[xviii]

62 6 0
                                    

[xviii]

He stiffened.

Marahang tinanggal ni Magda ang tahob sa kanyang mga mata. Nahuli niya sa akto ang nakataas nitong kampilan. Her eyes were calm as if anticipating this action from him.

Ngumiti siya. "Sa maraming beses na pagpapalit ng gabi't liwanag, nakilala kita ng lubos. Nararamdaman ko ang agam-agam mo... Alam ko ang iyong sadya... Alam kong..." Huminga siya ng malalim. Her eyes kept staring at him.

"Alam ko kung gaano kalalim ang sugat na iniwan sa'yo ng aking ama... Ang sunog na tumupok sa inyong lupain, mga pananim at iyong ina't kapatid..." May tumulong pamilyar na likido sa kanyang pisngi. Walang tunog ang kanyang pagluha.

"Responsable rin ang aking ama sa pagkamatay ng iyong ama at kung bakit sa murang edad pasan mo nang tungkuling nakaputong sa iyong ulo..." Kinagat niya ang pang-ibabang labi, tumikhim siya. "Kaya nang magtagumpay ka sa pagpaslang sa aking ama, hindi ko magawang magalit sapagkat... sapagkat naiintindihan ko ang iyong pagkamuhi... na kung ako ang nasa posisyon mo, ganoon rin ang desisyon ko."

Hinawakan niya ang mukha ng asawa, tears streaming down her face. At this point, even Boy Buwesit was shedding tears watching the drama to unfold.

"Nadinig kong upang hindi matuloy ang nagbabadyang tagtuyot, kailangan ng sakripisyo mula sa angkan nang nagdulot nito..." She nodded understandingly. "Nawa'y tanggapin ako ng mga diyos at diyosa upang sakripisyo."

Bahagya niyang inabot ang kampilan, itinapat niya iyon sa kanyang dibdib. Wala nang lungkot at pagtangis, napalitan iyon ng tapang sa mukha ng babae.

"Sige na..." Paanyaya niya. "Gawin mong nararapat."

He stared at her for long minutes, unmoving.

Hindi niya magawang ikibo ang kampilan niyang hawak. Matagal niyang tinitigan ang babaeng handang ialay ang kanyang sarili. She was brave and strong.

Magda's voice was enticing, guarding his anxious heart.

Itinaas niya ang kampilan, humigpit ang kanyang hawak, at humugot ng lakas na itarak ang patalim sa kanyang dibdib. Palakas nang palakas ang tibok ng kanyang puso. He was filled with anxiety and distress.

Magda was offering herself selflessly for the sins his father had done.

Kusa siyang tumigil bago pa man tuluyang lumapat at tumusok sa kailaliman ng laman ng kanyang asawa ang patalim.

He can't.

He can't do it.

He can't kill the woman who owns his heart.

He can't betray her like that.

He abandoned the thoughts. He abandoned his mission of killing her.

[Analyzing the male lead's love for the female character... Real love: 95% : Fake love: 5%]

"Hindi... hindi ko kaya..." Hindi na niya napigilan ang pagtulo ng luha sa kanyang pisngi. Inisip niya ang payo ng babaylan, kung hindi malinaw, pakinggan at sundin ang nilalaman ng puso. It's what his heart is telling him. "Patawad, aking irog. Patawad sa kalapastanganang nais kong isakatuparan sa'yo..."

Nagmulat siya ng kanyang mata at sinalubong siya ng mga mata nitong puno ng pagsisisi. Sinagot niya ito ng halik upang putulin ang kanyang agam-agam.

[Analyzing the male lead's love for the female character... Real love: 96% : Fake love: 4%]

The Author's Rewritten DraftsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon