KABANATA-6

2 1 0
                                    


   Linggo. She had no clinic. Her rest day from week-long work. Pero nakasanayan na niyang mag-jogging tuwing umaga sa araw na ito. Ito na ang pinaka-work out niya. Ang jogging routine niya ay mula sa bahay na magtatapos sa oval ng recreational park ng subdivision.

She would spend almost an hour para ma-cover ang buong length na iyon.
  
Pagkatapos niyang mag-jogging ay nagpahinga muna siya sandali sa isa sa mga bench na naroon sa gilid ng oval. Nagpunas ng pawis gamit ang dala niyang towel. Napakamaginhawa sa pakiramdam ang pagdampi ng may kalakasan, kalamigan at sariwang hangin sa kanyang buong katawan.
  
Pagkatapos magpahinga mula sa pag-jo-jogging ay nakagawian na niyang magmiryenda muna bago umuwi. Sa may bandang likod ng oval ay greenery na puno ng mga halamang akasya. Doon nakapuwesto ang helera ng food courts na kanyang kinakainan.
  
Dahil linggo, walang opisina at walang eskuwela kayat tuwina ay maraming tao roon na galing din sa pag-jo-jogging. O kaya’y namamasyal and enjoying their time out. Pami-pamilya at barka-barkada. Marami at puro masasarap din ang mapamimiliang pagkain doon.
  
Matapos ay naglakad na siya patungo roon.

Nagulat siya nang makita ang dalawang pamilyar na mukha roon—ang mag-amang sina Zeke at Aisha. Okupado ng mga ito ang isang four-seated table na naroon.

Karamihan sa mg tao sa food court ay magpapamilya. Like this father-and-daughter tandem na malamang ay galing din sa pag-jo-jogging. Ni wala man yatang naroon ang solo flight gaya niya. Somehow, the thought made her feel empty inside.
  
Nang mapansin siya ng mga ito ay agad siyang kinawayan ng bata. “Tita Sarri,” tawag nito sa kanya.

Kinawayan din naman niya ang mga ito.
  
While Zeke, by hand gesture was inviting her to join them. ‘Join us,’ he mouthed.
  
Nilapitan naman niya ang mesang kinaroroonan ng mga ito.
  
“Tita Sarri, join ka na lang sa amin. Hindi ba kakain ka rin?,” anyaya ni Aisha.
  
“Oo sana, baka makaistorbo ako sa bonding ninyong mag-ama.”
  
“Of course not. Join us. Mas marami mas masaya,” si Zeke.
  
“Oo nga Tita Sarri. Minsan boring din kausap si daddy. Wala siyang masyadong alam sa mga girly stuff? Puro basketball lang at sports car.”
  
“W-What?!,” nabigla na natatawa ito sa hindi inaasahang sinabi ng anak.
  
“Pssst,” sabay lagay ng hintuturo nito sa gitna ng mga labi. Gestured for his dad to come near at may ibinulong ito. “Just to convince Tita Sarri to join us.” As if Sarri didn’t eavesdrop of it. Napangiti ito.
  
Natawa si Zeke sa anak at napatango na lamang. Sabay ay napatingin ito kay Sarri. 
  
“I mean daddy, since pareho kaming babae ni Tita Sarri, we can relate better at some issues, right?,” kinindatan pa nito ang ama matapos magsalita. “Hindi ba Tita Sarri?”
  
Zeke looked at Sarri’s direction, pleading.
  
“Okay, sige na, sasamahan ko na kayo sa pagkain.” It was anyway a pleasure to do so.
  
“Yes!,” triumphant na deklara ng bata.
  
Sabay ay nagtawanan silang tatlo.
  
Ewan niya pero masaya siya sa company ng mag-ama. Never had a dull moment. Marahil ay dahil iyon sa kabibuhan ni Aisha. But deep within her, alam niyang may malaki ring ambag si Zeke sa kasiyahang iyon. Minsan pakiramdam niya ay nagkakaroon siya ng foretaste ng pagkakaroon ng sariling pamilya sa katauhan ng mga ito. Ang complete, fulfilled at rewarding na pakiramdam kasama niyon. They were the embodiment of an ideal husband and child. And the joyous feeling that goes along having them around.
  
Ganito ba talaga kasaya at kagaan ang pakiramdam na magkaroon ng sariling pamilya? If it's so, she couldn’t wait to have her own. Masayahin at bibong anak na gaya ni Aisha at siyempre mapagmahal at magiliw na asawa gaya ni Zeke.
  
Then reality check set in. Paanong mangyayari iyon gayong napakamalas niya sa lalaki?
  
“Siya nga pala, what do you want to eat?,” tanong ni Zeke rito pagdaka.
  
“Ikaw?”
  
“Like what we already have on the table. Para pare-pareho na lang tayo.” They had grilled squid, sticks of pork barbeque, steamed siomai and fish fillet. Saka slice of very red watermelon and fresh buko juice.
  
“Okay,” tango niya.
  
“Here, have one of my sticks for the meantime. Baka gutom ka na,” tinutukoy nito ay ang pork barbeque na para sana sa kanya. Iniabot nito iyon kay Sarri. “Order na lang ako ng dagdag pa. Wait here,” saka na ito umalis.
  
“Let’s eat na tita,” habang hawak na ni Aisha ang pagkain nito at akmang isusubo.
  
Pinaunlakan niya ang bata at akma na itong sasaluhan sa pagkain. Ngunit nang iangat niya ang stick of pork barbeque ay napansin niyang may kagat na iyon. Zeke perhaps already took a bite from it. Natigilan siya. Stared and wondered. Naglagkit ang kanyang dila. Why, the though in her mind na kapag sinubo niya iyon ay parang nalasahan na rin niya ang labi ni Zeke. Parang nahalikan na niya ito.
  
Zeke was a man cut above the rest. Makisig, matipuno, matangkad at siyempre guwapo. His lips—lustrous red, full and exuding deadly masculinity. Lalaking-lalaki at Adonis na Adonis ang porma. Just a touch from him and he would take a woman’s breath away. Isa ba siya sa mga babaeng iyon?
  
Pakiramdam niya ay namumula ang kanyang pisngi. The thought of him made her so. The thought of eating from his bitten piece which seemed like kissing his lips ay talaga namang nakapagpapakilig sa kanya.
  
Pumikit siya. Ready to take a bite. Like very much ready to have a taste of his lips. Hindi niya mawari kung paanong nagiging ganito ka-creative at ka-active ang kanyang isip pagdating kay Zeke.
  
“Hey, what are you doing?,” nakabalik na pala si Zeke sa mesa at hindi niya iyon namalayan.
  
Bigla siyang napamulat. Hiyang-hiya siya sa sarili sa naglalaro sa kanyang isip. Sana ay hindi nito napansin ang pamumula ng kanyang pisngi. Kung alam lang nito ang kanyang naiisip. Her lips about to taste his, sa pamamagitan ng kinagat nitong pork meat.
  
She swallowed hard. Saka niya namalayang may laman na pala ang kanyang bibig. Nang tingnan niya ang kanyang hawak na pork barbecue stick ay nakagat na pala niya iyon. Hindi man niya namalayan. She tried to chew it. Oh my! it tasted so good. His lips tasted heavenly. Oh, she meant rather the food melting in her mouth.
  
“Nakapikit ka pa pala kapag kumakain. Mas masarap ba ‘pag nakapikit?,” ani Zeke.
  
Oh my, nahuli siya nito. “A-Ah, t-the food taste excellent,” nasabi na lang niya.
  
“Let me try,” pumikit din ito at kumagat. She was watching him keenly. And he was as handsome as ever mimicking what she had done. Saka ay dumilat ito, “Masarap nga.”
  
“Let me try it too, daddy,” tapos ay si Aisha naman ang gumaya sa kanya.

A Naked Body (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon