Kreya's POVNakatulog ako kagabi habang hawak ang cellphone ko, nakatitig pa rin sa sinend na friend request ni Geo kagabi. Nakalimutan ko rin siyang i-accept dahil nakatulugan ko na pala.
Unang narinig ko pagkagising ko ng alas onse ay ang bunganga ni Mama.
"Ya! Gumising kana at baka ma late kapa!" Ito ang bumungad sa akin pagbaba ko ng aking kwarto.
"Ma, gising na po ako. Maliligo po muna ako bago kumain." Paalala ko.
"Sige, hindi pa naman tapos itong niluluto ko. Bilisan mo na't baka ma late ka." Sabay halo ng niluluto si Mama.
Dumiretso na ako sa banyo para maligo, binilisan ko na ang pagligo dahil alam kong matatagalan na naman akong mag ayos. Pagkatapos ko maligo ay blinower ko muna ang buhok ko at nagsuot na ng uniform at sapatos. Bumaba na ulit ako para kumain.
Nakahain na ang putahe sa lamesa noong bumaba ako. Nakaupo na si Mama at mukhang handa na siya kumain kaya umupo narin ako kaagad. Nag pray muna kami bago tuluyang kumain.
"Kamusta naman ang first day of school mo kahapon?" Tanong ni Mama bago sumubo ng pagkain.
"Masaya po, may nakilala akong bagong kaibigan." Soon to be ka-i-bigan.
"Babae?" Napatingin ako kay Mama nung sinabi niya 'yon.
Uhm, about that. Hindi po siya babae. Kundi lalaki.
"Hindi po, pero! mabait naman po at magalang yung lalaki na 'yon." Nakatingin lang sakin si Mama na parang iniisip niya kung anong gagawin niya sa akin.
"Sigurado kaba diyan? Mamaya loko pala 'yan." Ma naman, di naman ganun yung future son-in-law niyo.
"Ma! Hindi naman po siya ganun." Saad ko.
"Hay nako Kreya, basta tandaan mo anak. Kapag nakikipag kaibigan ka sa kahit kanino maging sure ka at huwag makikipag kaibigan lang kung kani-kanino." Paalala niya sa akin.
'Tsaka, yang sinasabi mong lalaki. Siguraduhin mong hindi ko mababalitaang boyfriend mo na 'yan ha! Nako sinasabi ko lang sa'yo." Sabi ni Mama habang nanguya.
"Opo, sisiguraduhin ko po." Pag matanda na po kami tsaka ko siya magiging boyfriend.
One thing about Mama, ayaw niyang magkaroon ako ng boyfriend kahit ano pang taon ako. Ayaw niya daw kasi akong matulad sa kaniya, kasi imibis na matapos daw siya sa pag aaral ay nabuntis siya agad sa akin. Sinabihan pa nga raw siya ni 'Papa' na ipalaglag nalang daw ako kasi 21 palang naman daw si Mama no'n pero umayaw si Mama dahil sabi niya kahit hindi niya daw ginustong mabuntis, biyaya parin yung buhay na binigay ni Lord sa kaniya.
Kaya nangako ako kay Mama, hindi ako mag kaka boyfriend unless makapagtapos na ako ng college, may sariling bahay na kami, may maayos na akong trabaho, at kaya ko ng bumuhay ng isang tao. Tutuparin ko yung pangako ko na 'yon.
"Oh, bilisan mo na kumain at baka ma late kapa." Sumubo pa ako ng mga anim na subo at hindi ko na tinapos ang aking pagkain dahil anong oras na.
Nag mano na ako kay Mama at umalis na ng bahay, habang naglalakad papunta sa kanto nag f-flashback sa isipan ko yung nangyari kagabi. Yung pag smile sa akin ni Geo, yung pag kaway niya sa akin. Namumula ako sa kakaisip no'n.
Habang busy akong nagmumuni-muni habang naglalakad ay biglang narinig ko ang pangalan ko. Hindi sana ako lilingon kasi mamaya ibang tao yung tinatawag o kaya na misheard ko lang. Pero tinawag ulit yung pangalan ko, pag angat ko ng aking ulo akala ko sila Soleen at Alicia ang sasalubong sakin, pero isang anghel pala.
Si Geo ang nakatayo dun, naglalakad papunta sa kinatatayuan ko, nakangiti na naman at kumakaway. Mapapa what a great way to start my day ka nalang.
Teka, hinihintay niya ba ako dito? O assuming na naman ako.
"Such a coincidence. Babalikan ko kasi sana 'yung payong ko sa bahay tapos nakita kitang naglalakad." Saad nito.
Napatango nalang ako sa sinabi niya. Pero feel ko talaga hinihintay ako nitolng lalaki na 'to, malakas ang kutob ko.
"Oh, akala ko babalikan mo pa yung payong mo?"
Tanong ko."Hindi na pala. Hindi naman siguro iinit." Napatingin ako sa langit at makulimlim nga. Edi kung makulimlim baka uulan naman
"Papunta ka na ba ng school? Sabay na tayo?" Tumango ako at ngumiti naman si Geo. "Tara." Saad ko.
Naglakad na kami papuntang school. Malayo kami sa isa't isa, hindi rin kami nagtitinginan. Bakit ba ganito? Ako na ba dapat ang nag first move?
Habang naglalakad, naalala ko na naman yung nga nangyari kagabi. Parang tumitibok ng malakas yung puso ko pag naaalala ko yung nangyari. Hindi mawala sa isip ko yung tanong na, paano kung wala si Geo dun para iligtas ako? Ayun na ba yung katapusan ko?
Kaya sobrang nagpapasalamat ako dahil nandun si Geo nung time na 'yon, nagpapasalamat ako dahil niligtas niya ako. Kasi alam ko sa sarili ko na wala akong magagawa kapag lumapit na sa akin yung lalaki na 'yon, maninigas nalang ako at hindi makapagsasalita.
"Hey, how've you been? Ayos kana ba?" Napatingin ako kay Geo.
Is he talking about last night? Okay naman ako pero hindi ko lang talaga maalis sa isipan ko yung nangayari.
"Oo, ano kaba. At tsaka, thank you ulit ha, sa pagliligtas mo sa akin kagabi. Siguro kung wala ka 'don baka kung ano na ang nangyari sa akin." Sabi ko at ngumiti na naman siya.
Ano ba yang ngiti mo?
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Pero this time magkalapit na kami ng kaunti. Malapit na kami sa school kaya may mga estudyante na rin kaming nakakasabay. At buti nalang hindi pa siksikan dahil labasan narin ng mga pang umaga. Nakatingin siya sa kaliwa at ako naman sa kanan.
Hindi ko alam kung bakit tumawid pa kami ni Geo sa kabilang side ng daanan eh yung isang way ay diretso na ng gate ng school. Ah! Is it because ayaw niyang maalala ko yung kagabi? Or assumera na naman ako?
"Kreya." Banggit ni Geo.
Tumingin ako sa kaniya, nakapasok ang kaniyang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon niya. Nakatingin siya sa kaliwa niya, at parang umiiwas siya ng tingin sa akin.
"Hm?" Lumingon siya sa akin.
"If ever na wala kang kasama mamaya," he took a sigh at napakurap nalang ako.
"Sabay nalang tayo umuwi."
❁
BINABASA MO ANG
Holding Summer Tight
RomanceWhat if you fall for a guy so suddenly, and you don't even knoe if you have a chance with him. But, you got closer with each other in a nick of time. If the chance is right infron of you, would you take it and tell him what you feel for him? And how...