Chapter 29-CLOSED

473 9 0
                                    

Dahan-dahan ang ginawa kung pagyapos sa buhok ni Eros na mahimbing natutulog sa gitna namin ni Calyx.

"Thank you for taking care of him habang wala ako sa tabi niya" pasasalamat ko kang Calyx.

He reach my cheeks and gently rub my jaw "Pleasure is mine Ivi, ipinagkatiwala mo sa akin ang anak natin kaya it's my responsibility na alagaan siya at ibigay sa kanya ang kinakailangan"

Ngumiti ako bilang tugon "I should be the one na magpasalamat dahil sa hirap ng pinagdaanan mo noon pinili mo na buhayin ang anak natin" bumaba ang tingin nito sa anak.

"Malaki ang nararamdaman ko na pagsisi dahil hindi kita nasamahan ng mga panahon kung saan hirap na hirap ka at nilalabanan mo ang sakit mo mailabas mo lang si Eros" napalitan ng mapait na ngiti ang aking labi.

"Hindi naman natin controlado ang lahat noon Calyx, may rason talaga kung bakit nangyari ang lahat ng iyon. Look at us now, matatag na tayo alam na natin kung anong dapat nating gawin at higit sa lahat kahit tatlong taon na wala ako sa tabi ninyu na hindi ko kayo kasama yung pagmamahal na meron ako sayo noon mas lumaki dagdag pa na andito na si Eros dahilan para maging pamilya tayo"

"Alam ko naging duwag ako dati Calyx, takot ako sa pwedeng mangyari takot ako sa opinion ng ibang tao tungkol sa atin noon. Pero sure na ako ngayon na kahit anong sabihin nila, kahit anong gawin nila ilalaban kita Calyx wala na akong paki-alam ikaw na ang gusto kung lalaki na gusto kung makasama" I paused and sinalubong ang titig nito.

He smiled at pinatong ang kamay nito sa kamay ko na nakapatong sa hita ni Eros "Noon palang Ivi, ikaw na ang nakikita kung babae na makakasama ko habang buhay. Ang magiging ina ng magiging anak ko, ang magiging kasama ko sa bawat hirap, ang magiging kasangga ko sa bawat problema at ang babaeng mamahalin ko araw-araw"

Our eyes lock at walang gustong bumitaw "Are you proposing? or naghahanda ka ng Vow mo sa kasal?" nakangiting tanong sa kanya.

He shook his head "Silly girl, I'm not proposing gusto ko lang sabihin ang katagang yun because you deserved all the sweetest words in the world"

"Pero if I proposed? what would be your answer?" tanong sa akin ni Calyx.

Matamis na ngiti ang sumilay sa aking labi "Malalaman mo ang sagot kapag lumuhod kana sa harapan ko Calyx"

Ngumisi ito at pilit inabot ang aking labi upang mapatakan ng halik kaso gumalaw si Eros at mas lalong dumikit sa akin para yumakap. Dismiyado itong umiling at hinalikan ang noo ng anak sabay angat ng tingin sa akin.

"Ma una na ako sa kwarto, I expect you to be there by ten" mariin nitong sabi.

Sa paraan palang nang titig ni Calyx alam ko na ang mangyayari sa kwarto naming dalawa dahilan para makaramdam ako ng excitement sa katawan.

"Sunod ako" tugon ko.

Hinatid ko siya ng tingin hanggang kwarto, natawa ako ng kaunti dahil sa biglang pag kidhat nito bago isara ang pinto. Binalik ko naman ang attention sa anak, akalain mo nga naman sa siyam na buwan na dinala ko siya, sa pagiging makulit niya sa tiyan ko ngayon ang laki na ng anak ko.

Pinigilan ko ang namumuong emotion sa aking dibdib, I just can't imagine na makakasama ko pa silang dalawa ni Calyx na binigyan pa ako ng pagkakataon ng diyos na makasama sila. Pinatakan ko ng halik sa noo ang anak

"I love you anak"

Dahan-dahan na inalis ko ang pagkakayakap ni Eros sa balakang ko at inayos ang ulo nito sa unan pati ang kumot. I turn off the light shade and dahan-dahan umalis sa kanyang kwarto.

Bukas naman ang pinto ng kwarto ni Calyx ng pumasok ako, ang akala ko madadatnan ko siya sa kama pero damit lang ang andon. Napabaling naman ako sa pinto ng kanyang banyo dahil mula sa loob dinig ko ang lagaslas ng tubig.

A taste of 20's (COMPLETED)Where stories live. Discover now