Chapter 23

190 7 0
                                    

IVI

It's almost one week simula ng umuwi kami sa Pilipinas at halos isang linggo ko na din kasama Sina Calyx at ang anak ko na si Eros. It's really strange to call Eros as my son lalo na wala pa talaga akong naalala tungkol sa bata at sa ama nito.

But the letter na binigay sa 'kin ni Calyx na gawa ko para sa kanilang dalawa proved na they're part of my past and the only thing I do is to remember them. Naawa naman na talaga ako kang Eros dahil his trying na maging close kami at kilalanin ako pero paano ako makakapagpapakilala sa kanya kung pati ako ay hindi ko alam kung paano. It's frustrating at nakakagalit dahil habang kasama ko si Eros, habang nakikita ko ang inosente ng mga mata nito mas lalo akong nalulungkot dahil wala man lang akong maibigay sa kanya na kahit ano para maramdaman niyang Ina niya ako.

Napalingun ako sa pinto ng bumukas at sumilip si Eros na suot ang kanyang uniporme sa school.

"Mommy pasok po muna ako" paalam nito, tipid akong ngumiti at lumapit sa kanya.

"Take care okay" inayos ko ang kanyang kwelyo pati buhok, nahagilap naman ng aking mata ang presensya ni Calyx na nag-aantay sa gilid.

"Okay po mommy, balik din po ako kaagad"

Mabilis na humalik ito sa aking pisngi at patakbong pinuntahan ang kanyang daddy, hinagud ko naman ito ng tingin dahil sa suot nitong gray na polo at trouser, nakabukas ang dalawang batones sa taas.

"Work? or school?" tanong ko sa kanya.

"Work" he response, naglakad na ito pababa pero huminto at muling humarap "Okay lang ba talaga na maiwan ka rito?" tanong nito

"Uhm I guess, wala namang mangyayari sa akin siguro" walang kasiguraduhan ko na sagot.

Nakipagtitigan pa ito "Dress up, isasama kita sa office" utos nito

Mabilis akong umiling "Wag na, dito na lang ako" tanggi ko.

"Are you sure?" nakikita ko sa mga mata nito ang pag-aalala "Yeah Im sure"

He nod with hesitation at tuluyang bumaba. Sumunod naman ako sa kanila palabas ng bahay at hinatid ang sasakyan nilang papaalis.

I took a deep breath and bumalik sa loob ng bahay, Hindi pa rin ako makapaniwala na ako mismo ang nag draw at nag plano ng bahay. Siguro ang saya ko ngayon kung nakakaalala ako dahil finally I have my own home na matatawag ko na akin, and I think I'll be much more happier dahil kasama ko Sina Calyx and Eros.

I can't stop myself to asked about Calyx kung ano talaga ang kabubuuan ng kwento namin, sa letter kasi na nabasa ko it was short but full of happy and painful memories pero may gusto pa akong malaman to make it complete. Mas lalo kasi akong na curious ng may mga scenario akong naalala o napapanaginipan about him but it's blurry pero yung pakiramdam na sakit ramdam ko.

Nasaktan ko ba siya noon? o ako yung nasaktan talaga?

Pero kung ako yung nasaktan bakit ko naman ipagkakatiwala si Eros sa kanya, base nga sa sulat buong binigay ko ang pagtitiwala ko sa kanya dahil sigurado ako na maalagaan at mamahalin niya ang anak namin.

Napapikit akong napa-upo kasabay ng pagsabunot sa aking buhok, I just want to remember everything, Masaya man o may sakit gusto ko maalala. I received a message from Isiah just to remind my medicine kahit hindi naman kailangan dahil hinahanda na ni Calyx ang gamot ko kahit hindi pa ako tapos kumain.

A taste of 20's (COMPLETED)Where stories live. Discover now