Chapter 1: Secret

246 49 2
                                    

                                                                    ⚠STORY TRIGGER WARNING!⚠

                        Before proceeding on reading this story contains VIOLENCE, VULGAR WORDS, KILLINGS, BLOOD, and other contents that are not suitable for weak stomach readers. Prepare your bucket and tissues because I know that you're gonna use it.  Some of the scenes in this story were quite DISTURBING and TRAUMATIZING. Always remember I reminded you about the contents of this story. But if you still insist on reading this, then continue reading.

                                                                                     🖋 AUTHOR'S NOTE🖋

                  This story was only a work of fiction the characters, places, and events were only created by the author's playful and creative mind. You will encounter some typographical and grammatical errors.  I hope you'll enjoy this work of an unfamous Wattpad author. Love you lots and enjoy!

Copyright © 2024 by RA1NC4RN4T1ONE

All rights reserved

                                                  **************************

Hindi ko matandaan kung kailan ako huling nakisalamuha sa maraming tao. Papasok sa eskwelahan sa gabi at mananatili sa condo sa umaga. Pulit-ulit na routine sa loob ng labindalawang  taon kong mag-isa sa buhay. Mag-isa dahil wala naman na akong pamilya, may tumitingin lang sa akin pero masasabi ko pa ring mag-isa lang ako .Nakakasawa. Wala rin naman akong choice kundi patuloy na mabuhay kahit gusto ko ng mawala sa mundo. 

Nakahiga ako sa kama ngayon, pilit na nililibang ang sarili. Bakit ganun? I always feel that everything about me is selcouth. I don't even feel or know what gladness is.  " Tssk!" saad ko na lamang sa sarili. Remembering things is one of my weaknesses. 

I stop ruminating indelible memories inside my head. Agad akong napatayo sa aking kama at tamad na tumungo sa aking study table. Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan ang isa sa pinakaimportanteng tao sa buhay ko. I trusted him more than I trust myself. Sometimes I became hostile and his the only person who can abate  my impetous actions. He's my medicine.

  Agad naman itong sumagot.

"Why, anak? I slightly smiled when I heard that word.

"I'm out of stock,"tipid kong tugon. Kakaubos lang ng rasyon niya kagabi. Muli akong napangiti nang hindi na ito nag-alinlangan pa.

"Don't worry. Kakatawag ko lang sa kanila. Padating na siguro yun mamaya-maya lang and kasama na rin dun ang gamot mo. Just wait. Don't do silly things, Dear," mapangasar niyang tugon. He's always been like this since then. I wish he will stay longer. I wish he will live longer. If I could only do that thing to him. Saglit akong tumigil nang mapagtanto na hindi maari ang iniisip ko. 

I can't even if I wanted to.

Bigla akong natauhan ng mapansin na hindi pa pala trapos ang aming usapan. "T-Thanks, and . . . Tito Nicholai. Kailan ka bibisita?,"nagaalangan kong tanong. Two weeks na ang nakakalipas ng huli siyang dumalaw. Alam kong napakabusy niyang tao pero hindi niya nakakalimutan ang pagpapadala ng kailangan ko sa araw-araw. He's a very altruistic person.

" I have many things to do in the company. Kakatok na lang ako sa'yong pintuan. Byee na anak, may aasikasuhin lang si Tito," nagmamadali niyang tugon na tila ba ay may importante pa siyang gagawin.

"Bye then." Pinatay ko na ang tawag. Bumalik ako sa pagkakahiga kanina, tumagilid ako at nakita ko ang liwanag na nanggagaling sa labas, makapal man ang kurtinang  nakalagay dito ay naaninag ko pa rin ang liwanag. Simula bata ako isang beses ko pa lang nakita ang liwanag ng umaga sa labas na muntik ko pang ikamatay. Itinigil ko rin kaagad ang pagtingin dito dahil nakaramdam agad ako ng pananakit ng aking mga mata. I hate this feeeling, being unable to see the morning or feel the heat of the sun. I hate it. I'm sensitive: my eyes, my skin, and even my hearing.

ECLIPSE (ÍNTEGRO)#1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon