06

12 5 0
                                    

“Anong oras uwi mo ngayon?”  tanong ni Mama ng makarating ako sa sala.

“Baka 4pm po.” sagot ko.

“Hindi ka ba magbabaon?”

“Hindi na po.” dumeretso ako ng CR pagkatapos kong sabihin ‘yon. Mabilis lamang ang ginawa kong paggayak at umalis na. Habang nasa byahe ay pabigat ng pabigat ang pakiramdam ko. Mayroon sa loob na naghe-hesitate pumasok, at the same time ay kailangan dahil may practice kami. Wala ako sa sariling naglakad patungo ng school para ibaba ang bag ko. Naka-uniform ako ngayon habang ang sapatos ay 3 inch heels. 3rd floor pa ako kaya naman ng maibaba ko ang bag ay nagmamadali na akong tumakbo papuntang simbahan.

Habang natakbo ay nakasalubong ko si Jade at ang kasama niya na magkasabay pumasok. Bumagal ang takbo ko hanggang sa naging lakad na lamang ito. Hindi ko maiwasang mapahawak sa bandang dibdib ko habang mahinang sinusuntok ito dahil nahihirapan ako huminga.

Tangina, lagi kayong wrong timing kung dumaan sa harapan ko, leche.

Nakaramdam ako ng hilo kaya naman tumigil muna ako sa may plaza. Maling desisyon ang pumunta sa simbahan ng ganito ang lagay ko. Nahihirapan man ay nagsimula na ako ulit maglakad sakto namang naroon sila Kiel kaya naman doon na ako dumeretso.

Lumapit ako agad kay Kiel at yumakap sa kanya. Kasabay nito ang pagpatak ng luha ko na masyadong naipon. Hindi siya nagtanong kung anong nangyari, hinayaan niya lang ako umiyak sa balikat niya. Nang mahimasmasan ay bahagya kong inayos ang sarili ko. Kinuha ko ang liptint ko sa bag at inayos ang medyo maalon kong buhok. Ginawa kong salamin ang cellphone ko at ngumiti rito.

Sabay kaming apat pumasok sa school. Nag-uusap sila habang ako naman ay nahuhuli. Napapansin iyon ni Kiel kaya naman hinila niya ako papuntang gilid niya para makasabay sa kanila. Second floor sa kanila at third kami kaya naman nauuna sila sa'kin.

“Huwag kana umiyak. Una na kami, maya na lang.” habilin nito. Tumango sa kanya at muling yumakap bago lumihis ng landas. Sa fire exit na hagdan na ako dumaan dahil tapat lamang ng room namin iyon ‘pag taas.

“Huy, Maggie. Late kana.” bungad sa 'kin ni Ariel ng makapasok ako. Nginitian ko lamang siya at dumeretso na sa upuan ko. Nang makaupo ay malalim ang ginawa kong buntong hininga.

Suffer ka lang, Maggie. Mag-suffer ka hanggang makausad kana.

“Ayos ka lang?” nilingon ko si Adrian na kasalukuyang nagsusulat. Hindi ko alam kung anong sinusulat nito.

“Anong sinusulat mo? Wala naman pinapasulat sa'tin.” pag-iiba ko ng topic. Wala silang magagawa kung hindi ako okay, they can't change the situation though.

“Yung sa 21st century, hindi ako nakagawa. Ngayon ko din pasahan.” tumango na lamang ako sa sinabi niya. Nagpa-practice ang iba kaya naman lumapit ako kila Krish para maki-update sa script.

“Ayos na ba?” tanong ko ng makalapit sa kanila.

“Hindi pa, need pa revision.” sagot sa 'kin ni Krish.

“Ako na bahala mag-revise, pahingi akong access mamaya.”

“Sige. Thank you, Maggie!” nagkwentuhan sila habang ako naman ay nakikinig lamang. Wala akong ka gana-gana sa buhay ngayon. Daig ko pang nasa hukay ang isang paa dahil hirap makausad.

Pinanood ko lamang ang iba kung paano mag-practice. Kita ko rin mula sa pwesto ko ang inis na nalalatay sa mukha ni Cha dahil hindi maturuan ng ayos ang iba. Habang sila Kyla naman ay tinuturuan ang mga katabi na hindi makasunod.

“Hindi ka magpa-practice?” tanong ng kung sino.

“Mamaya.” maikling tugon ko. Next week ay magi-start na kami sa film kaya naman kailangan namin i-rush ang script. Madali lang naman sa 'kin ‘to dahil writer naman ako. Nasa wala akong sarili na sitwasyon ng lumapit si Gean.

Stranger With MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon