CHAPTER 34

20 7 0
                                    

WARNING: blood

JESS



In the murky of life, I'll have to release the heart from the chain….

On the fifth day of locking myself in the four corners of my anguish room, I've had enough.

For days I've tried to ease the pain but it didn’t make any change… any good.

The pain remained as severe as that night of misery. Kailangan kong pakawalan ang puso sa kadenang sakit na ito at mangyayari lamang iyon kung ako mismo ang aalpas. Ako mismo ang dapat gumawa ng paraan.

I need to fix myself. I have to be strong. Kailangan kong may mapagkukunan ng sariling salapi kung nais kong ilayo ang sarili sa sarili kong ama na pinagsinungalingan ako sa mahabang panahon at para maibalik ang aking ina pabalik dito sa Pilipinas.

Kumirot ang dibdib ko ng maisip na kailangan ko muna talagang ihinto ang pag-aaral dahil alam ko ang sariling kahinaan ko. Hindi ako sanay magtrabaho habang nag-aaral at sa mga gastusin araw-araw ay hindi biro. Kailangan ko pang ipagamot si Mommy.

Kahit walang kasiguraduhan sa mga sunod na hakbang ay inayos ko lahat ng mga dokumento ko. Dagli akong nakagawa ng resume mula sa laptop.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay sinilid ko ang mga kinakailangang papeles sa paghahanap ng trabaho sa isang mahabang kayumanggi na envelope.

Bago ako lumabas ng silid ay pinasadahan ko ang sarili sa salamin. Nawala na ang pamumugto ng mga mata ko at napalitan iyon ng matinding determinasyon. Handa ng kumalas sa kadena upang malayang lumayag sa malupit na mundo.

Sinalubong ako ni tita Christy na lumiwanag ang mukha ng makita akong nakaayos. Tila nakakita siya ng milagro sa paglabas ko ng kwarto.

Pumitik ang puso ko ng makita ang pagkakahawig nila ni Mommy. Lalo na noong masigla pa ang pangangatawan ng aking ina.

Pagkaalis ng bahay ni Grey kahapon ay doon lang ako kinausap ni tita Christy na bumalik na si Mommy sa Dubai at inaasahan nito ang pagsunod ko palabas ng bansa.

“San ang punta mo? Kumain kana muna,” tipid siyang ngumiti. Hindi ko alam kung namalikmata lang ako pero ramdam ko na sa likod ng ngiti niya ay may nakakubling kakaibang sakit.

“Good morning po, tita.”

Sabay kaming nag-umagahan. Hanggang sa natapos kami ay kapiling namin si katahimikan. Ramdam ko ang kakaibang hangin sa pagitan namin.

“Hindi m-mo pa ba binubuksan ang telepono mo?” Hindi ko mawari kung ano ang nais niyang iparating. “Tumatawag ang papa mo kahapon pa.” Pagkasabi ni tita tungkol doon ay kumawala ang maraming luha mula sa mata niyang hindi na kayang magpigil sa kung anumang sakit ang bumabalot.

Mabilis siyang tumayo at tinalikuran ako. Tinalunton niya ang lababo at naghugas ng pinggan habang pupungas-pungas ang mga balikat.

Niyakap ako ng malagim na hangin at biglang gumalaw ang puso ko na pinapatay ang sariling sistema sa hindi maintindihang sakit.

Agad akong tumakbo paakyat. I immediately press and hold the power button of my phone as if it were a ticking bomb that I didn’t want to explode. As the screen of my device turned back on my hands began to tremble while I navigated through my contacts.     

Pinindot ko ang number ni Mommy at tinawagan iyon. Tatlong ring ay saka may sumagot. “ ‘mmy?”

Sa paghagalpak ng hagulgol ng lalaki sa kabilang linya ay tuluyan akong nabaliw sa mga prediksyon ng utak ko. “Nasaan si Mommy, hindi ikaw ang gusto kong kausapin!”

The Parallel Red StringsWhere stories live. Discover now