KREYA"Sabay nalang tayo umuwi."
Is he shy to say that? I mean okay lang naman na kasabay ko siya, I feel safe and protected when he's around.
"Sige. You'll be my bodyguard." Biro ko.
"I'd be happy to be your bodyguard." Sabi niya at nag kunwaring may hawak siyang baril.
Tumawa siya, tumawa ako, feel ko destiny talaga na pinagtagpo kaming dalawa.
Nakarating na kami ng building namin, ang dami ng tao nagsisiksikan na ang mga estudyante. Pagdating namin sa room naghihiyawan sila.
"Nandyan na si Queen!" Nagkatinginan kami ni Geo parehong iniisip kung anong nangyari sa section namin.
"What is happening? Bakit ang ingay niyo?" Sumigaw ako ng makapasok na ng room.
Mukhang may pinagkukumpulan sila sa may table ni Ma'am Salamanca, may bago ba kaming classmate na kamukha ni Kathryn Bernardo? Bakit maghihiyawan ang mga lalaki kong classmates? Tsaka bakit sila nagkukumpulan?
"Oy ano bang problema niyo? Bakit kayo nagkukumpulan? At sa table pa talaga ni Ma'am!" Sinusubukan kong sumiksik sa mga lalaking nakapalibot sa table ni Ma'am.
Napaka ingay ng mga lalaking 'to. Kung pwede lang ay baka natanggal ko na ang mga vocal chords ng mga baliw na 'to.
"Ano bang pinagkakaguluhan niyo?! Ano ba?!" Tinulak ko na ang mga bwisit na 'to dahil ayaw pang mag sitabi.
Nanlaki ang mga mata ko noong nakita ko kung sino yung pinagkakaguluhan nila. Matutuwa sana ako kung bagong classmate namin at kamukha ni Kathryn Bernardo kung babae, at Cha Eunwoo naman kung lalaki, bagong classmate nga namin...... pero nakakairita naman yung mukha.
Tsaka ang kapal naman niya para ipatong ang paa niya sa teacher's desk, bakit siya ba ang magpupunas non? Hindi naman diba!
"Hi, Sugarpie." Kaway nito sa akin at nagsi hiyawan naman ang mga classmates namin, pati ang mga babaeng nakaupo lang.
❁
Ito na nga ang pinakakinatatakutan ko. Si Nash Martin Santiago. Kaibigan ko na may gusto sa akin, we met 2 years ago noong grade 8 palang kami. Naging close kami dahil same kami ng hobby at mahilig rin siya sa art. Tapos noong grade 9 na 'develop' niya raw yung feelings niya para sa akin,
Akala ko nung time na 'yon biro biro niya lang na gusto niya ako but it turns out to be true. Pero, ni-reject ko siya kasi sabi ko sa sarili ko hindi ako magkaka-crush, which hindi na naging totoo. Tapos nalaman ng halos lahat ng estudyante sa school namin yung pagkagusto niya sa akin kasi nag po-post siya sa facebook tungkol kung gaano niya daw ako kagusto. Naalala ko na nakiusap pa ako sa kaniya na itigil niya na yung pag po-post kasi nabu-bully na ako dati, lalo na yung mga babaeng may gusto sa kaniya.
Mag kaibigan parin naman ako pagkatapos non, pero bigla lang siyang ng ghost nung vacation break. Tas ngayon nasa harapan ko na siya, mas lalo pa tuloy akong nainis sa kaniya. Akala ko nag hindi na 'to magaaral, pero mukhang mali ako. Tsaka, bakit kailangan niya akong tawaging Sugarpie?
"Talaga ba? Huwag mo akong tatawaging Sugarpie baka gusto mong pinapadugo ko 'yang nguso mo!" Inambahan ko siya at tinaboy ang mga lalaking nakapalibot sa kaniya.
"Everyone, please seat down. Malapit na si Ma'am." Napatingin ako sa likod ko ng biglang nandon na pala si Geo sa likruan ko.
Hinampas ko ang sapatos ni Nash. "Umalis ka na nga diyan, feeling cool ka na naman!" He scoffed bago umupo sa upuan.
