VII

6 0 0
                                    

KREYA

Isang linggo ang lumipas simula noong gabi na muntikan ng mapahamak ang buhay ko. Maayos namang lumipas ang isang linggo, hindi na ako napahamak at lagi na akong sinasamahan ni Geo papunta sa school at pauwi. Si Nash naman ay parang lumalayo na sa akin simula noong gabi na ‘yon, sinubukan ko siyang kausapin pero umiiwas talaga siya sa akin. Gusto ko sanang sabihin na ayos lang naman ako, at sana ay huwag naman niya akong daan-daanan lang na para bang hangin lang ako.

Valentines Day ngayon, ang pinaka ayokong araw. Hindi dahil sa walang nagbibigay sa akin ng bulaklak at ng mga tsokolate, kundi marami na namang babae ang makikiusap sa akin na ipabigay yung tsokolate at bulaklak sa classmate ko na nagugustuhan nung nagbigay, kagaya ng dati. Para ba akong si cupid, pero tuwing valentines day lang nag ta-trabaho.

Napuyat ako kagabi, dahil ka chat si Geo. Hindi dahil nag lalandian kami or something, I wish ganun nga pero dahil pinag uusapan namin kung anong gagawing surprise para sa Adviser namin. Napagusapan namin na bibili nalang ng cake, tas pinagdala nalang namin lahat ng classmate namin ng bulaklak na nabibili lang sa labas ng room.

Nauna na si Geo pumasok, dahil kailangan niya pa bumili ng cake para mamaya kaya wala akong kasaba6 pumunta ng school. Mabilis na akong lumakad, dahil mag pa-plano pa kami kung anong gagawing design sa room at kung ano ano pang anting anting ang ilalagay.

“Valentines day nga, pero wala namang nagbibigay sa akin ng chocolate or bulaklak.” Buntong hininga ko habang naglalakad papunta sa room.

Sobrang init na tuwing tanghali, pawis na pawis ako habang paakyat ng second floor ng building namin tapos pagdating ko pa sa floor namin ay siksikan pa.

Hindi naman namin mga ka section ‘to ha? Bakit ang daming babae dito sa labas ng room namin?!

“Ano bang nangyayari dito?” Pasigaw kong tanong.

Ang init na nga, dumagdag pa yung galit ko! Ay nako.

Nagsitinginan lang ang lahat sa akin ng nasa labas ng room, at binalik ang tingin nila sa loob. Mga bwiset eh.

“Alis nga.” Tulak ko sa isa, nako ano ba ‘tong mga babae na ‘to? Hindi naman dito room ng mga ‘to bakit ba nagkukumpulan sila. At tsaka asan na si Geo? Bat wala parin siya.

“Ano bang kaguluhan ang nangyayari dito?” Paghinto ko sa pintuan ng room.

Itinuro ng isang babae ang likod ko, napalingon ako rito at nakita si Geo, nakaupo at para bang nagkakaroon ng sariling fan signing event dito sa loob ng room.

“Geo?!” Sigaw ko, at nakatingin ito sa akin na para bang hinoldap siya ng mga babaeng nasa harapan niya.

“Anong nangyari dito? Bat puro taga ibang section ang nasa labas ng room natin?” Hinila ko si Geo sa kabilang pintuan ng room kung saan walang tao.

“Nagpuntahan sila, ang dami nila. I didn’t know what to do. Sumigaw na ako kanina pero nag sitilian lang sila? I don’t know why though.” He shrugged.

Grabe? Anong gayuma ba ang mayroon ‘tong lalaki na ‘to baka pati mga lalaki mabihag narin ang puso nila sa kaniya.

Napa-patong nalang ako ng kamay ko sa ulo ko at huminga ng malalim. Alam ko na ang dapat gawin, tahulan sila na parang aso para matakot.

“Geo, kaya mo ba tumahol?” Napakunot ito ng noo, at parang nalito bigla.

“Ano? Tahol? As in bark?” Takang tanong nito.

“Oo, takutin mo sila. Kunyare bigla kang nagalit.” Pinipigilan kong huwag tumawa.

“Do I really need to bark? Can we just do it in a normal way? Pwede bang sigawan na lang ulit natin sila?”

Napaisip ako, hindi ko alam ang dapat gawin. Ayaw naman niyang tumahol para takutin yung mga babae, ayoko rin namang gawin ‘yon kasi magmumukha lang akong naka singhot.

“Tumakbo na si gwapong Geo, don!” Turo ko sa kabilang daan ng floor namin, at nagsitakbuhan naman ang mga babae don. Ano ba sila? Na salamangka ni Geo?

Alam ko namang gwapo si Geo, pero on the next level na ‘to. Kahit crush ko ‘tong lalaki na ‘to, I won’t go crazy about him, siguro super crazy lang.

“Okay na, grabe naman tong mga fans mo.” Tingin ko sa kanya, at umiwas ito sa akin ng tingin.

Namumula ang pisngi niya, at nakatakip siya sa bibig niya. Problema nito? Naiiyak ba siya sa ginawa ko? Ano kaba! Small thing, kahit isang kiss lang yung isukli mo okay na sakin, joke lang.

“Andyan na si Ma’am. Bilis upo na.” Nagmadali ang lahat na magsiupo ng dumating na ang math teacher namin.

Pagkaupo ko ay napatingin ako sa left side ko, wala parin si Nash? Absent ba siya ngayon? Bakit kaya?

“Kain tayo?” Napatigil ako sa pagaayos ng aking gamit ng nagsalumbaba si Geo habang nakapatong ang kaniyang kamay sa aking armchair.

Napatigil rin ako sa paghinga na para bang titigil na ang pagtibok ng aking puso. Itong si Geo, alam niyang gwapo siya kaya ginagamit niya para akitin ako.

“Sige. Libre mo ha.” Pa simple kong inusog ang upuan ko palayo kay Geo dahil lalong mamumula ang mukha ko.

Tumayo na ako at tumayo na rin siya. Bumaba na kami ng building namin, ang dikit sa akin ni Geo, ano ba! Kung gusto mo ako umamin ka nalang! Wag kang assumera self.

“Ay ano ba yan.” Napapikit ako ng biglang humangin  g sobrang lakas, at nahulog ang aking dalang panyo.

Kinuha ko ito habang inaayos ang buhok kong gulo-gulo, at tumayo. Napatingin ako kay Geo na nakatayo lang at nakatingin sa akin ng diretso, dahan dahan niyang tinaas ang kaliwa niyang kamay at para bang hahawakan niya ang aking pisngi, pero bigla niyang hinawi ang buhok ko.

Mamamatay na ata ako sa kilig, lord help me po! I’m not your strongest armor baka bigla nalang akong mahimatay dito. Ang daming taong nakatingin sa amin, para bang nasa kdrama ako ngayon, yung ako ang main character at si Geo ang leading man ko.

“Your face should not be covered by your hair, because how can they see your beauty if your face is covered. Right?” Lumipat siya ng puwesto sa kabilang side ko, at inayos rin ang hawi ng buhok ko don. Ano ba?! Yan ka na naman eh, pa fall ka eh.

“That’s much better, you're much prettier if your hair is this way.” He smiled, he looked at me with his brown eyes and smiled even wider.

Bwiset na yan, alam na alam kung paano ako kukunin eh. Isang salita, isang ngiti, wala na sayo na lang talaga ako babagsak.










Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 14 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Holding Summer TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon