SATURDAY—May get-together silang magba-batchmate. Twice a month ay lumalabas silang barkada in college. Usually during Saturdays.
Pare-parehong nagtapos ng dentistry. Lima dapat sila but pihadong hindi na naman makakasama si Ley dahil may baby na ito. Samantalang silang apat—namely Andrea, Lian, Janine saka nga si Sarri—ay pare-parehong mga dalaga pa’t walang responsibilidad. Kayat libre pa kumabaga na maglakwartsa.
The last time ay nag-out-of-town sila and had headed to the beach. This time, they decided to go bar hopping.Meeting place nila ang fully furnished apartment na tinutuluyan ni Lian. Maaga pa naman kayat chikahan muna sila. Then when the night set in, nagtungo na sila sa kanilang venue.
Nasa Boiling Point na sila about past ten. Isa sa pinakasikat na bar in town. Pagkapasok ay tila ba crowded ang lugar. Mga millenials na malamang about to march for graduation. End of school year na kasi.They decided to transfer place. They hit Azure. Isang bagong bukas na bar about a month now, but already creating buzz among bar enthusiasts. Anyway ay malapit lang naman iyon sa Boiling Point.
Nang makapasok ay namangha sila. Napaka-cozy at elegant ng ambiance. The vibe inside was like even more vibrant, refreshing and spirited than Boiling Point. Marahil ay dahil newly-constructed at bago ang lightning system—track lightning mixed with pendant lights.Saka maganda lang talaga ang concept ng pagkakabuo niyon. Even the people inside were extra-sociable and friendly.
They took a bar table for themselves. Um-order ng maiinom—good tequila on the rocks with lime. They were not heavy drinkers. Pampakondisyon lang before strutting their wares on the dancefloor. To lose tension from week-long work.
Nang ilang sandali pa ay mapansin ni Andrea ang isang grupo ng mga lalaki na nasa kabilang mesa na hindi kalayuan sa kanila. Four guys, each one scorchingly hot.
“Girls,” pagkuha ni Andrea sa atensiyon ng mga kaibigan. Ngumuso ito sa kabilang mesa na kinaroroonan ng mga lalaki.One of the guys seemed flirting with her. Kanina pa kasi ito tumitingin sa mesa nila—to her direction to be precise. Malagkit ang tingin nito.
The guy next to him was seemed the standout among the group. Si Andrea at Lian ang nakaharap sa mga ito. Samantalang sina Sarri at Janine ay nakatalikod sa pagkakaupo mula sa kinaroroonang four-seated table. Bumaling silang apat na babae sa mga ito.
Ngumiti ang lalaking nakikipagtitigan kay Andrea nang mapansin ang kanilang pagbaling. Saka ay kumaway pa ito.
“I get the one in the printed button-up shirt. The cutest. Walang agawan,” agad na deklara ni Lian. Referring to the most striking in the group.
Oh my! Kilala niya ang lalaking naka-printed shirt. Samantalang ang mga kasama nito ay naka-solid color at isa ay in vest over dress shirt.The man was definitely the most handsome of the four. Bet no one to dispute that. Overflowing with damn manly sex appeal. At mas gumuguwapo pa ito sa malapitan. Siyempre naman at alam na alam niya iyon. Dahil may prior encounter na sila nito before this night. No less than her newly-found kapitbahay—si Zeke. Bahagya itong siniko ng katabi nitong lalaki upang tumingin sa direksiyon nila.
Bahagya naman itong nasorpresa nang bumaling sa kanila at mamukhaan siya. Then he smiled wide, raised his wine glass to their direction saka kumindat. Bigla ay lumakas ang kabog ng kanyang dibdib. His eyes were on hers. Para ba sa kanya ang gesture nitong iyon? Siya lang naman ang kakilala nito sa kanila. Then she remembered her last meeting with him. And the embarrassment she felt.
“Did you see that girls?! He’s flirting with me. Kinindatan pa niya ako” kilig na sabi ni Lian.
Oo nga pala’t hindi alam ng mga ito na magkakilala sila nito. Na para sa kanya marahil ang wine glass throw nito at kindat. But he’s surely not flirting with her. Sino ba naman siya? Sa guwapo nito. The nerve of her para mag-assume siya.
BINABASA MO ANG
A Naked Body (COMPLETE)
RandomSarri had been living a happy and peaceful life. But not anymore nang dumating ang kanyang bagong lipat na kapitbahay. Sukat ba namang unang gabi pa lamang nito sa paglipat nang ibinuyangyang nito ang buo nitong kahubaran before her very eyes. Yes...