II

10 5 0
                                    


[WARNING: The following scenarios may be upsetting to some readers. Thank you.]

KREYA

The first day of school ended great, pwera dun sa nangyari kanina sa amin ni Geo nung Science time. Nag linis lang kami ng room kasi sabi ng adviser namin na maglinis daw ang lahat. Nagkaroon na din ng election for the class officers. Ako pa nga yung napiling maging Vice President kahit bina-backstab naman ako ng mga plastik na classmate ko, tapos si Geo naman ang napiling President dahil mukhang matalino daw sabi ng mga 'boys at the back'.

"Okay na 'yan mga Anak, mag si-uwi na kayo." Pinatigil na kami ni Ma'am Salamanca ang adviser namin sa paglilinis kaya naman ibinalik ko na ang walis at dustpan sa cabinet.

"Geo, pakisuyo naman at ikaw na ang mag lock ng room natin ha. Mauuna na ako sa faculty." Tumango naman si Geo at kinuha ang susi kay Ma'am.

"Sa iyo muna ang susi, ibalik mo na lang sa akin bukas." Ngumiti naman si Geo, at umalis na si Ma'am ng room.

Nagsi-ligpit na sila ng mga gamit nila, ganon na rin ako. Si Alicia at Soleen naman ay nauna ng umuwi, may training pa kasi sila para sa competition nila next week. Kaya ako na naman uuwi mag isa, tapos gabi pa kaya nakakatakot maglakad mag isa baka kung anong mangyari sa akin.

"Everyone, pwede na kayong lumabas para ma i-lock ko na rin yung room." Paalala sa amin ni Geo, or President Geo.

"Okay po, Pres!" Sigaw ng ilang babae sa room namin at lumabas na ng room.

Lumabas na rin ako at bumaba na ng building namin. Late na ata kami nag uwian, kasi halos lahat ng room sa ibang building pati narin sa building namin ay naka sarado na, patay na rin ang ilaw sa labas.

Napabuntong hininga nalang ako at hinawakan ang bag strap ko ng mahigpit. Literal na late na nga dahil sarado narin ang clinic pati ang guidance ng school. Ang nandun nalang siguro ay yung iba mga classmates ko at ibang teacher. Nakalabas na ako ng school, ang dilim na rin sa labas ng school wala ng mga sasakyan na dumadaan at mga tricycle.

"Grabe, ang dilim na." Kabado kong sabi. May bukas pang isang convenience store malapit sa school gusto ko sanang mag stop by pero baka hinahanap na ako ni Mama.

Habang naglalakad ako may narinig ako sa likod ko na naglalakad rin. Rinig ko ang pag apak niya sa mga tuyot na dahon, tapos yung mga yapak niya. Lalo kong hinawakan ng mahigpit ang strap ng bag ko, at binilisan ko ang paglalakad ko.

Pero parang sinusundan talaga ako ng tao na nasa likod ka. Napaisip nalang ako, "is this the end?" sana naman hindi pa lord.

Balak ko sanang lumipat ng kabilang daan, kaso baka pag tumawid ako habulin ako nung tao na nasa likod ko. Binilisan ko nalang lalo ang lakad ko, pero ramdam ko pa rin talaga yung presensya ng tao na yon kung sino man siya.

Rinig na rinig ko ang pag tibok ng puso ko, tsaka yung malalim ng pag hinga ko. Lord! Dito na ba ang katapusan ko? If oo, thank you lord kasi pina abot mo ako hanggang 1st day of school ko ng grade 10, alagaan niyo po si Mama pag nawala man ako.

"Pst, ilang taon kana?" Nanlaki ang mga mata ko ng bigla may nagsalita sa likod ko. Sigurado ako na ito rin yung nasa likod ko kanina.

Binilisan ko lang ang takbo ko at pinigilan ko ang luha ko, hindi ko kaya 'to. Ngayon lang ako nakaranas ng ganito, nanginginig ng sobra ang kamay at tuhod ko.

"Pst, huwag mo akong iniiwan, tinatanong kita diba!" Sigaw nito, hindi ko na napigilan at napaluha na ako.

"Hoy! Anong ginagawa mo!" May isa pang boses ang sumabat.

"Tsk. Loko may iistorbo pa talaga sa akin, mga kabataan talag-" May narinig akong bumagsak sa likod ko kaya napatingin ako. Sa laking gulat ko may isang lalaki na nakahiga na sa sahig at may dugo ang kanyang ilong.

At nandon si Geo, may dugo ang kaniyang kamao. Sinuntok niya ba yung lalaki? Sa gulat ko ay hindi ko maalis ang tingin sa nakahiga na patuloy parin ang pagdugo ng kaniyang ilong.

Biglang kinuha ni Geo ang kamay ko, sinipa ang lalaki sa tiyan at tumakbo kami. Ang luha ko ay patuloy na tumutulo, I was still in shock. Habang tumatakbo kami binalik ko ang tingin sa lalaking nasa likod namin na nakahiga parin, at napalingon naman ako sa kamay na nakahawak sa akin. Ang kamay ni Geo, na dumudugo at may sugat. Hindi ba siya namimilipit sa sakit?

"Geo."

"Tumakbo muna tayo, hanggang makalayo tayo." Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa akin kamay.

Gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko, dahil alam kong ligtas na ako.

Napalayo ang pagtakbo namin. Nakaabot na kami sa street ko. Pero mas maayos na 'yon, para malayo na kami kung sino mang manyak ang lumapit sa akin kanina. Bumitaw na si Geo sa aking kamay, at yumuko.

"Saan ka nakatira? Ihahatid na kita. Para ligtas." Huminga ito ng malalim dahil hiningal siya sa kakatakbo.

"Liliko nalang ako diyan, nasa bungad na ang bahay ko." Sabi ko at tinuro ang street na nasa gilid namin.

"Tara." Aya nito.

"Hindi na, malapit na lang naman." Pagtanggi ko.

"Sabay na tayo, diyan rin sa street na yan ang bahay ko." Napa tungo nalang ako sa sinabi niya.

Magkapitbahay kami? Siya ba yung bagong lipat sa katabi ni Aling Lucy?

Naglakad kami, tahimik lang siya ganon na rin ako. Hindi nagtatapo ang tingin namin, naka tingin siya sa kaliwa ako sa kanan. Ang awkward kasi.

"Thank you pala." Sabay kaming lumigon at nakasalubong ang mga tingin namin.

"Wala 'yon. Ayos ka na ba?" Tumango ako.

Aaminin ko I'm still in shock, I can't imagine na sobrang daming babae pati nga lalaki ang nakaranas ng ganoon. Hindi na mawawalansa isip ng mga taong nakaranas ng ganon yung nangyari sa kanila, It will live in their minds forever, that's including me.

Huminto na ako sa paglalakad. "Dito na ako." Itinuro ko ang isang black na gate sa gilid ko.

He smiled slightly, tapos nilagay niya ang kanyang kaliwang kamay sa bulsa ng pantalon niya. At kumaway naman siya sa akin gamit ang kanang kamay niya.

"Take care." A blissful smile showed up on his face.

"Ba-bye." Binuksan ko na ang gate ng bahay namin at nagpatuloy sa paglalakad si Geo.

Bago ko pa buksan ang pintuan ng bahay namin ay tumunog ng sobrang lakas ang cellphone ko. Wala namang tumawag, pero napangiti ako ng isang notification.

•Geo Andres sent you a friend request.

Holding Summer TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon