VI

9 1 0
                                    

GEO

Inip na inip na ako sa loob ng faculty room, gusto ko ng lumabas at umuwi pero sinabi ni Ma'am na maghintay lang daw ako sa kanya saglit at may kukunin lang daw siya.

Pero kanina pa 'yon, mga limang minuto na ang lumipas at hindi parin siya nakakabalik kung saang table man siya pumunta. Nagaalala na ako kay Kreya dahil baka nilalamok na siya don, gabi na rin kasi.

"Bat ba ang tagal ni Ma'am?" Bulong ko sa sarili ko at huminga nalang ng malalim.

Mga dalawang minuto muli ang lumipas, at finally, narito na si Ma'am. Pinagusapan lang namin yung mga na meeting daw kanina ng mga officers, tapos may binigay din siyang form sa akin na ibibigay daw bukas sa buong klase para masagutan, at ang attendance na ibigay ko daw sa secretary namin.

Saglit lang ang oras ng pag explain sa akin ni Ma'am at pinauwi niya na ako. Bago pa man ako makalabas ng faculty room ay nag vibrate ang aking phone na nasa aking bulsa.

Kreya S sent you a message.

Kreya? Why would she message me kung nasa labas lang naman siya? Hindi ko na i-n-open ang chat niya dahil paglabas ko naman ay makikita ko agad sya, at makikita niya rin ako.

Pero wala naman siya roon noong pagbukas ko ng pintuan. Saan siya pumunta? Tinignan ko pa ang kaliwa't kanan ko dahil baka naroon siya pero wala talaga siya.

Umalis na ba siya?

Napaisip ako, kaya niya ba ako tinext para sabihin na umalis na siya? Kinuha ko ang phone ko sa aking bulsa upang makita ang kaniyang chat.

Jeo, sorry pero di ako makakasabay sa paguwi. Alam kong nag promise ako pero may emergency kasi kaya nauna na ako, sorry talaga (ToT)

So, she left already. Pero, what happened? Anong emergency? Tumakbo na ako palabas ng gate hoping na maabutan ko pa siya dahil 4 minutes ago palang naman ang chat niya, pero wala na siya sa gate.

Napabuntong hininga nalang ako, at inayos ang aking polo. Nagumpisa na akong maglakad, habang hawak ang aking phone iniisip kong rereply-an ko ba si Kreya. Hindi na kasi siya online ngayon, 2 minutes ago pa siyang active baka hindi niya ka agad-agad ma kita ang chat ko.

Tinago ko na ang phone ko sa bulsa ko, at nagpatuloy lang sa paglalakad. Kaunti nalang ang estudyante sa labas, hindi ko alam kung bakit ba tuwing uwian na ay parang yung section nalang namin ang nasa school, bakit ang aga magpalabas ng ibang teachers?

Sa patuloy kong paglalakad hindi ko maiwasang isipin si Kreya. I'm worried about her, I wonder if she got home safe, did she feel safe while walking? I'm just worried.

Upon walking, napansin ko yung maliwan na ilaw mula sa Convenience Store na malapit lang sa school. I remembered Kreya, again. Dito ko siya naabutan kagabi, nagmamadaling maglakad dahil sinusundan siya ng isang lalaki. I know she felt so scared last night, at alam kong she will remember that night for forever.

Iniwas ko na ang tingin sa nakakasilaw na ilaw ng convenience store, nagpatuloy lang sa paglalakad hanggang may narinig akong tunog na parang may bumagsak na gamit. Napatingin ako sa labas ng convenience store kung saan may isang babae na nakaupo na nakayuko, at isang lalaki na nakapatong ang mga kamay niya sa balikat ng babae na nakaupo.

Mag kilala ba sila? But it looks weird dahil hindi nagalaw ang babae? I was tempted to go there and see what was happening, but I don't want to seem so nosy.

But before I even walked in front of them, narinig kong sinabi ng lalaki. "Miss. Nagkita ulit tayo, paepal kasi yung lalaki kagabi niligtas ka."

And I knew something was wrong.

Holding Summer TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon