Chapter 17

2.1K 69 2
                                    



AN: thank you po sa mga nag vote at nagbabasa netong story. Sorry po if hindi ako nakakapag update kaagad. Busy po kase sa school and may sakit pa po ako but because sinipag ulit ako ay babawi ako ngayon. hihihi. So here's an update for you guys! :)
---

Alyssa arrived around 11pm in the evening. Napansin niyang naka patay na ang mga ilaw sa bahay.

"Tulog na kaya yun? Siguro tulog na nga. Baka umuwi narin siguro si Ella." Alyssa thought as she took her key in her pocket to open the door. "Huh? Bakit naka bukas? Kahit kailan talaga hindi marunong mag lock yun. tsk."

Alyssa slowly swang the door and sneak inside when a sudden movement from the couch scared her. Bigla kasing sumindi yung lamp shade at may dalawang figure ng tao dun na nakatingin sakanya.

"Wahhhhh! Mumu! Wag niyo po akong kunin! Si Dennise nalang po, nasa taas siya! Wag po ako, wag ako!" Tili ni Alyssa ng nagulat siya sa nakita niya. She hug her knees at bent herself. She was caught totally of guard.

Nahulog niya yung bitbit niyang box sa sahig sa pagkagulat.

Alyssa didn't even realized that it was Ella and Dennise who's sitting at the couch. May nakalagay kase sa mukha nila na kulay puti, yung peel off mask. Natawa naman bigla si Ella who's sitting beside Dennise dahil sa reaksyon ni Alyssa.

"Walangya to. Ipapamigay ako sa multo?!" Dennise said to Ella while staring at the scared Alyssa.

"Besh, takot siya sa multo. hahaha Ang cute lang. Handa ka niyang ipamigay wag lang siyang kunin. hahaha Teka, doughnuts ba yung nakikita kong dala niya?" Ella giggled and got mesmerize.

"Shut up besh. Ikaw gutom ka nanaman, kaya hindi ka pumapayat eh. Wag ka muna kumain. Magtutuos kami neto." Dennise said to Ella as she stood up.

"Okay okay. Kumalma ka." Ella said. "Basta yung doughnuts ah?" Pahabol niya at tiningnan siya ng masama ni Dennise.

"Hoy hoy! Bakit ngayon ka lang?" Dennise said as she opened the lights and now confronting Alyssa.

"De-dennise? E-ella? Kayo pala yan. You scared the shit out of me." Alyssa then fixed herself. Dennise's eyebrows furrowed.

"Shit. Nakakahiya. I screamed like an old lady. Bakit ba naman kase naglalagay sila ng peel of mask tapos ang dilim pa. Ang creepy tuloy." Alyssa said to herself and bit her lower lip to hide her embarrassment.

"Sumagot ka Aly." Dennise said seriously.

"I thought nakauwi kana Ella? Eto, I brought some doughnuts. Napadaan kase ako sa J. co kaya bumili na ako." Pang iiba ng usapan ni Alyssa.

"Hoy. Wag mo ngang ibahin ang usapan." Malditang sabi ni Dennise.

"Ah guys? I'll leave you two dito ha? You guys need a moment. Akin na yan Alyssa, dito na muna kayo." Ella said and took the box from Alyssa's hand. She was about to exit when Dennise stop her.

"Dito ka lang besh at baka ubusin mo yang doughnuts, pasalubong ni Alyssa sakin yan at saka back up kita. Ngayon Alyssa, tatanungin kita. Bakit ngayon ka lang?"

"Wag mo nga akong kantahan Dennise." Pilosopong sabi ni Alyssa.

"Hindi ako kumakanta noh! Tigilan mo nga yang pamimilosopo mo. Tinatanong kita, bakit ngayon ka lang?" Dennise said.

Napakamot nalang ng ulo si Alyssa.

"Natraffic ako, okay. Sila Kim at Mela kase nag aya pang mag meryenda sa Zark's. Ayun tuloy hindi ako nakauwi ng maaga. Tinakasan ko na nga si Ara eh." Sabi ni Alyssa at pumanik na ng hagdan saka nagtungo sa kwarto niya.

Napamot naman ng ulo si Ella. Dennise was still standing beside her.

"Ano yun besh? Bakit ganyan ka nalang kung magalit kay Alyssa? Late lang naman siya umuwi eh. Naninibago na talaga ako sayo. Ano bang meron?" Ella said.

"I don't know." Maikling sagot ni Dennise.

"Hay nako. Dito kana nga muna besh. Ipreprepare ko lang tong pagkain." Ella then left Dennise at the living room.

"Bakit ko nga ba sinita ng ganun si Alyssa?" Dennise ask herself at napabuntong hininga nalang siya.

Stumble and Fall (AlyDen)Where stories live. Discover now