CHAPTER 22

47 9 8
                                    

WARNING: R-18

JESS

Hindi ko sinindihan ang mitsa ng dinamita dahil sa oras na ibato ko iyon sa malinaw na tubig, malalason ang mga metaporang isda sa loob ko at maaaring mamatay ang kasiyahan. Ang usok ng dinamita ay maari ‘ring kumawala at maglakbay tungo sa taas na maghahasik ng lagim sa maliwanag na langit at pagsakluban muli ako ng kadiliman.

Pilit ko mang i-ignora subalit ramdam ko ang pagbabago sa pagitan namin ni Grey. Madalas akong tahimik kaya hindi rin siya makapag umpisa ng usapin o kahit biro. Palagi siyang nakatingin sa akin at parang may gustong sabihin.

Something was off since that incident at the university.

Aside from that, nothing has changed. He's still the Grey I know. Loving, caring, and protective. He must be a little quiet and out of touch in reality sometimes but I know that it was because of me. He was just adjusting.

Ako ang nagbago. Kahit pinilit kong kalimutan ang nangyari may parte sa akin na gusto ko sanang tanungin siya. Gusto kong marinig mula sakanya ang panig niya. Nais kong sabihin niya na hindi niya iyon sinasadya. Na abala lang siya noong araw na iyon. Pero nilalamon ako ng takot. Ni usok ayokong idapo sa mitsa. Mitsa na tutupok sa aking diwa kapag inabot nito ang dinamita at sumabog ang katotohanan.

Ginabi ng uwi si Grey kahapon dahil iyon ang pinal na proseso sa enrollment. Halos tatlong araw niyang inasikaso iyon kaya sina tita Alhena at mama Elise ang nakakasama ko dito sa bahay nila. Madalas nasa lanai lang ako o nakakulong sa kwarto ng nobyo.

Nakayakap siya sa akin habang malalim ang tulog. Puyat siguro at pagod sa pag-asikaso ng mga pinal na dokumento kahapon. Sa medical process ko nga lang siya nasamahan kahapon dahil sa sobrang haba ng pila ay pinauwi na niya ako at gusto ko rin iyon dahil sa pagod na naramdaman.

Matamnan kong tinitigan ang mukha niya. I was just adoring him when we were on the 11th grade. Ngayon, nobyo ko na talaga siya.

Today is our 10th monthsary. I just wanted to feel him now for the rest of the day even if throughout the night our embrace didn’t even lose.

Umusog ako ng marahan para tapatan ang mukha niya. Malambot kong hinalikan ang ilong niya, ang pisngi niya at ang mapula niyang labi.

Nag-uumapaw ang emosyon ko ng gawin ko iyon. Aaminin kong marami akong haka-haka, negatibong prediksyon at tampo sa lalaki pero ang pagmamahal ko ay masidhi.

Ang pasasalamat sa kaibuturan ng puso ko ay kalabisan na para bang kahit anong gawin niyang kasalanan sa akin ay kaya ko siyang patawarin. Paglayuin man kami ng kapalaran, ang pagibig ko ay mananatili sa himpapawid at tatanawin siya sa milyang layo.

Sa kalabisan niyon ay kaya kong tanggapin kung sakaling hindi ako ang kaniyang dulo. Ipagpapasalamat ko parin na minsan kong naranasan ang mahalin at magmahal sa kabusilakan ng damdamin.

Gumalaw si Grey at sumilay ang matamis na ngiti sa labi. “I-isa pa,” sabi niya sa garalgal na boses habang nakapikit. Ngumuso siya na parang nanlilimos ng halik.

I didn’t have a second thought as I kissed him again. Our lips met each other between the purity of love.

“Happy monthsary,” he whispered in the middle of our kissing. His eyes still shut while giving me passionate kisses.

The Parallel Red StringsWhere stories live. Discover now