O

30 5 0
                                    


KREYA

I didn't know why I fell for this guy. Aaminin ko, gwapo at matalino siya pero hindi ko alam kung bakit ang bilis mahulog ng puso ko sa isang katulad niya.

Pero, half of my heart hates him-not really hate more like despise him. Pero nananalo parin yung side na gusto ko siya. At alam kong wala akong chance sa kaniya, I mean first day of school palang pero kumakalat na agad yung pangalan niya sa confession wall ng school namin. Well, hindi naman nakakataka 'yun dahil as i said he's handsome as hell and smart kaya marami rin ang nababaliw sa kaniya, and of course, I'm one them.

Sabi pa nga nila, mark his name, Geo Andres Lomenro.

Hindi ko maalis yung mata ko sa kaniya kanina habang nagtuturo ang Filipino teacher namin sa harapan. Kahit na nakatalikod siya, parang alam mong pogi pag humarap. At mukhang masipag pa siya mag-aral, kasi siya lang ang nag no-notes habang nagsasalita ang teacher namin.

Edi siya na masipag. what if i-chat ko 'to para sabihin kung pwede pa-send ng notes? hahaha!

"May chance ba ako sa kanya?" Buntong hininga ko habang nanguya ng pagkain.

Nandito kami sa canteen ng mga kaibigan ko, si Alicia at Soleen. Nakain sila habang nakatingin sa akin na mukhang problemadong problemado ako.

"Maybe? Classmate mo naman sya. Malay mo may chance ka." Soleen said.

"Malay mo rin wala. he's nonchalant, halatang wala siyang pake sa lahat ng bahay. siyempre, kasama ka na." Alicia said and laughed.

Kagaya ng sinabi ko hindi ko alam kung ano bang nagustuhan ko sa kanya. Hindi naman ako nagkaroon ng crush simula grade 7 hanggang grade 9 pero ng dumating siya parang the curse has been broken.

Tumunog na ang bell sa canteen, meaning kailangan na naming bumalik sa room namin. Dahil hindi pa sapat ang pagkain na kinakain ko kanina ay nauna na si Alicia at Soleen sa room nila at bibili pa ako ng pagkain.

"Ate, isa nga pong pillows." Sabi ko at sabay turo dun sa tray na puno ng pillows.

"10 pesos, Neng." Kumuha agad ako sa wallet ko, pero kung minamalas nga naman ako kulang pa ng dalawang piso.

"Pwede po bang ibalik na lang yung 2 pesos? Kulang po kasi yung pera ko." Umiling ang nagtitinda sa canteen at binawi ang pillows ko.

Napabuntong hininga nalang ako habang kumukulo ang tiyan ko.

"Here." Napatingin ako sa gilid ko ng biglang may nag abot ng dalawang piso sa kamay ko.

Shucks! Panaginip ba 'to?! Nasa harapan ko yung lalaki—este si Geo na pinag uusapan lang namin kanina.

Ngumiti ako sa kanya, at binigay na ang kumpletong bayad sa nagtitinda at kinuha na ang pillows.

Paglingon ko ay palabas na ng canteen si Geo. Tumakbo ako papunta sa kaniya para magpasalamat at para sumabay narin papunta sa room.

"Thank you. Babayaran na lang kita mamaya sa room pagkatapos ng class." Sabi ko habang sinusubukang sabayan ang mga hakbang nito.

"No need. Maybe someday ako naman ang mangailangan ng dalawang piso, then do what I did to you earlier." A little smile appeared in his face pero ang sarcastic ng dating nito. what the heck! ang gwapo niya. nakakalaglag ng panty.

"Sige. Thank you ulit." Pag ulit ko.

"Ma la-late na tayo," there was a pause as he stopped walking and looked at me.

"Bilisan mo, Kreya." Lumakas ang tibok ng puso ko nung sinabi niya 'yon, how did he know my name? Hindi naman kita sa ID 'yon dahil maliit lang yung pangalan.

It's like time stopped. Nakatingin lang siya sa akin, habang ako nakahawak na sa dibdib kong parang namimilipit dahil sa kilig.

Is this what liking someone feels? Parang hindi ka makahinga? Parang titigil ang mundo mo? Tsaka parang gusto mo ng sumabog sa kilig?

This is my first time feeling this kind of feeling. Dahil ngayon lang ako nagkaroon ng pagtingin sa isang tao. I'm starting to fall for him deeper, mukhang lala pa ito sa susunod.

"Why are you turning red?" Time snapped, nagulat ako ng bigla niyang tapikin ang balikat ko.

"Ah...mainit kasi kaya namumula mukha ko." I said at tumango naman siya.

I guess this is what love af first sight is.

Holding Summer TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon