CHAPTER 21

38 9 6
                                    

JESS

Magaan na magaan ang pakiramdam ko ng magising ako. Naghikab pa ako saka nag-unat ng mga kamay.

Sa mahigit isang linggo na pananatili sa bahay ng nobyo ko magigising ako tuwing umaga na wala siya sa tabi ko dahil nagluluto ito ng umagahan namin o kaya naman ay nagbabasa ng libro para sa preparasyon niya sa kolehiyo. Parang reyna ang turing niya sa akin dahil ‘ni ayaw niya akong pakilusin ng mga gawaing bahay.

He insisted that I should take it as my vacation instead and seems that was exactly what was happening.

Pagkalabas ko ng silid masigla akong pumunta sa kusina. Si tita ang naroon at may kung anong inaayos sa ibabaw ng lamesa. I looked around and I wasn't able to traced what my eyes were looking for.

“Tita, good morning po,” lumapit ako sakanya at napansin kong tupper ware ni Grey ang inaayos niya. Puno iyon ng pagkain.

She looked at me and smiled genuinely. “Darling, tara at sabay na tayong kumain.”

Bahagyang kumunot ang noo ko ng hindi parin nakita ng mata ko ang hinahanap. Nakuha naman ni tita ang nasa isip ko dahil bahagya itong napangisi.

“Hindi ba nasabi sayo ni Gabriel na enrollment nila sa Maharlika ngayon?” She slid the tupper ware in a thick brown paper bag.

Agad akong napa-isip. I have an idea that he'd process the enrollment anytime soon pero parang kay tita ko rin naman narinig iyon noong unang araw ko dito. She even mentioned that Grey should tell his friends that Alex or aka Alexis would come with him to Maharlika.

“Ohhh,” bahagya akong natawa, “Siguro po nakalimutan ko lang. He should have woke me up para nasamahan ko sana,” I replied.

Itinabi ni tita ang paper bag saka umupo na. She patted the vacant chair beside her so I wasted no time and settled myself beside the lovely woman.

“Masyadong nagmadali nga, naiwan tuloy yung pinapa-baon ko,” nilapag niya ang plato at kubyertos sa harapan ko, “sabi ko baka abutin sila ng hapon sa dami ng estudyante kaya dapat may pagkain siyang dala,” nagsandok na siya. Sumandok narin ako sa mga nakahain.

Masyado naman akong reyna kung ituring ni Grey at ni hindi ako inabala sa pagtulog kung nais niyang magpasama sana. Alam kong mabilis siyang mabagot sa mga ganoong proseso kaya gusto niya ng may nakakausap.

“I can bring the food to him po,” boluntaryo ko.

Napahinga ng maluwag si tita na parang nabunutan ng tinik. “Jess, thank you,” sumilay ang ngiti sa labi niya. “If you can please…kay mama Elise sana pero umuwi lang saglit sa kanila at may emergency raw. I have plenty of deliverables that I need to work on today so I was worried na hindi ko maihahatid ‘to,” nilingon niya ang paper bag sa gilid ng ginintuang lamesa.

“For sure tita, I wanted to be there too baka boring na ‘yun.”

Sabay kaming natawa ni tita marahil alam niyang bugnutin talaga ang anak niya.

Nag taxi nalang ako para hindi ako mainitan. I even wore a plain shirt and pants just to make sure na hindi ako ipagtatabuyan ng guard sa university if I wear something that would violate the institution.

Nang tanungin ako ng guard kung ano ang pakay ko ay dinahilan ko nalang na isa ako sa mga aplikante sa unibersidad upang masiguradong makakapasok ako.

I texted him that I was here. He must have been in a line up because I haven't received a reply from him.

Nagtanung-tanong narin ako kung saan ang designated venue sa enrollment for Legal Management. Sa luwag ng unibersidad halos kinse minutos akong naglakad sa itinuro sa'kin ng isang aplikante.

The Parallel Red StringsWhere stories live. Discover now