07 | LAST

14 5 0
                                    


Nagpunta ako agad sa tambayan pagkarating ko sa school. Nakita ko roon si Jade kaya naman inayos ko ang postura ko. Umupo ako sa vacant seat, malapit sa kanya.

"Bagay sa'yo." bungad ni Kiel.

"Bakit ka nagpa-short hair? Nagpa-wolf cut ka sana." sabi ni Joshwell.

"Di babagay, 'te." sagot ko sa kanya. Dumating sila Gab at tulad ng reaksyon ng iba ay nagtanong din kung nagpagupit ako. Hindi kami nagpapansinan ni Jade at alam na ng barkada yon. Lahat kami ay naka uniform.

Paalis na sana kami ng magtanong sa'kin si Joshwell. "Marunong ka mag-ayos ng necktie?"

"Mhm."

Naunang tumawid sa'min sila Jade kaya naiwan kaming dalawa ni Joshwell. Inayos ko ang necktie niya habang kita ko sa peripheral vision ko si Jade na nag-iwas ng tingin sa'min. Natapos kong ayusin ang necktie kaya naman tumawid na kami. Nauna na si Joshwell sa'min at laking gulat ko ng biglang atakihin si Jade sa puso. I was about to make a step when something just stopped me.

Sumandal ako sa may poste habang pinapanood sila Kiel kung paano asikasuhin si Jade na inaatake. Kasabay ng pagtingin ko sa mata niya ay siyang pagsalubong niya sa mata ko.

Kahit gusto kitang tulungan ay hindi ko kaya. Something's stopping me from helping you.

Ilang minuto akong nakatingin lang sa kanila hanggang sa inakay na nila Kiel na makatayo ito. Nauna akong maglakad sa kanila hanggang makapasok sa school.

"Una na 'ko." malamig na paalam ko sa kanila. Hindi na ako naghintay pa ng sagot bagkus ay pumunhik na ako sa room namin. Naabutan ko silang nagde-delivering kaya naman dumeretso ako agad sa kung saan sila nakapwesto. Dalawang araw ko tinapos ang script namin from adding some scenarios sa kulang na scenes to revisions.

Delivering of dialogues kami at ang isip ko ay nasa nangyari kanina. Patuloy akong binabalik sa pangyayaring 'yon kaya hindi ko maiwasang ma-distract.

"Kila Yanna tayo bukas." ayan ang bungad ni Gean. Masyadong malayo ang kila Yanna kaya kailangan ng meet up bukas. Sumang-ayon naman ang mga kasama namin kaya naman nagsi-uwian na kami pagkatapos. Masyadong boring sa school dahil puro practice lang ang ginagawa kaya kahit hectic ang schedule namin ay kailangan namin makatapos. May reporting pa kami next week sa KomPan at book binding sa Precalculus.

Dumaan ang sabado 't linggo at naka-shoot naman kami ng kaunti kaya may progress naman. Day by day ay nagkakaroon ako ng interaksyon sa mga kaklase ko, nagkaroon na rin ako ng kaibigan dito.

Patagal ng patagal ay natatapos na namin ang film although nagkaroon ng problema. December na ngayon at nakapag-perform na kami sa speech choir. May performance pa kami sa Genmath, report about sa inventor. Natapos namin ang dalawang performance namin at paunti-onti ay nakakahinga na rin.

Distracted ako sa mga nangyayari ngayon, hindi ko na rin iniisip ang tungkol sa kanya kahit na may ibang araw na hindi ko maiwasang isipin ang bagay-bagay na nagpapaalala sa'kin. Tuluyan kaming nawalan ng koneksyon, miski ang makausap siya ay hindi ko magawa. May isang beses pa na pumunta ako ng room nila para tumambay at siya mismo ang kumausap sa'kin kung kumusta na ba ako pagkatapos ng pangyayaring iyon ay hindi na naulit.

At least, I'm at peace. The burden is finally removed. Hindi ka naman bibigyan ni Lord ng pagsubok na hindi kakayanin. Masaya na siya sa iba habang ako ay patuloy na nagsa-suffer. May times na umiiyak pa rin ako, pero lamang ang saya ko. Maraming nangyari for the past month. Nakikita ko na lang ang updates sa kanilang dalawa through social media and I'm genuinely happy for the both of them.

"Kainis, Maggie. Ang ingay." ayan na naman si Jay P na nasa kabilang upuan. Gumagawa kami ngayon ng phylogenetic tree para sa biology 2. Kung noong first semester ay Biology 1 ay tungkol sa cell, ngayon naman ay tungkol sa evolution.

Stranger With MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon