Chapter 12: Pain

107 23 0
                                    

Pinaharorot ko na ang motor, I need a place to heal this wound before sunrise. Kung hindi lang nasa public place kami kanina ay baka kung ano na ang naggawa ko kay Ace. 

Hindi ko na kaya masyado ng masakit ang kamay ko. Arghhh this freaking wound makes my body sweat coldly. Ipinarada ko muna ang aking motor sa isang madilim na iskinita. This isn't the first time I'm been wounded by a silver, but this one was the most painful.

Napahawak na ako sa dingding ng iskenitang pinasukan ko. My vision became blurry, napaupo na ako sa gilid katabi ng basurahan. I don't care if it was a dumpster. Napangiwi ako sa sakit habang tinatanggal ang telang nakabalot dito. Patuloy pa rin ito sa pagdugo, imbis na maghilom ito ay lalo pa itong lumaki.

Napahiga na ako sa sakit ng kumirot ito ng sobra. Namamasa na ang aking mga mata dahil sa nararamdaman ko ngayon.  Kinagat ko na lang ang labi para hindi sumigaw I don't know this place and at this state I'm vulnerable.

Umayos muli ako ng pagkakaupo habang hawak-hawak pa rin ang kaliwang kamay. Basang-basa na ako ng pawis. 

Tiningnan ko kung anong oras na, it's already 3:00 am, few hours more then the sun will rise. Naghintay pa ako ng ilang minuto hanggang medyo kaya ko na ang sakit. Pinilit kong tumayo itinuon ko ang kanang kamay sa dingding. Ilang hakbang pa lang ang naggagawa ko ng bumuhos ang malakas na ulan, patuloy pa rin ako sa paglalakad hanggang sa makarating sa bukana ng eskenitang aking pinasukan. Isinuot ko na agad ang helmet at pinaandar na ang motor, alam kong basang-basa na ako at may kakaiba na ring nararamdaman sa katawan, mainit. 

Tinahak ko ang daan kung saan ko pinapunta sila Keven, sa condo, that's the only place I know that was safe in this town. Mukhang nandun na mana si Sammy at alam din niyang dun ko pinapunta sila Keven. I texted her bago pa ako umalis sa parke kanina.

Palakas ng palakas ang ulan at painit rin ng painit ang aking nararamdaman. Hindi pa rin nawawala ang sakit na nagmumula sa sugat.

Nakarating na ako sa garahe ng building nanghihina pa rin ang aking katawan. Mukhang nandito na sila dahil sa dalawang kotseng pag-aari ni Ace at Keven. 

I manage to walk from the parking lot to the elevator. The pain and heat were still there. Ipinilig pilig ko ng bahagya ang ulo ko dahil sa nagbublurr na naman ito ang aking paningin. Nasa loob na ako ngayon ng elevator nakahawak ako sa right side ng dingding para hindi ako matumba. Basang-basa ako ngayon kitang-kita ko ang pumapatak na tubig mula sa buhok at damit ko. Hindi ko namalayang nakalabas na pala ako ng elevator at ngayon ay nasa tapat na ng condo unit ko. I want to sleep, mainit at napakabigat na ng pakiramdam ko. Napansin ko rin ang dugong patuloy pa ring umaagos sa sugat sa kamay ko.

I heard someone talking between a girl and a guy. They seem arguing over something. I used my fingerprint to open the door. The voices stopped, Sammy called my name but I didn't give a gaze. 

The only thing I knew was I fell but there someone held me and everything became black.

***************************************************

Nakatingin lang ako sa anim maskuladong lalaking nasa sala ngayon yung dalawa ay prenteng nakaupo sa sofa, yung isa naman nakatingin sa bintana, yung dalawa naman may kung anong pinag-uusapan sa may kusina at mukhang nagg-aaway pa, yung isa nga mukhang nabugbog pa. Naka sandal ako sa gilid ng TV malapit sa pinto. Kung hindi ko lang nabasa ang text ni Lune na hindi ko maintindihan dahil maraming typo ay hinding-hindi ko talaga papasukin ang mga lalaking ito.

Kilala sila sa buong university dahil sa kagwapuhan at kayabangan na rin. Pero wala akong pake sa kanila. Hehehe may pake naman pero kay Cole lang.

"Miss pwede ba makiinom? Hehehe mukha ka namang mabait.", saad ng lalaking nakaupo sa sofa na nagpakilalang Lucas. 

ECLIPSE (ÍNTEGRO)#1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon