CHAPTER 37

20 7 0
                                    

WARNING: R-18

JESS


Lumayag ako ng malaya. Isang maliit na bangka sa malawak na karagatan. Walang takot na sinuong ang malalaking alon sa hamon ng buhay.

May mga pagkakataong tumaob ang bangka. Sumabay sa pag-iyak ng dagat pero hindi ko hinayaang lumubog ng tuluyan.

Sa paglayag ng matapang na bangka ay hindi ininda ang lahat ng pait at takot sa kung anumang mayroon sa kailaliman ng mabagsik na karagatan.

Hanggang sa narating ko ang dalampasigan…

Alam kong hindi rito natatapos ang paglalakbay sapagkat ang buhay ko ay hindi mananatili sa pag-abot ko sa marikit na dalampasigan. Kailangan ko muling makipaglaban para marating ang kagubatan... kung saan maaabot ko ang tuktok ng tagumpay.

“We are so proud of you,” Dad said with teary eyes. He waited for me to climb down the prestigious stage.

“Dang it!” Ferdinand rested his left hand on my shoulder and he acted like he saw a ghost. “Your resemblance with me is scary...”

“You looked like me, I was born first,” I corrected him and rolled my eyes.

He just laughed at me. “Congratulations, Kuya.”

Ang prinsesa sa buhay namin ay tahimik lang na nakatingin sa akin. Mukhang malaki parin ang pagtatampo sa akin dahil binuking ko siya kila Dad na nakipag-date siya kahapon sa Amerikano niyang nobyo.

Bahagya akong lumapit sakanya. “Seems somebody is not happy that I just earned my Master’s degree in Psychology,” umarte akong nagtatampo.

Matigas talaga siya at marahang tumalikod. Dad and Ferdinand cachinnates in chorus.

Ako ay mas lalong naiinis. Hindi ako natutuwa sa pagka-bugnutin ng babaeng ‘to! Napaka-arte!

“I'm mad because you're not coming with us again in our vacation in the Philippines!” Hinarap niya ako. “Don’t you miss, Mommy?” Arms were still crossed against her breasts.

Aba-aba! “Stop your tantrums, you're not a baby anymore.”

Totoo iyon. Hindi ako umuwi ng Pilipinas simula ng tumuntong ako rito sa Estados Unidos. Hindi naman na kailangan at abala ako sa pagpapakagaling sa sarili sa kolehiyo. Nang makamartsa ako sa kolehiyo ay agad akong nagtrabaho. Dalawang taon ako nagpakasasa sa trabaho. Sa ikatlong taon ko sa kompanya ay sinabay ko na ang pag-aaral ko sa Masters kaya mas lalo akong naging abala.

Pitong taon akong nagsunog ng kilay.

Mayroong katotohanan ang akusa niya sa akin. Hindi ako nangulila kay Mommy. Hindi ko kailangang umuwi ng Pilipinas para dalawin ang puntod niya. Hindi ko siya kinaulilaan.

Paano iyon mangyayari kung araw-araw ay ramdam ko ang presensya niya? Siya ang inspirasyon ko sa bawat laban ko at pakiramdam ko ay kasama ko siya hanggang ngayon. Ang pagmamahal niya ay araw-gabi kong nadarama. Ni katiting ay hindi nabawasan ang pagmamahal niya sa akin. Kasama ko siya mula umpisa at alam kong sa mundong walang kasiguraduhan siya lang ang panghahawakan ko na sigurado na hindi niya ako iiwanan.

Wala man siya sa pisikal na anyo ngunit ang pagmamahal niya ay nanatili sa sistema ko. Hindi na ako nangulila. Posible pala ang ganoon.

Inakbayan ko nalang ang babae, buti nalang ay hindi siya umangal. Nauna kaming naglakad palabas ng unibersidad.

Sumunod ang mag-ama sa amin hanggang sa makasakay kami ng van.

Dumiretso ako sa likod dahil doon naman palagi ang puwesto ko katabi si Dad.

The Parallel Red StringsWhere stories live. Discover now