First semester namin ngayon at halos hindi magka undagaga ang mga students sa paghahanap ng room nila. Marami ang nagkalat sa aisle para makipag-kwentuhan, at ang iba ay parang may inaantay.
Hindi na nakapagtataka sapagkat unang araw pa lamang ng eskwela.
Marami akong naririnig na students about sa mga teachers dito, how will their semester end this school year, at ang iba naman ay puro patungkol sa loob ng room. Nahihilo ako kakahanap ng room namin hanggang sa makita ko si Allisha. Parehas naming sinalubong ang isa ‘t isa ng yakap at inabot niya ang artificial flower na regalo ng kapatid niya noong graduation namin, ngayon ko lang nakuha dahil nagmamadali kami during that time.
Pangatlong araw ko na ito sa school at hindi ko pa rin maiwang maiwasang manibago. I continued walking until I reached our room. Some faces are familiar to me, some are not. Umupo ako sa gilid—tabi ng bintana para maaliwalas at makakapag-isip ako ng ayos.
Mabilis lamang lumipas ang oras dahil puro orientation lamang at pakilala ang ginawa namin. Ni hindi ko mabilang kung ilang beses ba ako nagreklamo sa isip ko dahil sa paulit-ulit na pakilala bawat teachers na papasok.
Hindi kalakihan ang school namin although private naman ito. Pag pasok mo sa gate ay canteen na agad ito pag akyat mo nama 'y second floor at and dulong hagdan ay patungong third floor kung saan nandoon ang room namin.
Masyadong maingay ang room namin at ni-isa sa mga ito ay hindi ko magawang kausapin dahil pinangungunahan ako ng panic at anxiety. I took my phone inside my bag and started to type a message.
Wala man lang akong close dito.
Message sentMakipag-usap ka sa kanila.
Message receivedTaas-kilay akong tumingin sa mensaheng iyon. Isang taon ko siyang kasama noong junior high. Siya rin ang naiiyakan ko tuwing inaatake ako ng anxiety ko. Siya rin ang nagpapakalma sa 'kin, tapos ito ang matatanggap ko? Sana ay ayos lang siya.
Puntahan kita sa room nyo.
May gusto ka bang kainin?
Message receivedWala.
Wala ba kayong klase?
Message sentWala naman.
Message receivedKung hindi abala sa'yo, sige.
Room 413, third floor.
Message sentHindi ko na siya inintay mag-reply. Pinasok kong muli ang cellphone ko sa loob ng bag at umub-ob na lamang sa armchair. Ramdam ko ang pangingilid ng luha ko dahil hindi ko kinakaya ang ingay sa loob ng room. Sinasabayan pa ito ng paninikip ng dibdib ko dahilan para mahirapan ako huminga.
"Excuse, kay Maggie po." mabilis akong lumingon ng marinig ko ang boses niya. Pumasok na ito sa room namin at dumeretso sa pwesto ko.
"Okay ka lang?" tanong niya ng maupo sa tabing upuan ko. Hindi ko siya magawang sagutin bagkus ay sumandal ako sa balikat niya habang pinapakiramdaman ang sarili.
"Inaatake na naman ako." mahinang sabi ko habang nakapikit. Ramdam ko rin ang tingin ng mga lalaking nasa unahan ko.
"May dala ka bang tubig?" muling tanong niya. Hindi ko maiwasang matawa dahil sa tanong niyang iyon. Nang bumalik sa normal ang mundo ay nagtutubig ako, pero ng umayos na at wala nang covid ay nakikiinom na lamang ako sa tubigan ng mga kaibigan ko noon.
"Wala, hindi naman na ako nagdadala ng tubig."
"Oh. Inumin mo."
Kinuha ko ang inabot niya at saka ininom ito. Mabilis masyado ang oras ngayon kaya naman hindi ko maiwasang manibago. Hindi na ito tulad ng junior high na makakapag-saya ka pa kahit sobrang busy.
