Alas nuebe na ng gabi at patuloy pa rin sa pagtugtog ang kanta ni TJ na Dating Tayo. Hindi ko maiwasang magbalik-tanaw sa nakaraan na maayos kami. Na kaya ko maging ako sa harap niya.
Message received
Okay ka lang?
Umiiyak ka na naman ba?
You'll be okay.I will never be okay.
Message sentKasabay ng pag-send ko ay siyang pagtulo ng luha ko. Hindi ko maiwasang umiyak sa mga mangyayari. Walang may kasalanan, pero hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko dahil hindi ko magawang maibalik ‘yung deserve niya.
If pushing him away makes him better, then I'll do it even if it makes me hurt and broken.
Message received
You will.Sunod-sunod ang pagtulo ng luha ko, ni ang tingnan at basahin ang mensahe niya ay hindi ko magawa dahil sa emosyon na inilalabas ko.
You don't deserve me. You deserve someone else. I can't be better, I don't know how to be better.
Bakit kailangan ko masaktan? Ang hirap-hirap buksan ng puso sa ibang tao na ang intensyon lang naman ay mahalin ka.
Kahit gaano katagal, maghihintay ako. Hihintayin kita.
Ito ang huling nasa isip ko bago ako makatulog.
Hanggang kailan mo kaya maghintay?
Dalawang araw na ang nakalipas simula noong nag-breakdown ako. Dalawang araw ko na rin siyang iniiwasan. Dalawang araw na rin akong humihingi ng sign kay Lord. Kung noong nakaraang araw ay madalas kong hilingin sa Kanya na kahit anong mangyari ay kami, ngayon ay humihingi na ako ng sign kung sa anong dahilan ko siya iiwan.
5:30am ng umaga ngayon at tuwing umaga ay may misa. Pumasok ako sa loob ng simbahan at umupo sa madalas kong pwesto. Ibinababa ko muna ang bag ko bago lumuhod kasabay nito ang pagbigat ng puso ko.
Malalim ang ginawa kong buntong-hininga bago ko Siya kausapin muli. Paulit-ulit ang dahilan kung bakit ako nandito, palayain siya dahil hindi ko kayang ibigay ang kailangan niya.
Lord, nandito na naman po ako ulit, lumuluhod. Hindi ko na po talaga alam kung anong gagawin ko. He deserves a lot of love, he doesn't deserve this kind of bare minimum. Humihingi po ako ulit ng sign, Lord. Kahit anong sign na magiging dahilan para layuan ko na siya ng tuluyan. Alam ko pong binibigay nyo na, pero hindi ko lang talaga binibigyan ng pansin—hindi ko pa kaya.
Muli akong bumuntong-hininga ng malalim dahil ramdam ko na ang pag-init ng mata ko.
Walang katapusang luha.
Ilang buwan na rin ang nakalipas— may kaibigan na ako sa room, nakakausap. Malapit na ang finals namin kaya naman madalas akong mah ditch ng klase namin. Hindi ko alam, pero nawalan ako ng gana sa lahat.
Natapos ang misa ng wala ako sa sarili. Nakaupo lamang ako roon habang nakatingin sa altar. Napahawak ako sa uniform ko dahil nahihirapan na naman ako huminga kasabay nito ang pagpatak ng luha ko.
Sobrang sakit, ang sakit. Kahit saang anggulo man tingnan hindi talaga pwede.
Maraming rason para isuko siya na kahit hindi ko gusto ay kailangan dahil may mga bagay na kahit gustuhin man naming ipilit ay hindi pwede. Magkaiba kami ng relihiyon, hindi ko kayang may magpa-convert ang isa sa'min.
Inilabas ko ang phone ko at nagtipa.
May teacher na ba?
Second sub na ako papasok.
Umiiyak na naman ako rito.
Message sent
BINABASA MO ANG
Stranger With Memories
Non-FictionEveryone is scared to fall in love, just like me. I used to defend myself with my own trauma. I keep on pushing away people so they can't hurt me. But, when I was about to protect that man, I lost him. I'm a midnight rain. We started as strangers, e...