[viii]

68 8 0
                                    

[viii]

His eyes kept staring at her.

Parang natural sa prinsesang bumighani ng puso ng mga tao. Hindi niya inaasahang malugod ang pagtanggap rito ng kanyang nasasakupan. Ni hindi nito inalintana ang pagkakaiba ng estado sa mga nakakasalamuhang mamamayan.

In their balangay, it was more than just a chieftain and his subjects. He learned compassion from his Datu father and mother. That's how people became loyal to them.

Dumaan man ang kalamidad, gumapang man sila sa putikan, ngunit magkasamang babangon ang kanilang balangay.

It happened once...

If it's going to happen again, it would be easier to face with people serving loyalty.

Sa isang dosenang itlog, minsa'y may isang bulok... Kabaliktaran ito sa paglalarawan ng angkang pinanggalingan ng kanyang asawa. Dahil si Magda ang natatanging malinis sa bulok na mga itlog. She was the purest soul despite her surrounding.

"Datu, huwag kalimutan ang tunay na pakay sa dayang..." Pumait naman ang ekspresyon ng kanyang mukha sa narinig. Si Lupon, ang kanyang malapit na sandig at guro.

Sa ikaanim na kabilugan ng buwan...

Ngayo'y ikatlong kabilugan na.

[Analyzing the male lead's love for the female character... Real love: 10% : Fake love: 90%]

Hindi lalo mapuknit ang ngiti sa labi ni Magda habang siya'y nakikipag-usap sa kababaihan ng kanilang nasasakupan. Ang kanyang buhok ay nilalagyan ng dekorasyon ng mga ito gamit ang mga bulaklak sa paligid.

May bulaklak na nakaipit sa kanyang kaliwang tainga.

Natural ang kanyang ganda. Natural na ganda ng sinaunang Pilipina.

Nang mag-angat siya ng paningin, nagtama ang kanilang mata ni Datu Kisig, nanghihipnotismo. Hindi maitatanggi ang kakisigan ng lalaki, pantay ang kulay niyang kayumanggi na may katawang nililok para sa isang digmaan.

Isa ito sa pinakabatang Datu na nakadaupang palad niya. She knew why he had to take the role of the chieftain so early. Now's everything's changing in the book, she has no idea if the backgrounds of the characters have changed, too.

For that matter, Boy Buwesit hasn't given her a clue.

Hindi niya alam kung maaari pa siyang mag-rely sa kanyang nalalaman base sa kung paanong sinulat niya ang istorya. Some scenes had already changed from the previous draft. Small changes could amount to bigger revision of the whole story.

One small change could make or break the whole plot.

"Mga binibini, maaari ko bang hiramin ang aking asawa?" Hindi niya namalayang nakalapit na sa kanya ang Datu, papalayong bungisngis naman ang kanyang narinig. Iyon pala ang sinaunang kilig.

Ngumiti si Magda sa asawang Datu. "Maganda ang pamamalakad mo sa iyong nasasakupan..." Bumuntong-hininga siya at lumayo ang kanyang tingin.

Naghanda siya sa pangmalakasang akting. Once that she's able to go back, maybe she'll change career into acting. Ramdan niya ang paninitig sa kanya ng Datu. "Malayong-malayo sa aking pinagmulan. Hindi malalapit at hindi nagkakaisa ang mga tao. Umiiral ang takot nila sa aking ama."

Datu Kisig was silent.

"Naiintindihan ko naman kung bakit mo ginawa... ang bagay na iyon. Malupit ang aking ama, hindi siya mabuting tao at ganid sa kapangyarihan kaya lang hindi mo maiaalis sa akin ang hinagpis bilang anak, ngunit kailanma'y hindi kita masisisi. Bagkus ako'y nagpapasamalat na iyong kinaawan, ako, ang mga bata't kababaihan." Her smile made his heart skip a beat. Hinawakan niya ang kamay ng asawa.

Titig na titig si Kisig sa mukha ni Magda. Bawat bigkas niya'y animo'y musika sa kanyang pandinig.

"Simula ngayon hanggang sa huling hininga ko, ako'y tapat sa'yo bilang asawa at tao ng iyong nasasakupan..." Magda confessed.

Unti-unti niyang inilapit ang kanyang mukha hanggang maglapat ang kanilang labi sa unang halik.

[Analyzing the male lead's love for the female character... Real love: 25% : Fake love: 75%]

The Author's Rewritten DraftsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon