AUTHOR'S NOTE:
This part is made of my imagination while the flashbacks are part of real-life events. It was mixed.“Grabe, ang tragic ng kwento nyo ‘no?” komento ni Reia ng matapos ako sa pagkwe-kwento sa kanya sa huling love life na tinahak ko. Bahagya akong natawa dahil sa sinabi niya.
“Kung alam mo lang pinagdaanan namin na literal ay baka masiraan ka ng ulo.” dagdag ko. Dalawang taon na rin ang lumipas, pero hindi ko alam kung paano uusad.
Tumango-tango siya habang nangalumbaba. “Girl, pero alam mo, pareho kayo may mali.”
I genuinely smile at her. “Alam ko. I've been dealing with my trauma ever since habang siya naman ay problemado sa buhay. But…”
Huminto ako bago inalala ang mga nangyari sa'min.
“But?”
“He always treated me right. Parehas kaming toxic, pero hindi ko alam kung alam niya yung kanya.” nakangusong sabi ko. I'm aware of my own toxicity that moment kaya nga mas gusto ko siyang mapunta sa iba.
“Mhm. Pero, sobrang red flag mo that time. Girl, green ka na pula.” sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niyang iyon bago umiwas ng tingin.
“Kaya nga hinayaan ko sa iba e. Bopols.” singhal ko sa kanya. Bahagya itong natawa sa inasal ko kaya naman sumimangot ako.
“I never saw what you've been through, but hearing your story… I'm so proud of you.” I looked at her and she smiled at me, genuinely. “I mean, you always prayed for that person, for his own sake while you were the one that needed those prayers. Ikaw ang laging naiyak, isa ka sa nahihirapan, pero yung dasal mo para sa kanya pa rin.”
Hindi ko maiwasang maluha sa sinabi niya. Up till now, I'm still praying for his happiness. Hindi ko alam kung anong update sa kanila, I created another account where in there's no name of him.
“Pag ako umiyak, kasalanan mo.” naiiyak na biro ko sa kanya. Lumapit ito sa akin at binigyan ako ng mahigpit na yakap.
Reia becomes my one call away friend. She's always there when I am about to break down and when I need someone's comfort. Hinatid ako ni Reia sa bahay namin at nagpaalam agad. Humiga ako at kinuha ang black note ko na naglalaman ng mga nangyayari sa araw ko at tungkol sa kanya.
Today is a memory day. I recall those days when I'm with him. Naging ayos naman ang araw ko ngayon dahil si Reia ang kasama ko. Kumusta na kaya siya?
Ibinalik ko sa lagayan ang notebook ko iyon at humiga na. We're in college now. I'm currently taking a psychology course, but my heart will always choose the BSN course. Papunta ako ngayon sa bahay ni Reia ngayon para magpalipas ng araw. Habang naglalakad ay may nakita akong mga partner na harapan na magkayakap. Hindi ko maiwasang magbalik-tanaw sa nakaraan.
Kakatapos lamang ng exam namin at dumeretso ako agad sa tambayan namin. Kanina ko pa gusto umiyak dahil may nangyari sa loob ng room. Nakita ko agad si Jade roon. Yumakap muna ako kay Kiel at Allie habang nakipag fist bump sa ibang kasama. Kumuha ng upuan si Jade at pinwesto ito sa tabi niya kaya naman umupo ako agad.
Hindi ko na kayang pigilan ang emosyon ko kaya naman umub-ob ako agad sa hita niya at doon umiyak.
“Anong nangyari? Bakit ka umiiyak? May nangyari sa'yo?” nag-aalalang tanong niya. Hindi ako nagsalita kaya naman pinilit niya akong iharap sa kanya. Wala na akong pakialam kung nakatingin sa'min ang barkada, kailangan ko mailabas ‘to.
Iniharap niya ako sa kanya kaya naman tumungo ako para hindi niya nakita ang mukha ko. Magkaharapan kami kaya naman iniyakap niya ako sa kanya. Ipinulupot ko ang dalawang braso sa leeg niya at sumiksik para umiyak. Ang dalawang kamay niya ay nasa bewang ko habang inaalo ako.
BINABASA MO ANG
Stranger With Memories
Non-FictionEveryone is scared to fall in love, just like me. I used to defend myself with my own trauma. I keep on pushing away people so they can't hurt me. But, when I was about to protect that man, I lost him. I'm a midnight rain. We started as strangers, e...