KABANATA-9

1 0 0
                                    


Aisha was upstairs. In her room packing up her things with her dad. Dumating na ang kanyang mommy from a business trip abroad. That’s her parents set up—a shared custody.

Nang makita ni Zeke ang papel na may sulat ng contact number ni Sarri ay pinunit niya iyon in front of her daughter.
 
“Daddy, what did you do?! Hindi ko pa nase-save ang number ni Tita Sarri sa phone ko.”
  
“Don’t give your Tita Sarri’s number to your Tito Nathan,” utos nito.
  
“But why? I want Tita Sarri to become my legal tita. And Tito Nathan is the only way. Make them know each other.”
 
“Gusto mo talagang maging pamilya si Tita Sarri mo."?

“Siyempre,” walang gatol na tango ng bata.
  
“Sure?”
 
“Sure na sure na sure daddy.”

“I got a better idea.”
  
“Ano ‘yon?”
 
“How do you like it rather Tita Sarri becomes your mom? I mean second mom.”
  
Aisha was clueless, confused. “Ah..?”
  
“Have you forgotten? You’re daddy is as well available at naghahanap ng kanyang special someone.”
  
And her angelic face lightened up. Smiled wide with eyes sparkling like diamond.

“Oo nga ano daddy? And really daddy, you like Tita Sarri?”
  
Tumango ito.
  
“Liligawan mo siya?”
  
Tumango ito with the biggest smile.
  
“Sige daddy, gusto ko ‘yan,” sabay yakap nito sa daddy.
  
Nang magkahiwalay na ang mag-ama mula sa pagkakayakap. “But don’t tell her yet kapag nagkita kayo. Hayaan mo ‘kong dumiskarte.”
  
“Yes daddy, I can’t wait to call her mommy. And mama will remain my mama. I call Tito Jake my papa. And you are my ever dearest daddy. Yehey!, ang saya-saya daddy. Ang dami kong mommy at daddy,” wala itong pagsidlan ng tuwa.

Medyo nalulungkot siya sa pag-alis ni Aisha. Already this too soon, miss na miss na niya ito nang sobra. She missed her tone, her noise, her bubbly spirit. Ang super tamis nitong ngiti. At ang aura ng pagiging munti nitong anghel. At pihadong lalo pa niya itong mami-miss sa paglipas ng panahon.
  
Missed din niya ang daddy nito. Kung bakit kasi parang hindi niya yata nakikita si Zeke lately.
  
Minsan kapag nami-miss niya ang mga ito ay napapatingin siya sa kabilang bahay. Taking chances to somehow have a glimpse of Zeke. Sana pati na rin si Aisha ngunit imposible dahil wala na ito roon sa kasalukuyan.
  
At kung sakaling makita siya ni Zeke ay umaasa siyang babatiin siya nito. Start a conversation with him. Missed na niya ang boses nito. Puwede itong pumasyal sa bahay niya o imbitahan siya nito at siya ang bibisita sa bahay nito. Pagkatapos ay magmimiryenda ng sabay habang nagkukuwentuhan.

Oh my, lalo niya lamang nami-miss ang father-and-daughter tandem na ito kapag naiisip niya ang mga ito. Kapag mag-isa siya o nabo-bore. They had been truly a joyful presence in her life.
  
Ngunit palagi na lamang ay tila wala si Zeke sa bahay nito. Ni anino nito ay hindi nagpapakita. She’s puzzled.
  
O baka naman nagbubuhay binata ito. Matapos ng ilang linggong nakatali ito sa pag-aaruga sa anak ay baka naman bumabawi ito sa kalayaang natatamo. Wala na ngayon sa poder nito ang anak at ang responsibilid na kaakibat niyon.
  
Well, hindi mo rin ito masisisi? He’s a free man and the most handsome. Madali itong makakatagpo ng babaeng very much willing to have good time with him. Spend days and nights together.

And the thought of him having fun time with another woman was like dagger cutting deep into her heart. Tila pinipiga ang kanyang puso sa isiping may kalandian ito. Lalo na ang naglalaro sa kanyang isip na maaaring nakikipaghalikan na ito ngayon dito….and more.
  
Teka, teka, ba’t nga ba niya pinapahirapan ang sarili? Bakit kailangan niyang mag-isip ng kung anu-ano? Tapos ay mag-alala. Malay ba kung busy lang ito sa work. May deadline sa trabaho at kailangang parating mag-overtime.

O busy sa mga bagay na hindi nito nagawa while Aisha was in his custody. O baka naman may binisitang kamag-anak o kaya’y umuwi muna sa mga magulang at doon ngayon namamalagi. She switched to positive thinking.
  
Mabuti na lang at lalabas silang magkakaibigan ngayong gabi. Kahit papaano ay malilibang siya. A distruction from thinking about Aisha—and of course Zeke. She’s excited. Another girls’ night out. 

A Naked Body (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon