Chapter 18

3.3K 60 9
                                    


11 am na nagising si Alyssa. After niya kasing magjogging kaninang umaga ay natulog ulit siya.

"Good morning Alyssa. Aga mo ah?"

"Si Dennise?" Alyssa ask Ella who's sitting at the bar stool kitchen.

Kumuha muna ng bowl si Alyssa at nilagyan ito ng cereal at milk.

"Grabe naman 'to. Wala bang good morning too ella muna? Nakakastress ka ha. Mag aafternoon na kaya. Um. Ah. Si. Den. ba hanap mo?" Ella said while eating.

Alyssa nod. "Okay, I'm sorry. Good morning madam Ella. Ayan ah! Oh asan si Dennise? Bakit ba bihis na bihis ka?"

"Naliligo pa ata siya. Napakatagal talaga niya kahit kailan. She's preparing for the occasion. Oh, nakalimutan kong sabihin sayo kagabi, Fille invited us to a party. Gusto mo ba sumama samin?" Ella said to Alyssa.

"I got a meeting today. Sayang eh. I would love to come. Wrong timing naman yang party. Bantayan mo nalang yang best friend mo." Alyssa said to Ella.

"Speaking of Dennise ayan na siya. After how many years ngayon lang siya lumabas ng ganyan kabilis." Ella pointed her index finger where Dennise was.

"Ano ba naman yang suot mo Den? Kabog pa suot ni Ella. Magbihis ka nga. Humanap ka ng mas mahaba dyan saka mag blazer ka." Naiiritang sabi ni Alyssa ng tiningnan niya mula ulo hanggang paa si Dennise.

"Wag na. Magpapatagal nanaman yan. Kanina pa sa cr si Dennise baka mamaya dun na siya matulog." Sagot ni Ella at nilapitan na niya si Dennise. Sumunod naman si Alyssa.

"Sira ka talaga Ella." Naatawang sabi ni Dennise.

"Eh tingnan mo nga yan! Kita likod niya lantad oh. Wala pang sleeves yang dress niya. Tapos sobrang taas pa sa tuhod. Magbihis ka nga oy." Utos ni Alyssa kay Dennise.

"Wag na. Kulit mo kasi Alyssa. Etong si besh daig pa ang pag ikot ng mundo sa sobrang tagal."
Sabi ni Ella.

"Hoy! tigilan niyo nga ako. Wag ka mag alala Alyssa, okay lang 'tong suot ko. Si Ella parin naman ang head turner eh. Oh siya, una na kami ha?" Paalam ni Dennise kay Alyssa.

"Thanks besh. Buti k pa naappriciate mo na head turner ako." Proud na sabi ni Ella na nakangiting aso.

"Si Ella head turner? Tatalikod nalang ako pag nakita ko si Ella. hahaha (Tiningnan siya ng masama ni Ella) Joke lang. (Serious face) Ehem. Are you sure yan na talaga isusuot mo?" Pag tatanong ni Alyssa.

Tumango naman si Dennise.

"Hay. Sige na nga. Wala na akong magagawa. Mag ingat kayo." Sabi ni Alyssa kay Ella at Dennise ng inihatid na niya ang mga ito sa kotse ni Ella.

"Yup. Hindi ko pababayaan si besh. Yan pa? Taob lahat dyan. Wag ka mag alala, doctor naman siya kaya pag may nagulpi yan magagamot niya." Biro ni Ella.

"Besh tara na. Ang daldal mo rin eh. Inaantay kana ng mga pagkain dun." Singit ni Dennise.

---
A/N: Ayun! yes! nakapag ud rin. Grabe. Sobrang stress ako. hahaha Sana tuloy tuloy na tong pag ud ko. Sana. Got a very busy week coming. Sana hindi ako sumpungin ng mind grain. Anyways, short ud. Share/tell me what you feel about this. hihihi Lovey'll. <3

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 10, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Stumble and Fall (AlyDen)Where stories live. Discover now