I

15 4 0
                                    

KREYA

After naming makabalik sa room ay diretso sermon agad kami ng teacher namin sa Science dahil na late kami ng 4 minutes, just 4 minutes! Ito pala yung sinasabi nilang terror na teacher sa science, mukhang mahihirapan ako ngayong grade 10 sa paborito kong subject.

Bilang "parusa" pinatayo niya kami ni Geo sa labas ng room namin, habang nakataas ang dalawa naming kamay at may nakapatong ng isang mabigat nalibro. Nakakahiya dahil first day of school palang na sermonan at naparusahan agad ako ng teacher ko. Ang daming estudyante pa ang nagsisi-daan at nakikita kami.

Habang ako hiyang-hiya at gusto nalang magpalamon sa lupa, si Geo parang wala lang sa kaniya. Nakatayo lang siya ng diretso at parang wala siyang pake kahit tignan man siya ng mga tao.

"Uy, sorry ha. Kasalanan ko talaga 'to dapat hindi na kita hinabol kanina. Hindi ka na sana nadamay." Patawad ko sa kaniya.

"It's not your fault. Strict lang talaga siguro yung teacher natin. Tsaka isang oras lang naman na ganito, it's not that long." Sagot nito.

Not that long? Isang oras? Hindi pa mahaba sa kaniya 'yon? Ano ba 'tong lalaking ito si superman? Parang gigiba na nga yung isa kong kamay dahil sa sobrang bigat ng bwisit na librong 'to.

"Can you still hold it?" Napatingin ako sa kaniya ng bigla siyang nagtanong.

"Siguro, wala naman akong choice eh. Baka mapa guidance pa ako kung susuwayin ko yung utos ng teacher natin." Ngumiti ako ng pabiro. .

He nodded, pero hindi niya inalis ang tingin niya sa libro ng nakapatong sa dalawa kong kamay na nanginginig na.

Panay labas-pasok rin ang teacher namin sa Science na si Sir Castro. Tingin ng tingin sa aming dalawa ni geo na akala mo pag bumitaw yung isang kamay namin katapusan na ng mundo. Bakit ba kasi apaka lupet ng teacher na 'yon? Gusto ko lang naman mag aral.

Kahit na naghihirap ako dito, hindi parin mawala sa isip ko ang nangyari kanina. Yung pagbilis ng tibok ng puso ko, yung pagbanggit niya ng pangalan ko, yung pagtigil ng oras. I never thought I'd experience something like this, kasi akala ko napapraning lang yung mga taong nagsasabi na ganito daw yung nangyayari pag nahuhulog sila sa isang tao, pero mukhang totoo nga 'yon ganon nga talaga kapag nahuhulog kana sa isang tao.

Pero iniisip ko pa rin kung paano niya nalaman yung pangalan ko? Hindi pa naman kami nag introduce yourself kanina tsaka yung pangalan sa ID ko ay hindi rin gaano ka visible. Ay nako, bakit ba pati 'yon iniisip ko? Pero curious kasi ako, kasi malay niyo, stalker ko pala 'to. hahahaha! siguro, itatanong ko nalang para matapos na 'tong pagiisip ko.

"Paano mo pala nalaman yung Pangalan ko?" Biglang lumakas ang hangin at muntikan na akong mapatumba.

Napataas ang dalawang kilay niya sa tanong ko. Ngumiti ito bago sumagot. "Narinig ko sa mga classmate natin. Pinag-uusapan ka nila kanina sa room bago mag start ang klase."

"Pinag-uusapan nila ako? Anong pinag-uusapan nila? Narinig mo ba?" Paulit-ulit kong tanong.

Nilayo niya ang tingin niya sa akin, at lumingon sa kanan niya. Ayaw niya atang sabihin kung ano ba ang pinag-uusapan ng mga tao na 'yon.

"You might get offended." Ibinalik niya ang tingin niya sa akin.

"Hindi! ako pa, bilis na kasi, sabihin mo na." Tumango ako sa kaniya at lumunok ito ng malalim.

"Well, sabi nila classmate na naman daw nila yung pinaka demonyong babae sa school." Napanganga nalang ako sa sinabi niya, at napatingin sa mga classmate ko na nasa loob ng room.

"Masungit kaba?" Napabalik ako ng tingin kay geo ng tinanong niya ito.

Oo, masungit ako kapag masungit sakin yung tao. Masungit rin ako kapag wala ako sa mood. Pero sa kaniya, hindi ako masungit.

"Slight." Ngumiti ako.

Natawa si geo sa sinabi ko, narinig kami ni Sir Castro at napatingin tuloy sa amin mula sa kinatatayuan niya sa room. Mabuti nalang at hindi na niya kami pinuntahan at sinuway at nagpatuloy lang sa pagtuturo niya.

"Sorry natawa lang ako. Hindi ka kasi mukhang masungit, mukha kang mabait." Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko, nanlaki ang mga mata ko at parang naka slow-mo na naman ang moment nato.

Ano ba 'tong tao na 'to. wala namang nakakakilig don. Pero bakit ang lakas ng tibok ng puso ko? at feeling ko sasabog ako sa kilig.

Ito na naman, biglang uminit at namula ang mukha ko, kaya agad akong nag iwas tingin sakanoya. Tapos parang tumigil ang buong paligid at kaming dalawa lang ni geo ang nagalaw, napansin kona nakatingin siya sa 'kin habang nakangiti parin.

Bakit ba nakangiti 'to? I mean, his smile really suits him pero bakit kailangan niyang tumigin sakin habang nakangiti? hindi ba niya alam na sobrang lakas na ng tibok ng puso ko?

"Hey, are you okay?" Sinanggi ako ng braso ni geo at napa kurap nalang ako ng mabilis.

"A-ahh, oo! may naisip lang. sagot ko sa tanong mo kanina ag masungit ako hindi lang talaga halata. Tsaka pag ayaw ko sa isang tao masungit talaga ako, ngayong alam ko nang bina-backstab ako ng mga sipsip na classmate natin kaya tatarayan ko na sila from now on." I sarcastically smiled at him at umirap.

He laughed silently, his cheeks turning red as he smiled. Ang gwapo niya, wala na akong masabi sa kagwapuhan niya para siyang anghel. Tapos ang tangkad pa, first time ko lang makakita nga ganito kwagapong lalaki sa school-pwera dun sa naging teacher namin dati sa Science kaya naging favorite ko ang subject na 'yon.

"You know you're really funny. And I like that." I like you too.

Huy sabi niya like niya ako? Yes, father, I do.

Huy! Anong iniisip mo diyan! Hindi niya sinabi na gusto ko niya, sinasabi niyang gusto niya yung humor mo, huwag kang assumera! Baka lalo kang ma fall.

"So ano? Tayo n-este kaibigan na kita?" Muntik na akong mabuking.

"Sure. I'd be happy to be your friend, Kreya." He smiled again.

Ay friend lang? Dapat more than friend.

His smile is something, parang kapag nangiti siya may ginagawa yung ngiti niya sa utak ko. Parang I'm melting everytime he smiles, tapos ang problema lagi pa siyang nakangiti. stawppp!!!

"We're friends na ha, wala ng bawian." Binaba ko ang isa kong kamay, at tinaas ang aking hinliliit.

"Yeah, wala ng bawian." Binaba niya rin ang kaniyang isang kamay, at binalot ang hinliliit niya sa hinliliit ko.

It's a promise, It's a pinky promise. This promise should not be broken unless we go in a different direction, and unless our time has come.

Natapos na rin ang time ni Sir. Castro, saktong natapos ito nung nag pinky promise kami ni geo. Buti naman at naibaba na namin ang kamay namin dahil nangangalay na ako ng sobra.

"Let's go." Aya sa akin ni Geo at pumasok na nga kami sa room.



Holding Summer TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon