Hinanap agad ng mata ko si Jade at mabilis ko namang nakita ito. Lumapit ito at sinalubong agad ako para kunin ang bag.
“Kumusta?” tanong niya agad. Sabay kaming naglakad palabas ng campus.
“Ewan.” walang ganang sagot ko.
“Bakit naman?”
“Nothing’s new. Wala man lang ako makausap doon.”
“Bakit ba kasi hindi mo magawang makipag-usap sa kanila?” napalingon ako sa kanya dahil sa tanong na iyon.
Malalim ang ginawa kong buntong hininga bago sumagot. “Because of my social anxiety.”
“Sorry.” tugon nito kaya naman taka akong tumingin sa kanya. “For what? Wala ka naman kasalanan.”
“Wala naman.” inismiran ko lamang siya at nagpatuloy kami sa paglalakad.
“Dito na lang, thank you. Ingat.” ani ko ng marating ang mall dito sa'min. I can see his hesitation but he chose to remain silent. Inabot niya ang bag ko kaya naman mabilis ko siyang tinalikuran.
Mabagal ang bawat hakbang na ginagawa ko para makapag-isip. Nakauwi ako ng bahay at dumeretso agad sa kwarto para magpalit. Gutom man ay pinili kong matulog dahil sa pagod.
Nagising ako dahil sa alarm at doon ko napagtantong alas kwatro na ng umaga. Tamad akong bumangon at hinanda ang uniform ko. Hindi ko man lang nagawang kumain kahapon.
Nalipasan ako ng lunch at dinner, wow.
“Ma, alis na ako.” paalam ko at tuluyan nang lumabas ng bahay. 5:30am pa lang kaya naman medyo madilim pa. Muling lumutang ang isip ko habang naglalakad papuntang sakayan.
Panibagong araw na naman ‘to para sa'kin. Nakakapagod.
Nakarating ako ng school at ako ang nauna sa room namin. Bahagya akong napangiti dahil sa isip ko. Umupo ako sa upuan ko at umub-ob. Hindi ko namalayang nakatulog ako dahil naalimpungatan lamang sa ingay na paunti-onting lumalakas.
Mabilis lamang natapos ang araw na ito dahil wala naman kaming ginagawa. Natapos ang araw ko na wala pa rin akong kausap at kinakausap.
“Gutom ka ba?” tanong ni Jade habang palabas kami ng campus. Umiling ako kahit na ramdam ko na ang pagkahilo dahil sa gutom.
“Sure ka?” paninigurado niya kaya naman bahagya akong ngumiti sa kanya at tumango. Kita ko ang pag-aalinlangan niya ngunit hindi na sumagot.
Tahimik kaming naglakad tulad ng nakasanayan. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, dahil sa tuwing magkasama kami ay para akong nalilito sa sarili kong nararamdaman.
Bumalik ako sa ulirat ng hinawakan niya ako sa siko. Taka naman akong tumingin sa kanya bago lumingon sa daan, muntik na ako mabangga.
“Ayos ka lang?” may pag-aalalang tanong niya. Hindi ko siya sinagot at tumawid na agad ng walang sasakyan na nadaan. Hindi ko man kita ang reaksyon ay siguro akong nasaktan siya ginawa ko. Hindi ko na ito pinansin at dumeretso lang sa lakad. Ni ang hintayin siya ay hindi ko kayang gawin dahil para akong nasasakal na hindi ko maintindihan.
Tulad ng kinagawian ay parehas kaming tumigil sa mall at doon inabot ang bag sa akin.
“Ingat.” may bahid na panlalamig niyang sabi. Tinanguan ko lang siya bago tumalikod. Para akong lumulutang sa ere sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Isabay mo pa ang pagkahilo ko. Deretso ang lakad ang ginawa ko ng hindi tumitingin sa magkabilang gilid kung may daraan bang sasakyan.
BINABASA MO ANG
Stranger With Memories
Non-ficțiuneEveryone is scared to fall in love, just like me. I used to defend myself with my own trauma. I keep on pushing away people so they can't hurt me. But, when I was about to protect that man, I lost him. I'm a midnight rain. We started as strangers, e...