V

4 1 0
                                    

KREYA

"Geo, uhm. Hindi ako sasabay sa 'yo mamaya." Paano ko sasabihin 'yan sa kaniya?!

Bakit ba kasi pumayag ako kay Nash na sabay kaming umuwi mamaya? Anong sasabihin ko naman kay Geo pag hindi ako sasabay sa kaniya? Ay nako! Bakit ba kasi ako pumayag, gusto ko nalang silang takasang dalawa mamaya. Ay nako self, bakit mo ba kasing nakalimutan na umagree kana rin kay Geo na sabay kayo mamaya.

𖤓

Last subject na namin ngayon. Ang adviser na namin ang Teacher namin. Hindi pa siya nag lesson, binigay niya muna ang oras ng subject niya para magusap-usap muna kaming mga officers kung ano daw ang puwedeng gawin sa room at iba pang topics tungkol sa aming classroom.

"So, simula bukas maningil ka na ng class funds, treasurer, dahil malapit na ang teachers day. Kailangan rin nating bumili ng mga needs para sa room, mga walis at dustpan, kurtina at iba pa. Unahin muna natin mag likom ng pera para sa mga kailangan natin sa room." Saad ni Geo habang nag no-notes naman ang treasurer.

"I guess that's all?" Sabi ni Geo.

Mga ilang minuto pagkatapos namin mag usap-usap ng mga officers ay nag dismissed na rin si Ma'am. Nagsi-alisan na ang halos lahat, puwera kaming tatlo ni Geo at Ma'am.

Akala ko nga ay hihintayin pa ako ni Nash pero umalis agad ito, loko-loko din talaga yung bwisit na 'yon. Kaya ngayon, hindi ko na kailangan mag alala pa kung paano ko sasabihin kay Geo na hindi ako sasabay sa kaniya, dahil siya naman pala ang makakasabay ko.

Dumiretso kami sa faculty room nila Ma'am, pero naiwan lang ako sa labas dahil may pag uusapan pa daw sila ni Geo. Sinabihan naman ako ni Geo na hintayin niya lang daw ako, at umupo muna ako sa isang upuan sa gilid kaya ayon ang ginawa ko.

Sampung minuto na ang nakalipas pero hindi parin lumalabas si Geo sa faculty room, inip na inip na ako at ang dami ng lamok dito sa labas. Nag cellphone nalang ako habang patuloy na naghihintay kay Geo.

"Pst, Kreya tara na." May narinig akong tumawag sa akin, nakayuko ako pero nakangiti na dahil si Geo na 'yon.

Pero noong paglingon ko ay hindi pala si Geo yung tumawag sa akin kundi si Nash. Akala ko ba umuwi na 'tong lalaki na ito? Bakit nandito pa rin siya?

"Akala ko umuwi kana? Bakit nandito ka pa?" Taas kilay kong tanong.

"Diba sabay pa tayo uuwi? I don't break promises, kaya sabay parin tayo uuwi." He flashed a smile at me, at kinindatan ako.

I felt a goosebumps noong ginawa niya 'yon, lalong naging weird 'tong si Nash.

"Sino bang hinihintay mo diyan?" He pointed at the faculty room.

"Si Geo." Sagot ko at binalik ang tingin sa cellphone ko.

"Sino? Teacher ba natin 'yon?" Tanong nito.

Hay nako, I e-explain ko pa ba sa lalaking 'to kung sino 'yon? O hahayaan ko nalang? Nako, bwiset siya.

"President natin siya, baka dika na inform." Pilosopong sagot ko.

"Ah, okay. Tara na hayaan mo na siya. Lalaki naman 'yan kaya na niya umuwi mag isa."

Oo nga pala, paano ako magpapaalam kay Geo? Kasi, eh. Bigla-bigla kasing dumating ang lalaki na 'to yan tuloy namomroblema na ako kung paano ko sasabihin kay Geo na aalis na ako.

Habang nagiisip ay binalik ko ulit ang tingin ko sa cellphone ko, online si Geo? What if I chat ko nalang siya? Kaso parang ang rude ko naman kung bigla bigla nalang akong aalis.

"Ano na? Tara na!" Tapik sa akin ni Nash.

"Si Geo ang kasabay ko. Kaya ko siya hinihintay." I coldly said.

"Nako, tara na. Tignan mo iniwan ka nga niya dito sa labas tapos hihintayin mo pa siya. Kung ako 'yan, dikita iiwan mag isa labas, baka mainip ka lang." Napatingin ako sa kaniya, he looks concerned na mukhang sarcastic pa rin.

Ganto siya dati, kaya napagkakamalan kaming mag syota dati.

He grabbed my hand at napatayo nalang ako. "Let's go." Mukhang galit ang mukha niya noong sinabi niya sa akin ito.

Hindi na ako nakapagsalita, hawak hawak niya ang kaliwang kamay ko at patuloy lang sa paglalakad at hindi siya tumingin sa akin.

Ang nasa isip ko nalang ay, paano na si Geo? Um-oo pa naman ako sa kaniya na sabay kaming uuwi. Pero, kaibigan ko kasi si Nash, ayoko namang iwan lang din siya mag isa kahit minsan gusto ko nalang i hampas ang pagmumukha niya sa pader, he's still my friend.

Nakalabas na kami ng gate, at doon ko lang na chat si Geo na nauna na ako. Hindi ko na sinabi na kasama ko si Nash, baka isipin niya na um-oo na ako na sabay kaming uuwi pero hindi naman ako sumabay.

Si Nash naman, parang bata turo ng turo ng mga pagkain sa labas tas sasabihin niyang gusto niya tas bibilhin niya tapos ibibigay lang sa akin. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad, siguro 5 minutes pa lang ang nakalipas simula nung umalis kami sa labas ng faculty pero parang ang dami ng nangyari.

Hindi parin pala nas-seen ni Geo ang chat ko sa kanya, pero online parin siya. Hindi kaya siya galit sa akin?

Napadpad kami sa Convenience Store malapit sa school, nagkaroon ako ng flashbacks ng nangyari kagabi, kaya kinabahan tuloy ako na baka maulit ito muli.

Lumapit ako ng sobra kay Nash dahil sa kaba, hindi naman ito umangal at nagpatuloy lang sa paglalakad. Nagpadesisyunan ni Nash na dito raw kami sa labas nalang pumwesto, may upuan dito sa tapat ng convenience store at may lamesa rin.

"Bibili lang ako sa loob, anong gusto mong bilhin ko sayo?" Tanong niya habang hinahanap ang wallet nito sa bag niya.

"Kahit ano na, basta kinakain ko." Sagot ko.

I felt kind of safe kahit nasa labas kami, dahil may isang tao rito na medyo malayo sa amin at nakain rin. Kaya mukhang ligtas naman ako.

Dalawang minuto na ang lumipas pero wala parin si Nash, ano bang binili non? Buong convenience store?
Tinignan ko nalang ang cellphone ko habang naghihintay sa kaniya, nakita ko na na seen na ni Geo ang chat ko sa kanya pero hindi niya ito nireplyan.

Galit siya sa akin?

"Miss. Nagkita ulit tayo." Naibagsak ko ang cellphone ko sa sahig at nanigas ang buong katawan ko ng biglang may humawak sa aking mga balikat.

Hindi ito si Nash dahil iba ang boses niya, pero familiar ang boses nitong lalaki na 'to, para bang narinig ko na 'to somewhere.

Lalo akong natakot ng matandaan ko na kung saan ko narinig ang boses na 'yon.

Siya yung lalaki kagabi, yung manyak na may balak na gawin sa akin.

Asan na si Nash? Kailangan ko siya ngayon!

TO BE CONTINUED

Holding Summer TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon