[iii]

117 9 0
                                    

[iii]

Matangkad, matipuno at pantay na kayumanggi ang kulay ng balat. Katamtamang maskulado ang kanyang katawan na kitang-kita sa suot niyang bahag. Parang nililok ang lalaki ng magaling na iskulptor. So, this is what the readers feel when they say they fall in love with a fictional character?

Both Magda and her alter ego were speechless seeing such gorgeous beauty of an ancient man. Bagay rito ang pangalang Kisig.

No wonder the female lead fell in love so easily... the other female lead, heto na naman ang paulit-ulit na magulong detalye na nasa katawan siya ng babaeng karakter...

Everyone gasped when the man knelt down on one knee with his sword almighty placed in front of her.

"Ati, bawal himatayin..." Boy Buwesit has a habit of pestering Magda in the most serious moment. "Bawal din ma-in love..."

As if.

Authors rarely fall in love.

Bakit mabibihag ang kanyang puso ng isang mortal kung kaya namang lumikha ng perfect leading man na sasambahin siya mula ulo hanggang paa?

Well, Magda did fall in love. It was a disaster.

"He's one of the male lead from your story, remember?"

Her attention was focused on the man in front of her. Deretso ang tingin sa kanya ng lalaki, mainit na dumadampi sa kanyang balat ang paninitig nito.

Kung hindi niya alam ang pakay ng Datu, baka hindi niya kayanin ang intensidad. Because the same sword place in front of her has pierced her heart before.

Ang pagbaba ng kampilan ay naghuhudyat ng pag-aalay ng buhay...

"Tanggapin nawa ang alay ko, hangga't pumipintig ang puso at dumadaloy ang hininga sa aking katawan, ikaw ang pag-aalayan ng buhay at dignidad. Ipapanalo ko ang bawat digmaan upang ika'y hindi mag-alala," Gumitak yata ang lupang inaapakan niya ng magsalita ang Datu. His voice was rasp and clean. Malalim at may awtoridad. Ang kanyang mga mata'y nanatili kay Magda. "Sa ngalan ng diyos at diyosa, sana'y suklian ang aking hiling na ikaw ay ikasal sa akin, Dayang Magda."

[Analyzing the male lead's love for the female character... Real love: 0% : Fake love: 101%]

Unang panahon pa lang pala, laganap nang mga paasa.

Lumapit ang aliping sagigilid kay Magda. Her eyes were urging her to accept the offer...

Of course, for their protection. They are the most vulnerable at this time. Baka lusubin sila ng ibang balangay. In the ancient times, it doesn't end well for women to be placed in any territory without protection a chieftain. Ganoon pa rin ang sistema daang taon na ang lumipas.

In her first draft, Magda agreed easily for the sake of protection... and her subjects.

Sumeryoso ang kanyang mukha, nagpakita siya ng tapang. "Pumapayag akong pakasalan ka sa ilang kondisyon..."

The Author's Rewritten DraftsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon