Alas siyete ng umaga nang magtungo si Sarri sa kanyang kotse sa may garden. Nakalimutan niya palang ipasok kagabi ang binili niyang catfood, mixed bird seeds, at iba pang necessities ng kanyang mga pets.Nasa backseat kasi ang mga iyon. Hindi na niya inistorbo pa si Esme dahil nasa kusina ito at nagpe-prepare ng kanyang breakfast.
Matapos makuha ang pakay, pabalik na sana siya sa loob ng bahay nang mapansin niya ang paglapit sa gate ng isang lalaki. He was wearing his infectious smile. In a body-fit shirt at maong pang-ibaba. Nagmumura ang chest at braso nito na tila gustong kumawala sa tela ng damit na suot. Kapansin-pansin din ang drop-dead gorgeous looks nito. Lakas talaga ng dating ng isang ‘to.
Imposible naman sigurong magnanakaw ito or kidnapper. So highly improbable. He would fit more being a cover of a fitness magazine. O kaya nama’y sa kategoryang ‘most saught after bachelors.’ At pangungunahan pihado nito ang listahan.
“Hi,” bati nito nang tuluyang makalapit sa kanya sa may gate. Mas pinalapad pa nito ang nakakabighaning ngiti gamit ang mapuputi at pantay-pantay na mga ngipin.
“Y-Yes,” she was hesitant. Still he was a stranger no matter what. Though she realized he was even more gorgeous up-close.
“Isasauli ko lang sana itong martilyong hiniram ko kahapon. I barrowed it from Esme. Kasambahay mo yata siya.”
“A-Ah, yah,” mesmerized pa rin siya sa dating nito.
“Pasensiya ka na sa istorbo. I broke my hammer yesterday kayat napahiram ako nang ‘di oras. Nag-aayos kasi ako ng bahay. By the way I’m Ezekhiel. Call me Zeke. Ako ang bagong lipat diyan sa kabilang bahay,” as he offered his hand for a handshake.
Dadaluhan na sana niya ang kamay nito…nang matigil siya. ‘Bagong lipat diyan sa kabilang bahay’, it echoed back to her. ‘Kabilang bahay.’
Oh my! Suddenly it sinked into her. Stunned and went stiff as rock. Naalala niya ang nangyari isang gabi. She rolled her eyes over him. Muli’y rumehistro sa kanya ang imahe nito. Ang imahe ng matipunong katawan nitong hubu’t hubad. Then her eyes met his mid part. Napatigil at napatitig. Napalunok nang ‘di oras. His vivid image that night came flashing back. His proud pistol saluting like a gallant soldier. Tila may bumara sa kanyang lalamunan.
OMG! Hindi siya makapaniwala. Ang guwapong lalaking kaharap niya ay ang parehong lalaking nakitaan niya ng buong kaluluwa isang gabi. The man with the monstrous…
Saka niya napansing nakalahad pa rin ang palad nito. Doon muling bumalik ang kanyang ulirat sa kasalukuyan.“A-Ah, S-Sarri, Sarri Elustre.” Saka niya sinalo ang kamay nito.
“Sarri. Nice name,” kumento pa nito.
“T-Thanks,” saka siya ngumiti.
“Ah, here,” matapos ay inabot na nito ang martilyo. “Pasensiya na ulit.”
“It’s o-okay,” sabay ay abot niya sa martilyo na isinuksok sa may siwang ng fence.
Na siya namang paglabas ni Esme mula sa front door. Nang makita nito ang nasa labas ng gate ay tila na-excite.“Sir Zeke!,” tawag nito habang binilisan ang lakad palapit. “Good morning Sir Zeke. Nice to see you again. How are you?,” flirty ang ngiti sa mukha nito.
“Good. I’m good, Esme.”
“Good? I see. You look, really, really good Sir Zeke,” saka nito ito pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa na puno ng paghanga.
“Siya nga pala Esme, sinauli ko na pala ‘yung hiniram kong martilyo sa ‘yo. Salamat.”
“Welcome Sir, come again,” tila nakapinta na ang maaliwalas na ngiti sa mukha nito.
“Heto ang martilyo Esme, ipasok mo na lang sa loob,” ani Sarri habang iniaabot ito rito.
“Ma’m, kayo na lang, kausap ko pa si Sir Zeke eh.”
Nanlaki ang kanyang mga mata sa sagot nito. Saka ay nagtaas siya ng kilay, “A-Ano ‘yon Esme?”
“A-Ah Ma’m, joke only. Sige, ipapasok ko na ang martilyo,” ngingiti-ngiti itong inabot ang martiyo saka humakbang patungo sa loob.“Ah siya nga pala Ma’m,” pihit nito pabalik, “lumabas pala ako para sabihing handa na ang almusal.”
“Sige, susunod na ‘ko,” anito.
“Sige Ma’m. Bye Sir Zeke,” flirty pa nitong paalam bago tuluyang pumasok.
Nang makapasok na si Esme sa loob ay bumaling na ulit siya kay Zeke. “Sige, nice meeting you. I have to go.”
“Sige, bye.”
Nang tila ay may bigla itong naalala, “A-Ah, siya nga pala,” si Zeke.
Napahinto siya sa paglakad saka pumihit paharap dito. “Y-yes.”
“About that incident one night.”
“W-What incident?,” clueless siya.
“’Yung dinulog mo sa homeowners.”
Oh my G! Gulat na gulat siya.
“I ask for an apology. But truly, hindi ko sinasadya. Nasanay lang kasi ako to be careless about it dahil puro dingding at walang bintana ang kuwarto ko dati. I should have been mindful I know. Hindi na mauulit.”
She felt so embarrassed. Pinilit na lamang niyang ngumiti. Saka tumango accepting his apology.
“And another. Regarding your worries, surely hindi ako ganoon. Purely accidental lang talaga ang nangyari.”
Gusto niyang maglaho sa hiya. O kainin ng lupa. The feeling was so awkward. Ngayon ay alam na nitong nakitaan niya ito ng buong kaluluwa.
Ano kaya ang iniisip nito tungkol sa nangyari? Na nagustuhan niya iyon? Na nag-enjoy siya? For sure, he knew that he’s a damn charmer. That countless girls were dying to see his gym fit, six pack body. Iniisip ba nitong isa siyang pinagpala sa lahat dahil nakita niya iyon without sweat.
My! Iniisip ba nitong nagpakasasa siya sa pagtingin sa hubad nitong katawan? Na laglag panga siya sa kakisigan nito? That she found him extremely attractive? Iyon ba ang iniisip nito?
Heck—guilty as charged. Pero over her dead body. Never siyang aamin dito.
My!, gusto na niya talagang maglaho. Kung makatingin kasi ito. Para kasi itong nag-aakusa. Na nang-aakit. Palakas nang palakas ang kabog sa kanyang dibdib. Nasa isip lamang ba niya ang lahat ng ito?
“S-sige. I really have to go,” disturbing na para sa kanya ang presensiya nito. Saka dali na siyang naglakad palayo.
BINABASA MO ANG
A Naked Body (COMPLETE)
RandomSarri had been living a happy and peaceful life. But not anymore nang dumating ang kanyang bagong lipat na kapitbahay. Sukat ba namang unang gabi pa lamang nito sa paglipat nang ibinuyangyang nito ang buo nitong kahubaran before her very eyes. Yes...