Saktong pag upo ko ay dumating na ang teacher namin sa Math. First subject pa talaga. Yung seating arrangement ay hati sa 3 groups, tig 4 na rows at sa kada rows na yon ay meron limang upuan. Left and right yung rows, tas sa dulong gitna yung isang group. Ganito na daw ang seating arrangement namin sa lahat ng subject dahil mas maayos.
Si Nash ay naka upo sa left side na row, pangalawang row siya. Habang si Geo at ako ay nasa unang row, sa right side. Kitang kita ko sa gilid ng mata ko si Nash na nakatingin sakin, buti nalang hindi ko siya katabi dahil baka mangulit lang 'yon at hindi ko matimpi't masampal ko siya.
Habang sinusubukan kong mag focus sa pagkikinig, tinapik ni Geo angg kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya. Nakatingin siya kay Ma'am na nagtuturo, pero tinatap niya ang ballpen niya sa papel na nasa armchair niya.
'do you know the guy earlier?' nakasulat don.
Kinuha ko ang papel na yon at sinulat ang sagot. 'oo, kaibigan ko 'yon'
Ibinalik ko yung papel at nagsulat na si Geo at iniabot ito sa akin ng palihim. 'really? kaibigan lang?'
Ay bakit? Selos ka? Well, technically hindi naman siguro kami mag kaibigan kasi ng ghost siya pero kaibigan parin ang tingin ko sa kaniya.
'oo nga, promise. basta mahabang kuwento' sinulat ko.
Tumango nalang si Geo, and he left a little smiley face doon sa papel na pinagsulatan namin.
Dalawang oras na ang lumipas at tapos na ang klase namin sa Math at Filipino. Hinihintay nalang namin ang third period teacher namin sa English dahil kasunod noon ay breaktime na. Naghiyawan na naman ang klase ng tumayo si Nash at mukhang papunta sa akin. Please lang, baka nag seselos na yung crush ko, joke lang.
"Hi, Princess." Kaway niya sa akin at umupo sa bakanteng upuan sa gilid ko.
Kanina Sugarpie ngayon Princess, ano na next mamaya? Love?!
"Sabay tayo kumain sa break time mamaya? Treat kita." Sabi nito at sinubukan akong akbayan pero iniwasan ko.
Ang napansin ko lang ay si Geo na mukhang gusto nalang umalis sa gilid ko dahil sa na wi-witness niyang kalokohan ni Nash. Dahil gusto ko na umalis 'tong loko na 'to sa gilid ko ay umagree nalang ako na sasama ako sa kaniyan mamayang break time.
*THUD*
"Ay! Bwiset!" Napatingin ako sa gilid ko kung saan nakatayo si Geo. Bat biglang niyang hinampas yung libro niya sa armchair niya?
He took a deep breath at pumunta siya sa harapan.
"Problema nitong lalaking 'to?" Bulong sakin ni Nash at hinampas ko siya sa braso niya.
"Everyone, our third period teacher won't be able to attend his class today. So pede na po kayo mag early break!" Naghiyawan ang mga kaklase ko na akala mo'y ngayon lang makakakain.
"Tara na?" I took a sigh before standing.
"Bilis, gutom na ako." Nash scoffed at tumayo.
Umalis na kami ng room at dumiretso na sa canteen para kumain. It was actually nice talking to him again, kahit nagkaroon kami ng pagaaway noong mga nakaraang buwan. Akala ko hindi na sya mamamansin kung magkikita man ulit kami, pero mukhang mali ang akala ko. Nash is a really great friend, maasahan at mabait pa, he was my first friend in school mas una ko pang naging close si Nash kaysa kay nila Alicia at Soleen.
"Mamayang uwian kain tayo?" Tanong ni Nash.
"Ge ba! Basta libre mo." Tumango naman ito.
❁
BINABASA MO ANG
Holding Summer Tight
RomanceWhat if you fall for a guy so suddenly, and you don't even knoe if you have a chance with him. But, you got closer with each other in a nick of time. If the chance is right infron of you, would you take it and tell him what you feel for him? And how...