[ii]
Tuluyang bumagsak ang kanilang nasasakupan nang namatay ang kanyang ama sa giyera sa kabilang balangay. It wasn't the same as the barangay of today. The leadership and structure wasn't the same as of the modern day.
Kung ang Inglatera ay mayroong royal family, laganap din iyon noong kapanahunan ng kupong-kupong. May hirarkiyang maituturing ang bansa bago pa man dumating ang mga dayuhan.
Even up to now, there's still a hierarchy in the system. Iba na nga lang iyon sa kinagisnan. Mayaman, mahirap at nasa laylayan.
Maharlika ang kanyang dugo. Isa siyang anak ng Datu, Datu Kalayaan, namamayagpag ang pangalan sa maraming lupain ng iba't ibang nasasakupan bilang isang malupit na pinuno. At sa pagkamatay ng kanyang ama, ang pagbagsak ng kanilang balangay. They would be taken as war prisoners of those who conquered the land --- maybe it was lucky or unlucky day for her --- it was the male lead of the story.
Matagal nang mayroong iringan sa mga Datu ng dalawang balangay, ilang henerasyon pang lumipas. Her Datu father was a known tyrant despite named as Kalayaan.
"Dayang-dayang!" That's what princesses are called in the pre-Spanish period. Magda is the princess of the first degree being his father's daughter, known for her great beauty and wit.
"Technically, the great beauty and wit is the female lead in the story, but you're in the body of the female lead so you're the great beauty and wit." Biglang sumulpot si Boy Buwesit sa kanyang isipan.
Hindi niya ito pinansin, nakatuon ang kanyang mga mata sa babaeng nakayuko sa kanya. Si Saya, isang aliping sagigilid.
"Ipagpaumanhin ang paglapastangan sa inyong pamamahinga, isang masamang balita ang hatid ng inyong tagapaglingkod, dayang-dayang." The woman lowered her head, the cry of sorrows left her lips.
Alam na ni Magda ang balita ng alipin.
Well, she wrote the story...
This was the starting plot.
Panaghoy at pagtangis ang umalpas sa kanyang bibig.
May required ability pala ang trabahong ito, kailangang marunong siyang umarte. Hindi naman p'wedeng mukha siyang natatae habang binabanggit ng male lead ang pagmamahal nito sa kanya.
"Kung inyong mamarapatin, ang habilin ng Datu'y sundin. Inihanda kong mga gamit na dadalhin patungo sa kabilang balangay upang doon mamuhay. Hindi ligtas na manatili ang maharlikang naiwan, kamatayan ang parusa mula sa kamay ng mga kaaway," pahayag ng alipin. Punong-puno nang pagsusumamo ang kanyang mga mata. Tanging hiling nito ang kaligtasan ng prinsesa.
Advisory: Male lead is coming [with troops]
Boy Buwesit sent a signal.
Every woman and child was in the hall. In her command, they sought shelter together waiting for the men to arrive, but every man of their clan is slaughtered...
That's because of her greedy, tyrant father.
Kinuha niya ang isang armas, lumabas siya sa arko upang harapin ang paparating na kalaban ng kanilang angkan. Magda was cringing.
"Ang digmaang ito ay sinimulan ng kasalungat na kasarian, nararapat lamang na hindi idamay ang mga bata't kababaihan. Subalit kung babalakin, patawarin ng diyos at diyosa... itatarak ko ang patalim sa magnanais gumawa ng hakbang." Humigpit ang hawak niya sa patalim.
"Is this considered killing?" tanong ni Magda sa kahati niya sa isipan.
"You guess."
"Buwesit."
She blinked several times.
"Hindi kailangan dumanak ng dugo, dayang-dayang." Lumuhod sa harap niyang pinakamalapit na tauhan ng Datu, pinakabatang Datu, kaedad niya halos ito. "Kung inyong mamarapatin, handang patunayan ni Datu Kisig ang aking pahayag."
"Paano mo nasabi?" Insert the meme reference.
"Handa ka niyang pakasalan."
"That must be the ancient rizz." said Boy Buwesit.
"Siya ba'y walang bibig? Bakit kailangan niyang iparating mula sa kanyang tauhan ang kanyang hiling? Hindi katanggap-tanggap!" arte pa niyang pagalit.
Mula sa dagat ng kalalakihan, humakbang ang isang lalaki. Kagaya ng kanyang pangalan, makisig itong maituturing.
BINABASA MO ANG
The Author's Rewritten Drafts
FantasyThe Author's Rewritten Drafts (a transmigration story) *** In stories, the author is god... What if the author met an untimely death, death surrounding betrayals and envy, leaving her characters dissatisfied? What if she is given an opportunity to r...