CHAPTER 27

33 6 24
                                    

JESS

Nagising ako sa bango ng niluluto. Binabalot ang ilong ko ng amoy sinangag na masarap.

Ramdam kong hirap na hirap ang mga mata kong dumilat. Ang ulo ko ay parang buko na pwede nang mabiyak anumang oras. Sobrang kirot ng buo kong katawan.

Mas sumidhi ang bigat ng ulo ko ng umupo ako sa sala na hawak ang ulo. Sinubukan kong hilutin ang sentido pero wala iyong naitulong.

"Gising na ang anak ko!" Malambing at nakagagalak na bati ng babae.

Napalingon ako banda sa may kusina at nakita ko siyang suot ang damit ko na halos abot hanggang tuhod niya at suot niya rin ang shorts ko.

"Bwesit ka," hindi ko magawang sigawan siya dahil sa sakit ng ulo ko.

"Breakfast is ready my precious child."

"Tumigil ka nga, Jaysiree!"

Sunod-sunod na hagalpak na tawa ang narinig ko mula sa babae. Teka nga, bakit parang wala siyang hangover? Samantalang mas malakas yung tama niya kagabi.

Sabagay, ikaw ba naman gawing bahay ang club masasanay talaga.

Kahit puputok na ang ugat ko sa ulo ay nagawa ko paring tumayo at maglakad. Imbes na sa kusina dumiretso ay awtomatikong naglandas ang mga sabik kong paa sa labas ng bahay.

Nalaglag ang puso ko at nawasak iyon sa loob dahil walang... paper bag ngayong umaga.

Wala ang paper bag na may lamang mga masasarap na pagkain na siya mismo ang nagluluto. Pagkaing kahit doon man lang ay ramdam ko ang busilak na pagmamahal niya. Na ako ang pinaka-importanteng tao sa buhay niya kapag nalalasap ko ang sangkap na ginamit niya.

"Hoy!" Hindi ko namalayang sinundan pala ako ng babae. "Ginagawa mo diyan ah, let's eat na!"

"Wala," tamad kong sagot at pumasok nalang muli sa loob.

Sabay kaming kumain ni Jaysiree. Nagtimpla nalang ako ng paborito kong tea at pinatakan ng lemon at honey para maibsan ang hangover ko.

Napapangiti nalang ako sa mga kuwento ni Jaysiree na para bang wala siyang ginawang karumaldumal kagabi sa akin ng sukahan niya ako!

Hindi ko na iyon isinumbat dahil natutuwa ako na komportable siya sa pamamahay ko at maging sa presensya ko.

Knowing her personality, this is an improvement from her. She is slowly engaging with someone.

Hindi ko man lubos na kilala siya dahil masikreto siya ay alam kong piling-pili ang mga taong pinapakitaan niya ng ganito.

Pero pagdating sa heels... ayun at kahit umagang-umaga at nasa loob ng bahay suot parin. Kaya rinig na rinig ko ang lagapak niyon sa sahig.

Hindi ko na lamang iyon pinansin.

"Jess... what happened last night?" She asked while nibbling the bacon.

Nagkalakas loob tuloy akong sumbatan siya. "Fucking gross..."

Tinarayan niya ako. "Let's skip that, I was pertaining about your boyfriend actually... nasa club siya diba, kasama si Peter."

The Parallel Red StringsWhere stories live. Discover now