"Sabay tayo umuwi mamaya?" tanong nito bago umalis.
"Depende."
"May pupuntahan ka?"
Napaisip naman ako sa sinabi niya. Sa lagay kong ito mas gugustuhin kong mapag-isa pauwi kahit sanay na akong nasa gilid ko lamang siya tuwing uuwi kami.
"Hindi ko alam. Baka umuwi ako deretso." pormal na sagot ko. Nilingon ko siya at iyon na naman ang mukha niyang gusto akong ihatid.
"Ihahatid na kita." bahagya akong umiling dahil sa sinabi niya. Hindi maganda ang relasyon ko sa kanya, urong-sulong. It started when I confessed my feelings towards him. It becomes a roller coaster.
"Mapapalayo kana naman kaya huwag na."
"Dali na kasi."
"No."
"Dali na, please?" bumuntong hininga ako dahil sa pangungulit niya. Tumango na lang ako bilang sagot. Pumasok ang sunod na subject teacher namin kaya naman tumayo na ito.
"Hintayin na lang kita." aniya bago ito lumabas. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mawala ito sa paningin ko.
"Good morning, class. As of today, wala muna po tayong klase dahil orientation pa lamang. Papakilala ko lamang ang sarili ko. I'm your 21st century teacher, you can call me Teacher Bryan or Sir Bryan." pagpapakilala ng panibago naming teacher. Hindi ko na pinakinggan ang mga iba pang detalye tungkol sa kanya hanggang sa kami naman ang magpapakilala.
"I want you to introduce your name, hobby, talents, things you like and hate, and such. Simula tayo sa dulo." palihim akong napairap sa kawalan dahil doon. Tumingin ito sa akin at sinenyasan akong magsimula.
Malalim ang ginawa kong buntong hininga bago tumayo. "Good morning, I'm Amora Maggie Ruiz. I like sleeping and singing. My passion is to write a story whenever I feel sad or I'm inspired. I hate boys and noise. Thank you."
Muli ay nakita ko na naman ang tingin ng mga lalaki na nasa harapan ko. Nakakapagod tumayo at magsasalita para magpakilala. I hate the first week of school.
Nagpakilala ang lahat hanggang sa umalis na ang 21st century teacher at sumunod naman ang oral communication teacher namin.
“Why did you choose STEM?” ayan ang tanong ni Ma'am Erika. Bagot na bagot ako sa inuupuan ko habang pinapakinggan ang mga sagot nila.
“Pinili ko po ang STEM kasi yun po yung nanalo sa roleta.” sagot ng kaklase ko na nasa unahan. Napailing na lamang ako.
“Nakakatalino po pakinggan yung STEM, Ma'am.”
“For experience po.”
Nang mapatapat na sa'kin ay bagot akong tumayo. I looked to my teacher's eye before answering.
“I am born to be a STEM student, Miss.” walang halong pagmamayabang sagot ko. Nag kutyaan ang mga kaklase ko dahil sa sagot ko habang ang guro ay nakangiti sa akin.
“This week or next week ay start tayo sa discussion. Maggawa rin kayo ng gc for our subject. Goodbye, Gomez.” aniya at tuluyan na itong lumabas.
Kaunti na lamang ay paubos na ang pasensya ko dahil sa ingay. Dahil allowed sa school namin na magpalipat ng section before start ng school year ay hindi na ako magtataka kung magkakakilala na sila. Ang iba naman ay halata namang nakikipag socialize para ma-survive ‘tong school year na ‘to.
Lumabas agad ako ng room ng i-announce na pwede nang umuwi.
BINABASA MO ANG
Stranger With Memories
Non-FictionEveryone is scared to fall in love, just like me. I used to defend myself with my own trauma. I keep on pushing away people so they can't hurt me. But, when I was about to protect that man, I lost him. I'm a midnight rain. We started as strangers, e...