05

13 5 0
                                    

Naging ayos ulit kami pagkatapos ng pag-uusap na ‘yon. Tulad ng nakagawian ay sabay kaming uuwi o di kaya'y nakatambay lamang, pero hindi ako natigil sa paghingi ng sign para iwan siya.

“Guys, ang deadline daw ng film ay December 15, while ang speech choir ay sa 7 tapos  ang P.E ay sa 13. Nir-rush na naman tayo.” announce ng president namin. Isa ako sa mga scriptwriters ng film namin kaya naiinis ako ng marinig ‘yon. Lumapit ako sa kanila at nakiususyo.

“Gean, pang ilan tayo sa P.E at Speech choir?” tanong ko sa president namin.

“Hindi ko pa alam, matagal pa naman kaya huwag na muna natin isipin.” sagot niya. “Nga pala, kumusta ang script?”

“Oks lang, kami ang kumustahin mo.” sagot ni Yanna. Siya ang unang person na nag-approach sa akin sa loob ng room na ‘to.

“Krish?”

“Ayos naman. Hindi pa tapos dahil inaayos pa namin.” natatawang sagot nito. Umalis na si Gean sa unahan at kami na lang ang naiwan nila Krish. Pinag-usapan namin ang mangyayari sa script. Bumalik ako sa likod ng dumating ang 21st century teacher namin.

Habang hindi pa nagsisimula ay lumipat si Gean sa likod kung saan ako nakapwesto.

“Mas okay pala sa likod, tahimik.” usal niya habang inaayos ang bangs. To describe her, she's competitive in any aspect. She's always slaying kaya hindi nakakapagtaka.

Tumango ako bilang sang-ayon. “Mhm. Peaceful saka kita mo lahat sa likod.”

“Nga pala, alam mo na ba?” biglang tanong niya. Wala kaming gagawin sa 21st ngayon kaya nagkwekwentuhan na lamang kami. Hindi ko alam kung bakit bigla ng bumigat ang dibdib ko, pero mukhang alam ko na ang sasabihin niya. Ilang beses ko na rin siyang nakikita na kasama si Jane kaya hindi ako magtataka kung ang sasabihin niya ay ang alam ko na.

“Wala na ba kayo ni Jade? Kasi nakakasama niya ‘yung kaibigan ko.”

Tulad ng dati ay hindi ko pinahalata na alam ko na. Ramdam ko na naman ang paninikip ng dibdib ko kaya naman umayos ako ng upo.

“Walang kami, ano ka ba.” biro ko ngunit nabigo akong gawin ko dahil sa boses ko.

“Totoo ba? Akala ko kasi kayo ni Jade.”

“Hindi.” mapait kong sabi.

Kung meron kami edi sana hindi masakit ng ganito, ‘di ba?

“Kailan pa?” tanong ko sa kanya.

“Isang linggo na rin yata. Nagulat nga ako e.” Tumahimik kami pareho. Tumulala ako habang iniisip ang sinabi niya. So, this is it, Maggie? All you need to do is to face it. Whether you'll be hurt or not, you need to face it.

Katulad ng nakasanayan ay sabay kami lumabas ni Adrian.

“Sasama ka ba sa simbahan?” tanong ko sa kanya. Tango lamang ang sinagot niya. Mula sa kinatatayuan ko ay kita ko si Jade at ang sinasabi ni Gean na kaibigan niya. So it's her? Bago ako, ay siya.

Napangisi ako sa sariling kong isipin. Sinong mag-aakala? Not a big deal though. Pumasok kami pareho sa simbahan at katulad ng dati ay umupo kami sa pwesto na madalas kong upuan.

Nagpakawala muna ako ng malalim ng hininga bago ako lumuhod.

You already gave me the reason why I should give up.  Harap-harapan naman po masyado, masakit. Pero, thank you po dahil kayo na mismo ang naglayo sa'kin sa kanya. Wala na po akong dahilan para mag-stay. It's time for me to suffer.

Mula sa pagkakaluhod ay umupo na ako. May practice kami sa P.E ngayon para sa finals namin kaya naman pumunta na kami sa gym para mag-practice. Masyadong nakakapagod ang araw na ‘to kaya naman ng makauwi ay humilata na agad ako sa kama.

