Kainnazai POV
Pagkatapos kong tumakbo paakyat, agad kong binuksan ang pinto at nakita ko siyang nakahiga habang nagse-cellphone.
“Jiyeon, cousin ko!” Sigaw ko, at nagulat siya. Agad ko siyang tinalunan sa kama at niyakap ng mahigpit.
“Wahhh, OMG! I miss you so much, Jiyeon, cousin ko!” Sigaw ko sa loob ng kwarto habang yakap-yakap siya.
“Awww, I miss you so much too, my unnie!” niyakap din niya ako pabalik sabay kiss sa pisngi ko.
“Ohh, by the way, unnie, who’s that behind you?” tanong niya sa akin.
“Ahh, mga ka-section ko sila. Meet my section, The Last Section Sapphire,” sagot ko. Pero parang may hinahanap siya, kaya nagtanong ulit siya sa akin.
“Aww, by the way, where is Axel Dylan Decel, or more popularly known as Axel, unnie?” Pagkasabi niya nun, agad ko siyang tinignan ng masama, na ikinataka naman niya.
“Why, unnie?” tanong niya ulit.
“Anong why? Mag-Tagalog ka nga, please lang, sumasakit na ilong ko, jusme!” sabi ko sa kanya.
Grabe kasi mag-English, huhuhu, nasa Pilipinas sila dapat Tagalog. Hayst, ang sakit sa ilong, amp.
“Hehehe, sorry unnie, hindi lang ako sanay,” sagot niya sa akin.
Taglish na naman! Huhuhu, panigurado sasakit ilong ko nito, hayst.
“Bakit si Axel ang hinahanap mo?” tanong ko sa kanya.
“He is on the sofa, he said he was shy around you,” singit ni Jaxon na nakadungaw sa gilid ng pintuan.
“Nahihiya? Why?” kunyaring sabi niya.
“Aysus, kumain na tayo. Ang dami niyo pang daldal,” sabi ko bago ko hinila ang kamay ng pinsan ko.
Agad naman siyang napatayo nang i-akbay ko ang braso ko sa braso niya. Maging si Kaifer ay dinamay ko na rin kasi nakaharang siya sa daanan ko, kaya dinamay ko na, hehehe.
“Don’t touch me,” sabi naman ni Kaifer sa gilid ko. Hindi ko siya pinansin at nagderecho lang ako sa paglalakad at pagbaba habang naka-akbay sa mga braso nila.
Pagbaba namin, nandoon na si kuya at Axel, nag-uusap silang dalawa.
“Yuna! Let’s eat. We have meat! Steak! You want it, right?” sabi ni kuya. Tumango-tango na lang ako sa kanya.
Umupo kami ni Jiyeon sa magkabilang upuan.
“I’m just curious, does Yuna also clean your classroom?” tanong ni kuya.
WHOAHAHAHAHAHA! Hindi ko alam kung kakabahan ba ako sa tanong niya sa kaklase ko o ano eh, hahaha.
Tinignan ko naman sila at hindi nila alam ang sasabihin kaya umiling-iling ako.
“She is not cleaning the classroom,” agad na sagot ni Kaifer.
Agad namang nawala ang kunot sa noo ni kuya at bigla namang ngumiti.
“That’s good, don’t let her clean, it’s dangerous,” sabi ni kuya na ikinataka naman ng buong Section Sapphire.
“What do you mean?” tanong ni Jake.
“She has allergies… she’s allergic to dust. Her skin gets itchy. Mommy doesn’t want that to happen, she’ll worry again, so if possible, please don’t ask her to clean,” sabi ulit ni kuya.
Habang ako, kain lang nang kain. Bahala sila diyan magkuwentuhan nang magkuwentuhan, hehehe.
“Allergic, huh?” bulong ni Kaifer sa gilid ko.
Luh, kanina lang hindi ko ito katabi ah? Ang bilis naman nitong umupo.
“Don’t mind him,” tanging nasabi ko lang.
Napangiwi naman siya sa sinabi ko, at agad kong sinubo ulit ang steak na nasa tinidor ko.
“You probably noticed how clean the room and every corner or part of this house is, right? It’s because she’s allergic to dust. Mommy makes Yaya clean up immediately if she sees even a speck of dust,” dagdag ni kuya.
Bigla naman silang tumingin sa akin nang may pag-aalala kaya ngumiti lang ako sa kanila.
“Ok, let’s eat. Look, oh, mauubos na ni unnie yung steak eh,” ani Jiyeon sa kabilang gilid ng hapagkainan.
Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin.
"Joke lang, unnie!" Agad niyang pagbabawi.
"Magkainan na, huwag nang dumaldal," sabi ko sa kanilang lahat. Bigla naman silang nagtawanan sa sinabi ko.
Ano na naman bang nakakatawa sa sinabi ko? Jusme, ang weird talaga ng mga tao sa paligid ko, amp haystt.
IT WILL BE CONTINUED...
________________________
: PLAGIARISM IS A CRIME.
:THE LETTERS ARE NOT INTENTIONAL.
: OPEN TO ANY CORRECTIONS.
YOU ARE READING
The Only Woman ln The Last Section Sapphire: Section Series#1(ONGOING)
Teen FictionKainnazai Akame Lavariaz ended up in a section full of men where she is the only woman in their section. What do you think will happen to her if she stays in that section for a long time? Let's go together to discover what will happen to Kainnazai A...