CHAPTER 38

22 6 0
                                    

JESS


“After my trip to Pennsylvania, I'll follow,” he reassured me.

“Okay,” tipid kong sagot.

“Take care.”

Binaba ko na ang tawag at binulsa ang cellphone.

Nagsimula ulit akong mag-impake ng mga gamit ko at pasalubong para sa mga kamag-anak at kaibigan sa Pilipinas. Naiinis nga ako't ang dami-dami naming dala.

Narinig ko ang malalambing na yabag tungo sa puwesto ko. Nakasiwang ang pintuan kaya alam kong hindi kakatok ang papasok doon. Alam kong siya iyon kaya nagkunwari akong hindi ko napansin ang pagpasok niya.

Nanahimik siya ng ilang minuto pero hindi rin nakatiis. “Napilitan ka lang siguro?” Bakas parin ang American accent niya.

Pinilit kong hindi siya asarin sa pagsasalita niyang tunog imported. “Wag mo nga akong kausapin ng Tagalog,”  I zipped the luggage after I sorted out everything there.

“Whatever.” Marahas siyang umupo sa kama ko. “I’m sorry, okay? I was just pissed off… that you said it to them.”

“We have the right to know who's you dating, Victoria,” I faced her. “You should be grateful that we aren't being Asian to you, we are not prohibiting you from dating at your tender age,” pagpapaintindi ko. “The least you can do is to just let us know who the guy is.”

Instead of muttering a word what she did next made me stiff a bit. I was relieved.

With her warm hug, I knew she understood what I said. She has been always the sweetest.

Ako ang nagmistulang nanay nila at lahat ng pangaral sa'kin ni Mommy noon ay ipinapasa ko sakanila at pinapaalala ang mga iyon kung kinakailangan. Ferdinand and Victoria are growing responsible and respectful.

The only thing I added to the recipe is for them to be tough. Tough enough to defend themselves. To not let anyone take advantage of their kindness. To fight back if needed.

Hindi kailanman masama ang lumaban kapag nasisiil na.

“I love you, Kuya,” her hug gets tighter. “Ipasyal mo kami sa Philippines ah.”

“Ayun, kaya pala naglalambing ang gaga,” inabot ko ang pisngi niya at hinalikan. “Wanna date a Filipino guy?”

Umaklas siya sa pagkakayakap sa pagkagulat. “Great idea!”

Ako naman ang nagulat sa sagot niya. “What? You're dating–·”

“At least, I told you about my new plan.”

“Victoria!”

We laughed in chorus but deep within I was hoping that she was joking.

Huwag naman sana siyang magmana sa akin na medyo… malandi.

Sa huli tinulungan niya akong ayusin ang mga iba pang gamit. We talked about our plans; what to eat, where to go, and random stuff we would try in the Philippines.

I am as excited as her.

“Bakit ba hindi mo sinabi agad?!” Sigaw ng babae sa kabilang linya. Naglalaro ang utak ko dahil nakikita ko ang mukha niya na parang dragon na umuusok. “Bading ka talaga!”

Tumawa ako ng malakas kaya napalingon sa'kin ang mga kapatid ko at si Dad.

Sa tingin ko ay napipikon na sila sa kaingayan ko dahil pare-pareho kaming wala pang tulog.

Nasa hotel kami ngayon at dito muna mamamalagi dahil pinapaayos at pinapalinis ‘raw ng maigi ang bahay namin sa Arpettas Village. Bihira lang din kasi tumao sina tita Christy roon dahil kahit sakanila namin kinatiwala ang bahay ay hindi naman sila doon nanirahan ng tuluyan dahil may malaki rin silang bahay na dapat alagaan.

The Parallel Red StringsWhere stories live. Discover now