o hindi. Makarating lang sa kaalaman ng lalaki sa kabila that someone was watching over his actions. Kayat mabuting palagi itong magpakatino at magpakabait.
No!, confronting him was definitely not one of the options. Nakakahiya. Hindi niya aaminin in his face na nakita niya ang kahubaran nito. At paano na lang kung totoong baluktot ang morals nito? Baka akitin pa siya nito at gawan ng kahalayan. She better keep her distance from this suspicious character. Hanggang sa makasigurado siya sa totoong pagkatao nito.Siguro’y mabuti pang idulog na lamang niya sa Homeowners office ang kanyang concerns. Bahala na ang mga ito na kumastigo rito.
BINABASA MO ANG
A Naked Body (COMPLETE)
RandomSarri had been living a happy and peaceful life. But not anymore nang dumating ang kanyang bagong lipat na kapitbahay. Sukat ba namang unang gabi pa lamang nito sa paglipat nang ibinuyangyang nito ang buo nitong kahubaran before her very eyes. Yes...