It's time for me to say goodbye, huh?

Nagising na lamang ako sa alarm. Hindi ko namalayan na nakatulog ako kaya naman kahit pagod ay bumangon na ako para kumain dahil wala akong hapunan at lunch kahapon. Nagsimula akong mag-prepare para sa gagamitin ko ngayong araw. Pumasok ako sa CR at nagsimula maligo.

Bakit hindi mo sa 'kin sabihin? Hindi naman ako magagalit sa 'yo kung sasabihin mong pagod kana.

Natapos akong maligo kaya naman kinuha ko na agad ang strand shirt ko at pants. Tiningnan ko ang oras at 5:20 am na kaya naman kumuha na ako ng baon at nagmano sa magulang ko bago umalis. Nakarating ako sa simbahan bandang 5:50am na.

Tinapos ko muli ang misa tulad ng palagi kong ginagawa. Wala akong kagana-gana sa lahat dahil sa nalaman ko, pero wala akong choice.

You receive a message
Hindi ka pa ba papasok?

Ayan ang bumungad sa'kin ng magbukas ako ng cellphone.

Papasok na.
Message sent

Tumayo na ako at wala sa sariling naglakad patungong school. Busy kaming lahat sa finals at dahil wala nang klase ay puro delivering at practice ang ginagawa namin.

“Gean.” tawag ko sa president namin na kaibigan ko rin.

“Bakit?”

“Pwede ba itanong mo sa kanya?” nagaalinlangang pabor ko sa kanya.

“Yun ba? Sige.” nakangiting sagot niya. Nakahinga naman ako ng maluwag kaya bumalik na ako sa pwesto ko kung nasaan sila Yanna.

“Ano ba plano?” si Krish

“What if gawin nating patayan na medyo comedy?” Yanna

“Huwag. Patayan lang, deserve nila mamatay.” sabat ko habang tinatanggal ang sapatos.

“Huy! Gusto ko yan, Maggie…” nakangiting sabi ni Krish habang nakahawak sa kamay ko.

Patuloy kami sa pag-uusap nila Krish tungkol sa aming film dahil malapit na rin kami mag-start. Natapos ang lahat ng gawain sa school kaya naman ng uwian na ay dumeretso na ako ulit sa simbahan. Hindi ako nagtagal doon dahil nakita ko sila Kiel na naroon sa tambayan. Lumapit ako sa kanila at tulad ng nakasanayan ay yumakap ako rito at nag fist bump sa iba.

“Mukha kang stress, STEM pa.” pang-aasar niya. Umiling naman ako bilang sagot. Dahil sa kaibigan nyo ‘to kaya ako ganito.

“Masaya naman sa STEM, ‘te. Depende na nga lang sa magiging teacher mo kung paano gagawing miserable ang buhay mo sa strand na ‘to.” walang ganang sagog ko. Nauubos ang energy ko kaka-socialize ngayon.

“Bakit ka ba nag-STEM?”

“Noong grade 7 pa man ay STEM talaga ang kukunin ko, planado na. Align sa course na kukunin ko e.”

Nanahimik ako pagkatapos kong isagot ‘yon. Inihilig ko ang ulo ko sa balikat ni Kiel habang nakapikit ang mata. Napapagod na rin ako sa sitwasyon na mayroon ako. Sabay kaming umuwi ni Aaron ng mag-aya siya, naiwan pa roon ang iba.

“Kumusta kayo ni Grace?” tanong ko sa kanya. Si Grace ay kaklase nila na sa pagkakaalam ko ay M.U ang dalawang ‘to.

“Okay naman, kayo?” sagot niya sabay balik-tanong. “May kinikita na si Jade, ah? Alam mo na ba?”

“Mhm. Si Jane. Dati niyang gusto ‘yon, kung baga bago ako nauna ‘yon.” walang interest kong kwento sa kanya.

“Agawin mo.” biro niya. Hindi ko na siya inimikan pa. Natahimik kaming parehas hanggang sa makarating sa paradahan namin.

“Ingat ‘te!”

“Ingat rin.”

Nakarating ako sa bahay na walang gana. Bumibigat na rin ang ulo ko dahil sa pagod kaya naman dumeretso na ako sa kama para matulog.

Stranger With MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon