Chapter 13

2.1K 72 3
                                    



"Ella! Ang tagal mo naman!" Someone shout inside the house.

"Pwede paki dalian? Dalian mo na naman Ells! Matatapos na yung movie!" A chinita girl peak outside the huge door at nakita niya sila Dennise. "Oh. May bisita pala tayo....wait, Dennise? Is that you?"

"Ate Gretchen! Oh I missed you." Dennise said at nilapitan niya yung kaibigan niyang singkit at niyakap ito.

"Great! May reunion sila." Aly whispered sarcastically.

"I miss you too Den! Bakit ngayon ka lang nagpakita? oh, may kasama ka pala. Asan ung asungot na fiancé mo?....Teka, parang namumukhaan ko tong kasama mo. I saw you before. Um...." Gretchen said ng mapansin niya si Alyssa. "Ikaw si Alyssa Valdez diba? We met once sa SM Trinoma. Dun sa may star bucks! It was 2 years ago. Wala ka bang naaalala?"

"Ahhhh Yes, ako nga si Alyssa. May konting naaalala ako pero sorry, I can't remember you. May short term memory kase ako." Alyssa answered and scratch her nape.

"I'm Gretch, Gretchen Ho. Ako yung nakatapon ng kape sa kasama mo nun...Laura ata pangalan niya? Correct me if I'm wrong pero tama ako diba?" She explained. Nagliwanag naman ang mukha ni Alyssa ng maalala niya.

"Oh yeah, si Laura nga yung natapunan mo. Naaalala na kita. Whats up? Kayo parin ba ni Rob? Kamusta na kayo? Long time no see ah." Alyssa hug Gretch. Nalilito naman si Ella at Dennise sa naririnig at nakikita niya ngayon.

"I'm fine. I mean, we're fine. Going strong parin kami ni Robi. He's working as a Dj sa Myx. Lets hang out some time. Lika, pasok muna kayo sa loob." pag aya niya sa loob.

"Hay. Sawakas nakaramdam kayo." Ella said as she let out a heavy sigh. Papasok na sana si Ella sa pinto ng nagsalita si Dennise.

"Wait, you two know each other? Parang ngayon ko lang alam 'to ah and who's Laura?" Gulat na sabi ni Dennise.

Natahimik naman saglit si Alyssa after hearing Laura's name.

"Hindi ba nabanggit sayo ni Aly?" Gretchen said to Dennise.

"Wala siyang nabanggit. We don't talk that much." Paliwanag niya.

"Okay. (There was an awkward silence) Um. Aly? You okay?" Gretch ask ng mapansin niyang napatahimik ito.

"Huh? Ow, Yeah. I'm okay." Alyssa answered and pilit na ngumiti.

"Who the heck is Laura? Kanina ko pa naririnig ang pangalan na yan." Dennise thought.

"Ah guys? Ayaw--" Eksena ni Ella but she was cut of by Gretch. Napabuntong hininga nalang siya dahil walang nakakapansin sakanya.

"Ano nga ulit yung tanong mo Den?" Tanong ni Gretchen. Napakamot nalang si Ella sa ulo niya.

"About you and Aly. Kailan pa kayo naging close?" Napataas ang kilay niya.

"Noon pa kami magkakilala ni Aly, nasa college palang siya nun. Tumambay kase kami ni Robi sa starbucks non, tapos nung tinawag na kami para kunin yung inorder namin ay nag presinta akong kunin but I bump into Laura kaya ayun. Aksidente kong natapunan yung fian--" Paliwanag niya pero hindi siya natapos ng magpapadyak si Ella at nagsalita na.

"Nilalamok na ako oh. Wala ba kayong balak pumasok?" Taas kilay niyang sabi at patuloy parin sa pag patay ng lamok.

"Etong kase si Den eh, napakadaming tanong. Ayaw mo kaseng sumama samin nun ni Robi, edi sana nakilala mo si Aly noon pa. (Dennise smirk) Mamaya kana magtanong Den, nilalamok na si Madam Ella oh. Baka mamaya pumayat pa yan. Tara, pasok na tayo." Gretchen said. Natawa naman ang tatlo ng makitang inuubos na ng lamok si Ella.

"Buti at nakaramdam kayo guys." Ella let out a giggle.

Naunang pumasok sa loob ang magkakaibigan at nahuli naman si Alyssa dahil sa kinuha niya ba ang mga luggage nila sa labas.

Alyssa was shock when she saw a group of girls sitting on the carpet.

"Wow. So totoo nga na may reunion sila?" Alyssa thought. Naningkit ang mga mata ni Alyssa, seeing those girls blabbering like Dennise.

"Ate Gretch! Matatapos na yung movie! Asan na si madam Ella-- Oh my buko pie. Dennise?! Girls! Girls, may bisita tayo." A tall Japanese girl said. Lahat napalingon sa gawi nila Dennise.

"Ate Den!!!" Sigaw ng apat na babaeng nakaupo sa floor. Akmang tatayo na sana ang mga ito ng paupuin ulit sila ni Madam Ella.

"Hep hep. Umalma nga kayo. Nakakahiya sa kasama ni Den." Ella said.

"Girls, this is Alyssa Valdez. (Nagwave naman ng kamay sakanila si Aly at ngumiti ng pamatay. The four girls were speechless) She's a close friend of Dennise from Florida. Alyssa, meet them. That's Mae, yung mukhang Japanese and beside her is Julia. Beside Julia is Marge. The girl wearing a blue shirt is Fille beside her is Mich, siya yung may suot ng Nilo and Stitch na shirt." Pagpapakilala ni Ella sa mga babaeng nakatingin na ngayon kay Alyssa.

"Nice meeting you ate Alyssa! Yieee, Si ate Den. May bagong Fafa." Biro ni Julia. They all laugh except for Dennise who's blushing in embarrassment.

"Nice to meet--" Alyssa was cut off by Dennise.

"Oy, oy, wag nga kayong magulo. Tigilan niyo ako ha. Pagod ako." Pagtataray na sabi ni Dennise.

While Alyssa on the other hand giggled at what Dennise said.

"Grabe pala 'tong mga 'to. Daig pa ang mga rugby boys sa lakas ng trip. Hindi ba nila ako feel? Heller?! I'm so dead tired. Mukhang may reunion party pang magaganap." Pagmomonologue ni Alyssa sa sarili.

"Sus. Si Ate Den in-denial pa. Infairness maganda taste mo ate ha. Pwede na." Pagsang ayon ni Mich at nag smirk pa ito kay Dennise.

"Argh. Kayo talaga! Tigilan niyo kami kundi sasamahin kayo sakin." Dennise said at pinandilatan niya ng mata ang mga kaibigan niya. Effective naman kase tumahimik sila.

"Sorry na ate Den. (pinipigilan ni Marge matawa) Nag bablush ka kase oh." Turo niya sa mga pisngi ni Dennise.

"Ewan ko sainyo! Ella hatid mo na kami sa taas." Nag walk out si Dennise at naglakad na ito papunta sa hagdan.

Sumunod naman si Alyssa at Ella dala dala ang mga luggage nila.

"Ate Den! Ate Aly! Wag muna kayo matulog, tutal kararating niyo, lets celebrate!" Mich shouted habang nagtatatalon sa couch.

"Mich! Pag yang couch namin na galing London nasira isang buwan kang maninilbihan sakin!" Sita ni Ella kay Mich ng makita niya ito. Agad naman itong umalis sa couch.

"Sorry madam." Takot na sabi ni Mich. Ella just smirk at nagpatuloy ng umakyat sa hagdan.

"Ay panis. Takot ka pala kay Madam Ella." Asar ni Julia kay Michifu. Nagpout naman ito sakanya.

"Ew. Tigilan mo nga yan Mich. Mukha kang aso. Hahaha aray!" Sabi ni Marge. Nabato siya ng unan sa mukha.

"Pillow fight!" Malakas na sigaw ni Gretchen ng tumayo siya sa taas ng couch at hinampas si Fille sa braso.

At dun nag umpisa ang kaguluhan. Nagkaroon ng pillow fight sa living room kung saan pinamumunuan ito ng isang singkit.

Sa kabilang banda, hinatid na ni Ella sila Alyssa at Dennise sa tutulugan nila.

"Uh Dennise? okay lang ba if share kayo ng room ni Aly? Wala na kaming vacant room eh. Kung gusto mo naman, share nalang kami ni Aly sa room ko. I don't mind." Ella suggested and flashed a grin smile on her face that made Dennise's mad.

"Hell no. It's a big no no. (Tiningnan niya ng masama si Ella) I mean, share nalang kami. Hindi siya pwedeng mahiwalay sakin. Hindi ako papayag. We're used in sharing rooms naman. Saka, pansamantala lang naman kami dito, just for tonight." Sagot ni Dennise at tinaasan niya ng kilay si Ella.

"Chill Den. Wala kang kaaway. I'm just saying. Napaka possessive mo naman. May kwento ka pang ikwekwento samin mamaya." Ella said and pat Den's left shoulder. "Sige, bababa na muna ako, sunod nalang kayo mamaya. Maaga pa naman."

Ella left Dennise and Alyssa. Pumasok naman na sa loob ang dalawa at nag ayos ng sarili.

Stumble and Fall (AlyDen)Where stories live. Discover now