[x]

94 11 0
                                    

[x]

How many chapters left?

"Eleven. Nasa 35% pa lang ang taas ng real love ng lalaki. He was still doubting you." Boy Buwesit replied.

It took nine chapters for his real love to increase at 35%. Only eleven chapters are left. This is the tenth chapter. Nasa kalahati na siya ng libro ngunit wala pa sa kalahati ang kanyang natatanggap na pagmamahal mula sa lalaki. Kailangan pa niyang kumayod ng mabilis.

Napaangat siya ng tingin nang pumasok ang isang mapangahas na babae. Pinigilan ito ni Saya, ang aliping sagigilid.

They were combing the dayang's hair when they were interrupted by the woman.

Taglay ng babae ang sinaunang ganda, mukhang lumaki rin ito sa pamilyang maykaya.

"Ano ang iyong kailangan?" tanong ni Magda sa babae. She wasn't welcoming, her tone was cold and stern.

Isang kapangahasan ang pagpasok ng babae sa kanilang tahanan ng walang pahintulot, hindi niya iyon nagustuhan lalo na't kung umasta ito'y animo'y pag-aari ang lugar.

Hindi niya maalala kung sino ang naturang babae.

"Totoo pala ang balitang mayroong pinakasalan si Datu Kisig." The woman said angrily; she couldn't accept that the man she had affection with got married to a woman she didn't even know the existence to begin with. "Hindi ko akalaing nagpakasal siya sa gaya mong..."

Tumingin ito sa kanya mula ulo hanggang paa.

Walang maipintas?

Seryoso ang kanyang ekspresyon, hindi siya nagpatinag sa tingin ng babae.

Advisory: Male lead's watching

"Gaya kong..." Isinatinig niya. "Tila yata hindi mo maituloy ang iyong sasabihin. Hindi ko mawari ang kadugtong ng iyong kapangahasan. Ano ba ang iyong sadya sa aking tahanan? Malugod akong tumatanggap ng bisita, ngunit hindi naman kita inimbita."

Nagtiim ang bagang ng babae. "Inagaw mo ang iniirog ko!"

"Ako ba ay iyong inaakusahan, binibini?" Ha, she had the guts to come into the house of the Datu and Dayang only to accuse her of something. "Wala akong inaagaw na iyong irog dahil wala ka namang pag-aari. Malinis ang aking konsensya. Ika'y pinagpala na ako ang iyong nadatnan sa kapangahasan at hindi ang aking asawa, baka ipakaladkad ka niya sa iyong paglapastanganan sa kanyang asawa. Kung mayroon pang natitirang dignidad sa'yo, lilisanin mo ang pamamahay ko!"

[Analyzing the male lead's love for the female character... Real love: 40% : Fake love: 60%]

The built-in system reminded her.

Mula sa likod-bahay ay narinig niya ang komprontasyon. Napangiti ang Datu, parang tigre ang asawa kung magalit. Sabagay, una pa lang naman nilang pagkikita'y iyon agad ang bumungad sa kanya.

Ah, hindi niya alam kung bakit siya nangingiti at may haplos sa kanyang puso.

May kakaibang sensasyon nang marinig niya ang galit na boses ng asawa na pakiwari niya'y mayroong kakabit na selos. It fluttered his heart.

He stayed in his position for several minutes before revealing himself.

Imbes na matuwa si Magda sa pagtaas ng status ng pagmamahal ng Datu sa female lead, nainsulto siya. How dare that character be elusive? Siya ang lumikha rito. She is the god who made him.

"Who's that woman?"

"Rikit. Do you remember?" Boy Buwesit answered.

Oh.

It seems that the ending is changed. Hindi pa dapat lumabas ang karakter na ito, sa pagkamatay niya dapat susulpot ang babae bilang taga-comfort na may itim na balak.

Medyo sinaunang kabit ang dating nito.

The Author's Rewritten DraftsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon